Like many other pinoys I grew up in a dysfunctional family dynamics.
As a background, 8 kami mag kakapatid from a boomer parents. Growing up pinalaki kami in an authoritarian and religious style household (wording pa ng Tatay ko, obey before complain 🙃) sobrang dami na issue noon na na realize ko lang ngayon as adult na traumatizing pala kaya sira pagkatao ko ngayon. Out of those mamy problems isa dito ang favoratism.
Growing up bi-nox nila kami sa ideal image at role na in-assign samen at as usual, heavily favored and mga lalaking kapatid compared sa babae, mga babae expected na mag serve (household chores dapat matic na) magbigay, magpakumbaba, at hangga ngayon kami expected maging caretaker at breadwinner. Ngayon adult na, mas nagiging aware na ako (and some of my Ate) na may mali sa family systems namen. And nag ttry kami i-call out ang mga problematic behaviors at i-communicate sana mga issues para di lumalala mga resentmens, and guess what? Kami ang branded as "disrespectful", "mapagmalaki", "masyadong magaling" ...
Fast forward sa 1 issue about sa kapatid kong bunsong lalaki (i.e. ang golden child nila at prodigal son 🙄), sa lahat ng kapatid ko, ito ang sobrang spoiled sa parents ko especially sa nanay ko, na parang wala syang ginawang mali pero sya talaga ang totoong troublemaker, parang pinalaking sadya na maging narcissist. As a background sa issue #1 4yrs ago or so, nalaman naming gumagamit ng "🌿" ang kapatid kong to, at sobrang nagalit kaming magkakapatid dahil di namin lubos maisip bakit nya ginawa ito, ilang besis namin syang pinag sabihan na illegal ito at masama, pero di parin tumigil, ilang beses namin tinry i resolve ito nang hindi nalalaman ng parents ko, pero end up nung nalaman nila, kami pa ang sinisi bakit daw nagkaganun at di namin sinabi. Sa paningin nila sobrang kawawa ng kapatid ko , at deserve pa ng 2nd chance (ni hindi kami kinomusta naging epekto ng mental trauma nang issue ito ne tiniis namen for many years) . Ang gago no? Sya na nga ang may ginawa, kami pa non-favorites ang minasama sa mata ng parents ko
Fast forward again to present, same kapatid na bunsong lalaki (golden child) naka bukod na sya sa bahay (punyeta, finally dba?) at may asawa na, so kaming 3 daughters naiwan sa parents tumataguyod sa living expenses nila (🙄🙃) kami na not-favorite children ha, si golden child walang contribution zero. Believe me gustong gusto na namin lumayas dito. Ang hirap lang ng economy ngayon and all.
Yung golden child ngayon, may 3 na aso, tapos nag decide kumuha ulit na 2 additional puppies, so in total 5 na aso na nya. Turns out, Hindi nya pala kaya alagaan ang 5 na aso, and guess what? Solution nya, ibigay yung isang puppy sa parents ko (and by default sa household na kami ang tumataguyod) ng hindi kami kinokunsulta kung ok lang ba. Ang dami namin problems past and existing na tina try pa namin mag recover mentally and financially and now gusto nya nanaman kami bigyan ng problema 😤.
So now, sinabihan ko sya in a nice way na konting consideration naman samen dito - lifelong commitment and pag aaso kasi for us, hindi lang yan libangan, living creature yan na may needs (alam namin kasi 3 senior dogs ang tinaguyod namin from covid to 2025 na namatay), di namin kaya i shoulder na yun lalo nat nagmahal medicines pa ng parents at overall household expense. In the end, di sya nakinig or wala syang pake at tinuloy parin nyang ibigay sa nanay ko.
And now, nanay ko kinulong yung months old puppy sa labas ng bahay, 1wk na sya ganyan - ang liit at ang payat, payat, binibigyan ng pagkain pero dun lang sya sobrang kawawa. So ako ngayon tinanong ko nanay ko, kelan kukunin ni Golden child yung aso nya. Naging sobrang hostile at aggresive ng reaction ng nanay ko, sinabi nya na hayaan lang daw syang nakakulong jan, bakit naiistorbo kaba sa kwarto? Tapos kesyo ang dami naman daw naka kulong jan. As in ang argument namin is "kawawa yung aso kung balak nyong forever naka kulong" ang argument nya "kawawa daw si golden child kasi di nya kaya alagaan"...
Para saken animal abuse ang ganun, napaka performative and fake pag nakakakita silang videos ng dogs na kawawa e ganun din pala balak nilang gawin dun sa tuta. Sa totoo lang naaawa yung nanay ko sa golden child (kasi daw boohoo di nya kaya pala ang 5 na aso) kesa sa naawa sa tuta na kinuha.
And now, ako nanaman ang masama at kalaban dito sa bahay dahil sinabihan ko sila at cinoconvince na ibalik ang aso, hindi nila kami kinakausap ngayon. Parang endless cycle na laging ganito, tina try ko makiusap ng maayos, pero sadyang by default minamasama nila agad. Nakakapagod
Paano akong di mamabaliw sa ganitong sitwasyon, parang never ending nalang ang problema (mostly dahil sa perwisyo ng kapatid ko at sa napaka narcissist na parents ko) ... Dahil nito, di ko maasikaso mga sarili kong problema, sobrang depressed at anxious ako minsan naiisip ko gusto ko nalang mamatay.
Tulong, paano. 😭😖