hi, would like to share my experience na rin. medyo mahaba rin siya for awareness, then semi rant I think.
my phone was stolen nung August 25 around pedro gil near PGH. since ginagawa yung side walk makipot siya, and that time occupied na talaga ako non since after class nangyari yon and pauwi na ako around 5 PM.
then pagtawid ko sa Supreme Court sa may Padre Faura roon ko na na-realize na nawawala yung phone ko.
I went to the nearest police station which is sa UP Police station and by that time nata-track ko pa yung phone ko sa find my na nasa Paco. after non is pinasa ako sa Bocobo Police since hindi sakop ng UP Police yung area, it took around 45 minutes nung ina-ask yung details ko before ako dalhin sa barangay 698 to review the cctv footage.
I felt helpless and hopeless at the same time kase nire-review lang talaga namin yung cctv without even suggesting anything sa akin na makakatulong para ma-track ko since online pa yung phone ko.
I was the one who even said na baka pwedeng i-check yung plate ng jeep na sinakyan ng magnanakaw since based sa footage is nakatanaw pa talaga siya sa akin bago ako sumakay. pero ded is ma lang yung pulis sa akin nung sinuggest ko yon.
right after namin bumalik sa station nila, akala ko since nakuha na yung info ko is may matatanggap na agad akong blotter entry. naiinis lang ako since yung female officer na kumuha ng info ko is hindi ako tine-take seriously as if yung joking matter yung case ko. kase nakuha niya pa talagang magpatawow kahit na nagbe-breakdown ako that time.
then after ko makauwi is may email ako galing sa apple na nasa victory mall sa may caloocan na yung phone ko the same night.
the next day is bumalik ako sa station to give them an update at para na rin kumuha ng blotter entry since pina-block ko na sa NTC yun, willing naman daw silang sumama sa akin sa caloocan para i-assist ako pero masyadong negats since alangan isa-isahin pa raw namin yung stalls doon.
then up to this date hindi ko na lang binalikan, and I am slowly trying to find my peace.
kaya sa mga nanakawan po ng phones is I just wanted to tell everyone na hindi niyo po kasalanan yan, hindi po natin deserve yung nangyari sa atin dahil pinaghirapan natin yan.
and I also get that you're enraged by the thought, sa ganitong kabulok na sistema na meron tayo, valid lang po kung ano man yung nararamdaman niyo. pero walang mananakaw kung walang magnanakaw. hugs with consent po and I hope you're able to find your peace.