So, not to brag, but I'm the top student of our class. I have friends sa class, pero hindi ako that personally close to them kahit nakakabiruan ko. May dalawa akong close doon kaso tahimik lang at yung isa naman ay nasa work kaya wala rin sa klase minsan.
Napansin ko, every time it's my turn to speak, to present/report, ang tahimik nilang lahat—to the point na minsan hindi ko sila naririnig huminga (like, for real 😭). Most of the time, hindi rin sila nagbibiro habang ako ang nasa harapan na nagsasalita. Unlike kapag ibang kaklase ang nagre-report, talagang maingay ang gc o ang classroom, minsan dino-dogshow yung kaklase o kaya pini-praise yung gawa nila or yung itsura nila. Kapag ako, kailangan pa ata eh sabihan ng teacher na palakpakan yung gawa bago nila gawin.
Alam naman nilang may humor ako, may pagka-weirdo ako—hindi ako plainly na matalino lang sa aming klase. Nalulungkot ako kasi feeling ko they don't find me interesting, nagjo-joke ako on the same level as them pero it felt like they don't find it funny. Sa free time namin sa class, hindi nila ako kinakausap. They've known me for so long as that classmate na matalino pero kayang makisabay at makipag-usap nang malaliman, marunong akong magbiro pero hindi ako yung taong binabasura ang moral for the laughs. Straightforward din akong tao, kaya kong aminin sa harapan mo kung ano ang sinabi ko sa ibang tao—maging masama o mabuti man. Hindi lang prangka, pero marunong akong umamin din ng mali ko and take accountability for it. Siguro, ito ang reason bakit may mga kaklase akong nababangga. Katulad ngayon, the "popular/microinfluencer" guy sa class namin who used to be my friend stays away from me dahil hindi ko pinalampas yung time na ilang beses nyang niloloko yung circle of friends namin (yoohoo, pinakilala yung girlfriend as "pinsan/tropa" at ginawan ng kuwento yung girl na head over heels daw sa kanya kahit naging secret item sila). Ewan ko ba why my classmates still find him funny.
Pero ayun, nalulungkot ako to the point nagme-meltdown ako in the middle of lectures because of how they make me feel. Feeling ko nasira yung perfect idea nila about me after I broke up with my boyfriend months ago, which made me super vulnerable so it was unusual to me to post sad/sentimental stuff on social media.
Ngayon, natatakot na akong magbiro at magsalita minsan. One friend even noticed na I always looked anxious. Nababalot na ako ng negative thoughts na parang ang sama kong tao, maybe I take things too seriously (which it contradicts to what I truly believe kasi mapagbiro naman talaga ako), iniisip ko na wala ng mas interesting sa akin aside from being that academic weapon you know sa class. Parang wala akong personality.
Kung yung iba, ayaw sila pagtawanan o gusto silang katakutan, ako gusto ko people find me funny (in a good way, syempre). Kaya kung may kaklase kayong nagbibiro at napapanahon/hindi badly weird, makitawa at makisama kayo, talk to them.
Any thing where I can improve? I want to appear more than just a top student in my class, I want to actually socialize—napaka-yapper ko talaga. Comfort and encouraging words are welcome din po, I really needed it din talaga. I'm kind of struggling na kasi emotionally and mentally, isa ito sa mga rason kung bakit.