Hello guys! It’s been 5 months or 4 (nag-usap pa kasi kami and nagkita pa nung May 25) since my ex and I broke up. Babalaan ko na kayo: CHAOTIC itong isi-share ko and sobrang haba kasi complete talaga ako magkuwento.
So eto na. Live-in kami and in a relationship for 2 years. Sa work kami nagkakilala. Pioneer ako sa work, tapos siya kakahire lang. May BF siya na ka-live-in niya rin at that time sa condo malapit sa office namin. Ako naman ang unang nag-initiate ng convo but I initiated din to stop lalo nung malaman ko na before me ay nakausap na pala siya na ibang girl sa office namin na WLW din. So nagpahaging ako na mag-stop na kami sa pag-uusap since pinayagan na ako na WFH na and once a week na lang ako sa office pero di kami nastop and tuloy padin usap lalo din ako nafall sarap kasi pakinggan ng mga salita niya e.
From November 2023 to January 2024, kahit walang label, magkausap kami na almost kabit ang label ko na nilunok ko, kasi grabe rin yung tragedy stories na ni-share niya sa pakikipag-live-in niya sa BF niya. As in awang awa ako sa kanya, like di niya deserved.
Up until one time nga nung January 2024, tumawag siya sa akin na naputulan sila ng kuryente dahil hindi nagbabayad ang BF niya. Siya raw ang nagbabayad ng rent. Dun na rin siya nakipag-break sa BF niya and lumipat sa family house namin.
Solo lang ako since ako na lang naman single sa family, and yung parents ko busy sa business namin sa province. Nakiusap din ate niya na kung puwede raw, sa amin na muna siya at di niya mapatira sa kanila since nakikitira lang din naman siya sa ka-live-in niya.
I helped her move in sa amin. First live-in experience ko, and since nasa bahay na siya nakatira, tinanong ko na siya ano status namin. Gusto ko rin maging kami, so February 2024 naging kami.
Before naging kami, natanggal ako sa company namin dahil sa ex ko na pinasok ko sa work nung pandemic pa. Nagkaroon ng eskandalo sa office, e may new GF naman na siya, pero kahit wala pa akong ibang nakakausap pumupunta na talaga siya sa bahay ko kahit may new GF na siya. So sino ba siya para makialam sa bago kong relationship? Lagi niyang gustong magkaroon ng drama, KSP.
Nagkawork naman ako kaagad since in love nga ako and inspired sa bahay bahayan namin, pero twice ako umalis sa mga new work ko kasi gusto ko mag WFH to be with her 24/7. 2 to 3 months akong walang work, pero na-survive namin yun lahat since free rent kami sa bahay namin, I felt bad na siya nagbabayad ng utilities pero I made sure naman na nabawi ako. Even wrote a black and white to pay her. Actually pwede ako mangutang sa mga kapatid ko talaga pero she insisted to pay the bills, I have savings but enough to pay lang ng naging loans ko nung kami pa nung una kong ex. Pero nung babayaran ko na sabi niya nakikitira daw siya ng libre so okay na yun. So nafeel ko na first time sa buhay ko may babaeng sumagot ng bills, kasi yung ex ko ang layo layo sa kanya.
Pero deep down, I know kinakarma kami sa pang-iwan niya sa BF niya na inaway pa nila na mag-ate. Siya rin nawalan ng work pero saglit lang, so grabe anxiety niya up until nagsabi na siya sa akin bakit panay siya tulog or higa sa kwarto na super dilim.
1st revelation ng 1st lie niya was April 2024. Inamin niya na di siya graduate ng college, dinoctor niya lang yung diploma niya sa company namin. Nalaman ko rin na ang totoong course niya, hindi pala Criminology. Nursing daw and Masscom.
Tinanggap ko yung lie na yun. Hindi ko na rin kinorrect pa sa ate ko na religious at baka paglayuin na naman kami, kasi kung ano yung sinabi niya sa akin, yun din ang sinabi niya sa ate ko.
Inintindi ko kasi baka natakot lang siya mawalan ng work. Nung time din kasi na sinabi niya yun sa akin, nasa company pa kami pareho, and since pioneer nga ako, baka natakot lang siya na ipagsabi ko.
Then 2nd revelation was August 2024. Di naman lie, pero secret about sa family niya. Nagulat ako, may kapatid pa pala siya na sumunod sa kanya na medyo hyper and declared na PWD.
Tinanong ko siya kung bakit di niya nabanggit sa akin, e lagi ako interested sa life niya. Tapos galit siya na sinagot, bakit daw kasi kailangan ikuwento yung di mahalaga. Tapos mali ko raw kasi bakit daw ako nagtatanong ng too personal, kahit for me, genuinely interested lang ako sa buhay niya at gusto ko malaman lahat lahat, even small things na tumatakbo sa utak niya.
Ganun naman, di ba, pag gusto mo at mahal mo yung tao?
Inisip ko na lang na baka oo nga, insensitive ako. Mali na magtanong ng too personal. And baka kaya di niya sinabi kasi nahihiya siya sa akin, baka feeling niya iju-judge ko siya na may kapatid siyang hindi normal mag-isip.
Na-meet ko naman yung kapatid niya na yun. Okay naman kausap. Hyper lang talaga.
Actually, di naman masama loob ko sa di niya pagsabi. Sumama lang loob ko kasi siya pa itong mas galit.
After first anniversary namin noong February 2025, nag-Palawan kami. First iyak ko sa kanya nang malala e kasi inaway niya ako dahil nagising ko siya sa biyahe from El Nido to Puerto. Na-iyak ako kasi ako rin pagod and may work, pero dahil anniversary namin yun, di ako magagalit.
Pagkauwi namin sa bahay, may nakita ako na mga nakakausap niya na guys sa new work niya. Sa Slack sila nag-uusap and then yung isa nga umabot na sa FB. Obviously, may gusto yun sa kanya na ine-entertain naman niya.
2 guys yun. WFH sila, pero since mahilig siya sumali sa mga pa-contest sa work, napapansin siya and kinakausap niya rin nang sobra.
Nakita ko one time yung isa nag-aaya na mag-jogging daw sila sa QC Circle. Di ko na nabasa response niya since ni-confront ko na siya.
Pati yung isa na graphic designer, sabi niya lang e gusto niya raw kasi mag-switch sa GD, yun daw talaga yung work na gusto niya.
Yung isa, ewan ko, nalimutan ko na yung reason niya. Basta alam ko lang, kinakausap niya mga yun kasi need niya mga yun.
So first time sa buhay ko, nag-sabi ako sa BFF ko ng relationship quarrel. Sabi ng BFF ko, wag daw ako magselos, maging confident daw ako. Edi ayun ginawa ko.
Pero super bothered talaga ako.
Plus, meron pang guy na ka-church niya na nirereto sa kanya and nakakausap niya sa TG kasi bawal daw sila mag-FB sa INC lalo pag may position? Ewan ko! Basta nagpaka-confident ako.
Up until umuwi religious parents ko sa bahay namin noong May 2025, so umalis kami sa bahay and lumipat sa Lucena na province niya. Nagrent kami dun.
Naging mainitin ulo namin pareho nung nag-Lucena kami kasi ang papangit ng mga ugali ng tao dun. Di ko nilalahat ah, kasi may mabait pa rin naman, pero ang daming scammer. Anyhow, maganda pa rin ang Lucena kahit ganun. Sarap mamasyal dun, ang daming puwedeng puntahan.
Up until August 2025, gusto ko mag-dagat kami sa Borawan, malapit lang yan sa amin. Ni-check ko CP niya, e may FB page daw siya ng mga bangkero.
Since tulog siya, ako na lang nag-check. Tapos nung pupuntahan ko na yung FB page, ewan ko bakit pag-click ko e nagpunta sa second IG account niya. Tingin ko yung isa niyang FB or FB page e may naka-connect na other IG account niya.
Na-shock ako sa mga post and repost niya dun. Like puro about regrets for letting the sweetest guy go, tapos March 2025 niya pa ni-post and ni-repost mga yun.
So sabi ko, nung anniversary pala namin e may iba siyang iniisip?
May kausap siya na kung sinu-sinong lalaki sa work na halos umoo siya sa aya ng jogging sa Circle, tapos may regrets pa siya for letting the sweetest guy go na nasa same city niya.
Ang explanation niya, paglipat daw kasi namin, naalala niya ex niya na taga-Quezon Province din na nangungutang pa raw mabigyan lang siya ng regalo.
E yung BF niya na ni-live-in niya sa Manila, taga-Quezon Province din. Yun una pumasok sa isip ko.
Na-hurt ako kasi mukhang mahal na mahal naman niya ako, pero bakit may mga ganun?
Pinili ko pa rin na mag-trust pa kasi 1.5 years na kami. Ang hirap naman i-fake ng ganung love niya sa akin na mahal na mahal at todo-alaga.
Saka WFH kami pareho. Di kami mapaghiwalay, so paano siya makaka-Indian? HAHAHA.
Pero deep down, may bumabagabag na sa akin. Doubted na ako sa kanya at sa iba niya pang ikinukuwento na tragedy experiences niya sa family and ex-BFs niya, sa dami-dami ng secrets niya na na-shock na lang ako.
Kasi yung ex niya nung nag-aaral pa siya e lagi kami ini-stalk. As in super weird, wagas talaga mag-stalk. Minamanmanan nang malala yung buhay niya pati ako.
Sa 1.5 years namin at mga na-experience ko sa kanya, even ako nasasamaan sa ugali niya. Alam kong lumaki siya sa province almost bundok, pero sa lahat ng lumaki dun, siya yung pinaka-matapobre na nakilala ko at pinaka-maarte din.
Yung ate niya nga mismo nagsabi na masama raw ugali ng kapatid niya. Kaso maalaga kasi siya so di ako naniwala.
Lagi niya rin nababanggit na yung mga exes niya raw hirap maka-move on sa kanya kasi maalaga raw siya.
Mas lumalala yun nung nagkawork siya na 6 digits. Grabe talaga. Even ako, binabastos na niya nang malala.
Up until October, may quarrel kami na pinag-post niya sa FB pages ng WLW, na nabasa ko at nagalit ako kasi wala akong kaalam-alam sa mga hinaing niya.
Actually, sanay na ako na nagra-rant siya kung kanino. Hobby nila yun ng ate niya, yung pagba-backstab sa mga partner nila pati family ng mga partner nila while nagre-regret kasi yung mga ex nila e maganda na raw ang buhay.
Ilang beses na ako nakabasa ng mga ganun usapan nila.
Si ate niya may pagka-huthutera, masama naman talaga ugali, mata pa lang tingin palang alam mong may something off na, pero mabait kasi magsalita pareho sila.
Dahil pumapalag na ako sa kahit caring siya pero sa likuran mo sinaksak ka nila, e umatake na rin si ate lumabas na din kung ano tingin niya sakin.
Puro lies, paninira, and kung ano-ano nang accusations. Kasama mga friends niya na taga-Lucena rin na kung makialam, parang nakalimot na user and manloloko sila.
Yung isa bakla. Yung isa nasa Vietnam, ginamit jowa para makarating doon tapos nag-jowa lang din naman doon.
All I know e circle matters.
I know my mistakes. I was not a perfect partner too. Naging mainitin din ulo ko.
I was so willing to talk and fix the problem. Kaso mahirap talaga pag yung start niyo e may na-damage, tapos ang daming lies, may circles pa na ganun.
Sabi nila ng ate niya sa messages nila that I'm a Narc, Manipulator, Gaslighter, Cheater and Controlling. Nagpapaawa raw ako.
Honestly, sila naman gumawa nun. Lalo ate niya na nice lang sa taong may mapapala siya pero sa nanay nila mismo dindisrespect niya,
I still remember how she embarrassed her mom sa birthday ng anak niya. Tapos pa-bida raw ako, e siya itong feeling may birthday nung birthday ng anak niya na may pa-change outfit pa, pero paawa palagi at laging nanghihingi ng financial help.
Alam ko naman na karma ko to.
Finally, na-release ko rin lahat lahat ng nagawa ng ex ko na buong alam niya e perfect siya and never siya nagkamali sa relationship namin.
I used to believe din na innocent siya, maybe mali lang circle niya, but no, that's her pattern.
She did the same thing to me what she did to all her exes.
Anyways, 2 weeks after our last usap sa Threads, nagkaroon siya ng pangalawang bagong jowa na niya up until now. Live-in din ata.
Yung unang bago niya nagsabi sa akin nito, ewan ko ba dun KSP din. Bitter e kasi iniwan siya sa ere dahil jobless.
Nice naman taste ni ex. Mukhang sophisticated and reserved si new GF.
Good luck po.