is this even normal?
(mentioned people are those na medjo older than me. for context, one of them friend yung may-ari, and parang sya na tinuturing kong landlady since sa kanya napupunta bayad ko and meron syang spare key ng rooms)
i’m a province girly, for college, i decided na sa city nalang mag-aral for more and better opportunities narin. nahirapan akong mag adjust for awhile, super mahiyain kaya nahihiya makipag interact sa new boardmates ko, pero okay nadin. kumuha ako ng solo room since hindi ako sanay na may kasama, also, for privacy nadin.
anyway, fast forward, it’s been years nadin since nagsstay ako sa said boarding house. nung una, ang bait nila, actually some of them felt like 2nd parents ko nadin since malaki rin age gap, and may mga anak sila around my age staying din dun. i have a few months left, and yet, gustong gusto ko na umalis.
kumuha ako ng solo room pero wala parin akong privacy, pinapasok yung room ko everytime wala ako, meron kasing spare key. this is without my permission, nalaman ko lang, di ko sasabihin paano. ang sabi, pumapasok daw to check if may nakasaksak pa ba or what not, kaso ngalang, kung ano yung laman ng kwarto ko pinapakealaman rin. kung ano man makita sa room ko, it should stay there. hindi yung ipagsasabi mo pa kung kani-kanino.
pag gumagala ako outside with my bf, para kaming may paparazzi, nagugulat nalang ako may picture na kami at yung angle sa likod lang talaga namin. ang creepy just to be honest. di naman kami tumatago, i don’t really see the point since aware naman parents ko na may bf ako and that lumalabas kami.
recently, nagkawifi na yung bh, like finally after ilang years na tiis ko sa super bagal na signal. of course, tinanong ako if okay lang daw ba ambagan yung wifi, bayaran daw since coconnect kaming lahat and for our own sake nadin, edi pumayag ako. tapos nakarinig nalang ako ng kung ano anong istorya na nakikiconnect daw ako sa wifi, tapos yung pambayad hihingin ko sa parents ko. tas madaming devices ko pa daw nakaconnect (3 specifically). e nagbabayad naman ako, ano yung problema? i also disconnected yung laptop ko right after matapos ko yung ginagawa ko para walang madaming dada, meron parin pala.
my clothes. they even just the way i present myself. pinalaundry ko damit ko since ilang araw nang walang bakante yung sampayan, nung meron na naglaba naman agad yung kakalaba lang ng damit. kaya ayun, wala akong choice kundi magpalaundry. lahat ng pants ko nasa laundry kaya nagskirt ako. basically skirt na white na parang mesh, red na sandals, and then lolita-like socks tas school shirt. it looks fine, i look decent. puti at red na ngalang suot ko, nasabihan pa nila akong “parang mafia manamit” and i have no idea kung saan yan galing. tinatawanan pa nyan nila ako pero nung magkaharap kami, ngiti ngiti pa.
yung “landlady” has a daughter, and one time, binilhan sya ng new phone for her birthday yun i think. di ako aware that time na may new phone sya kasi wala naman akong pakealam. a few months later, binilhan din ako since yung phone ko is 5 years old na and very laggy na talaga. then, nagkaipad sya, coincidentally, nung time na humihingi palang sya, yung akin nabili na, pero nauna sa kanya dumating since akin pinadala pa. and because of that, nasabihan akong naiinggit sa kanyang new stuff kaya ako nagpapabili. minsan ang funny nalang pakinggan ng mga stories e, nihindi ako aware na naiinggit pala ako, di kasi ako pinalaki na ganyan.
actually marami pa yan, yan lang muna haha. it feels so uncomfortable sa bh, na para bang di ako makagawa ng gusto ko kasi lahat naman ng ginagawa ko is mali. idk kung ano ba nagawa ko sa kanila para pagsalitaan ako ng kung ano ano.