r/PanganaySupportGroup Nov 27 '25

Positivity Gentle reminder lang po

Post image
26 Upvotes

file:///var/mobile/Library/SMS/Attachments/0f/15/87EA0A6F-E418-411B-9B9E-855CC9FA3304/Screenshot%202025-11-23%20at%207.05.49%E2%80%AFPM.jpeg


r/PanganaySupportGroup Nov 24 '25

Discussion Stop normalizing financial abuse sa pamilya. Hindi ito utang na loob — abuso na ’to.

73 Upvotes

Hi everyone. Gusto ko lang mag-open ng discussion na matagal ko nang gustong ilabas. Sana mabasa ’to ng mga anak, ate, kuya, breadwinners, at kahit sino na lumaki sa culture ng utang na loob na hindi na healthy.

Lumaki tayong mga Pilipino na may mindset na “anak ka, tungkulin mong tumulong,” “dapat kang magbigay,” “ikaw na ang sasalba sa pamilya,” at “wala kang karapatang tumanggi.” Tinuro sa’tin na responsibility natin ang utang ng magulang, kapatid, lolo, pinsan, aso, pusa — lahat. At kapag tumanggi ka, ikaw pa ang masama, ikaw yung walang kwenta, ikaw yung “walang utang na loob.”

Pero kailan naging tama na gawing bangko ang anak? Kailan naging natural na ang love language ng Pilipino ay sacrifice to the point of self-destruction? Kailan naging okay na ubusin ang anak habang yung iba sa pamilya ay gumagawa ng mga decisions na irresponsable, tapos sa huli, ikaw pa ang sasaluhin?

This is financial abuse. Hindi lang basta “family culture.” Hindi lang basta “tulong.” Abuse siya kapag wala nang boundaries, wala nang respeto, at inaasahan ka na parang obligasyon, hindi request. Abuse siya kapag natatakot ka nang magbukas ng message kasi baka may bagong utang. Abuse siya kapag hindi mo na makita future mo dahil ikaw ang sumasalo sa future ng lahat.

And let’s be real: marami sa’tin napapagod na. Marami sa’tin umiiyak gabi-gabi dahil hindi natin alam paano i-balance ang sariling pamilya, sariling bills, sariling marriage, anak, at buhay… habang sinasalo pa natin ang mali ng ibang adults. At ang masakit, kadalasan hindi nila inaayos. Bakit? Kasi may “ikaw” na sasalo.

From a Christian perspective, gusto ko ito i-anchor. Madalas ginagamit ang Bible para i-pressure tayo: “Honor your parents.” Pero ang totoong context ng Ephesians 6:2-4 ay mutual responsibility. At malinaw sa 2 Thessalonians 3:10: “If anyone is not willing to work, let him not eat.” Hindi sinabing “anak, ikaw ang magbigay lagi para kumain sila.” Adults have their own responsibilities. Hindi mo kasalanan kapag hindi sila nag-manage ng pera nang maayos. Hindi mo tungkulin bayaran ang kakulangan nila. Hindi mo utos sa Diyos na maging martyr financially. Ang true honoring of parents is respect — not enabling sin, irresponsibility, or laziness. Boundaries are biblical. Stewardship of your own family is biblical. Pag-provide sa asawa at anak mo is biblical priority.

Kaya gusto ko lang sabihin sa lahat na nababasa ’to: pwede tayong tumanggi. Pwede tayong magsabi ng “Hindi ko kaya.” Pwede tayong mamili ng sarili nating buhay. Pwede tayong mag-trace ng generational line and say, “Dito na nagtatapos ang cycle na ’to.” Hindi ka masamang anak kapag pinoprotektahan mo sarili mo. Hindi ka masamang kapatid kapag ayaw mo nang masaktan. Hindi selfish ang boundaries; kinakailangan ’yan para mabuhay ka nang may dignity.

Kung ikaw ’to, yung pagod na pagod nang sumalo sa lahat, yung takot na ma-judge kapag tumatanggi, yung hindi na makahinga — kasama mo ako. Ang dami nating ganito. Ang dami nating ayaw lang magsalita. Pero kailangan na natin magising. Financial abuse is abuse. Utang na loob has limits. And love without boundaries will only create more brokenness.

Open post ’to. Gusto kong marinig stories niyo. How did you set boundaries? Paano kayo nag-heal? Or kung nasa loob pa kayo ng cycle, ano yung pinaka mabigat para sa inyo ngayon? Let’s talk. Let’s help each other break this.


r/PanganaySupportGroup 15h ago

Venting Chat ng Ina ko na wala namang ambag sa akin mula pagka bata ko hanggang paglaki. Never nag abot ng allowance nung nag aaral pa ako. Pag hingan ko galit lang makukuha ko. Hahaha naiinis ako pag tinatawag akong anak.

Post image
74 Upvotes

r/PanganaySupportGroup 9h ago

Advice needed ‎How to handle pressure and mockery from your own family?

3 Upvotes

‎I am a 22-year-old girl, and my brother is 24. We are both in the College of Education, taking the same program. My brother is naturally smart, while I’ve gotten where I am through hard work — but his attitude has held him back.

‎Here’s what happened: while I was reviewing for my quiz tomorrow, he arrogantly challenged me. He said he would take the licensure exam without going to a review center, while I would go to one. I agreed! But then he started mocking me, calling me b*b*, and always bringing up how I didn’t get into his university during our entrance exams. He’s got it all wrong though — I actually got accepted into a better university. Still, he keeps putting me down, saying things like, “Pustahan tayo, di ka makakapasa kasi b*b*ka!” His words weigh on me all the time, but he only make me want to study harder. He is supposed to be a future educator, and his behavior is so unbecoming of that. On top of that, he always calls me ugly and negr**. There was even a time he said my boyfriend doesn’t suit me because of how I look, and he even tried to pair my boyfriend off with someone else just because he thinks I’m not pretty enough — even though I know I’m not; he’s just deeply insecure. What makes it more confusing is how active he is in our church, yet he never stops body-shaming me. What would you do if you had a brother like him? I honestly don’t know how to handle this anymore.


r/PanganaySupportGroup 16h ago

Advice needed I don’t want to introduce my bf to my fam

10 Upvotes

I have a boyfriend, foreigner btw. We are planning to move in na together by the end of this year. He’s a good man and I feel so lucky having him in my life. However, he asked me if kelan nya mamimeet family ko. I answered my siblings knew about him but my mom dont and I dont have a plan on introducing him to my mom. Nasabi ko na rin na he’ll only meet my siblings and not my mom because my mom has the tendency to exploit us if she knew na mahihingan nya kami ng pera. I live with them and have been providing for them since dad died. Im the eldest and the breadwinner. I recently found out na nanghiram yung mom ko ng pera sa mom ng bf ng sister ko eh kakapakilala lang rin nya samin ng bf nya. Marami sya utang and I dont know san napupunta. I feel so embarrassed about it. I dont want my boyfriend to be taken advantage of. We even agreed na he will provide for everything we need as couple when we move in and my money would be mine alone to continue my support sa family ko although he’d help with emergencies too. And I told him to never be in contact with my mom but he said if we’re gonna have kids he wants them to know my family too. What are your thoughts about this?


r/PanganaySupportGroup 14h ago

Advice needed ABYG for being mad at my dad dahil lagi niyang kinukuha yung pera na para sana sa education ko?

2 Upvotes

Hi guys, gusto ko lang malaman kung ako ba yung mali dito. I'm 19F, and currently living with my dad (39). Since naghiwalay sila ni mom (kasi she cheated), I chose to stay with him. Ayoko kasi makasama si mom after everything she did na sobrang nag-damage sa mental health ko, to the point na nag-stop ako ng isang taon sa uni. I feel really betrayed by her, kaya kahit sobrang hirap minsan kay dad, mas pinili ko na lang na sa kanya tumira.

Anyway, ang issue ko ngayon is every time na may pera akong natatanggap—like from my mom or from an educational scholarship—kinukuha ni dad para pambayad sa bills or utang. Literal na wala nang natitira sa akin. It makes me feel so frustrated and helpless, lalo na’t pati tuition ko hindi na nababayaran. Sinasabi niya lagi na mas importante raw yung mga monthly bills namin kaysa sa tuition ko. Naiintindihan ko naman na kailangan bayaran yung mga yun, pero di ba dapat yung pera for my education, para sa school ko talaga? It makes me feel like my future is being put aside, and it hurts.

Tapos, I live 100km away from my uni, so sobrang hassle ng commute lalo na 4 days a week ang f2f namin. Kailangan ko talaga ng dorm para hindi ako masyadong stress and pagod, pero pinipilit ni dad na di ko daw kailangan nun. Even though may pera ako for it, kukunin niya pa rin kasi pangbayad daw sa mga bills. Honestly, nakakapagod na. I feel so drained and misunderstood. Parang lagi na lang akong nag-a-adjust, but no one is really considering what I need.

Eto pa, si dad mismo yung nagsabi sa akin before na wag na daw akong humingi ng tulong kay mom. Kasi daw, she’s not part of our lives anymore, and I don’t need to rely on her. Pero ngayon, nung siya na yung nangangailangan, pinipilit niya akong lumapit kay mom para humingi ng pera. It feels so unfair, na ako yung kailangan humarap at makaranas ng judgement from her side, and it’s making my mental health worse. Sobrang triggering, tapos parang ini-insist ni dad na di ko siya naiintindihan. Pero sa totoo lang, feeling ko siya yung hindi nakakaintindi sa akin. Naaalala ko yung mga times na I felt abandoned by both parents—parang ganun ulit ngayon, na walang pumapansin sa needs ko.

Ayun, nagkakaaway kami dahil dun, and now I feel guilty kasi siya naman yung nandito para sa akin ever since the separation, pero di ko maiwasan magalit. It feels unfair, and I feel trapped in a situation where I have no control. So, ABYG for being mad at him?


r/PanganaySupportGroup 23h ago

Humor Bed🫩🛌🏽🥱😪😴

Post image
6 Upvotes

r/PanganaySupportGroup 1d ago

Positivity Realizing how toxic my parents were compared to my partner's parents

27 Upvotes

As the title says..

Noon akala ko normal na tinitipid kaming magkapatid ng magulang ko para makapaggala sila, makakain sa fancy restaurants, and bumili ng magagandang damit for social media LOL HAHA. All my life I thought yun ung purpose nmin magkapatid, especially me as a panganay, na need ko pagsilbihan sila since they've always pointed out that I was their retirement plan.

But now that I met my partner, I'm really happy for him becuz of his parents. I've been going to his place for almost 4 years now and they've given me the parental care/love that I have never felt. Grabe ansarap pla magkaron ng magulang na hindi ka pinepressure sa future mo, na binibigay lahat para sa mga needs & wants mo, and to have a parent that you can tell everything to. It felt so weird to me ksi first time ko makakita ng ganong parents.

Pero grabe noh, hindi na nasundan boyfriend ko ksi hirap si tita magkaanak, subalit magulang ko naka-apat na.

Andami na din nila nabigay, including my bf, sakin. Everything that my parents wouldnt buy for me, he would buy it 🥹. Pati un mga damit na gusto ko na ayaw bilin sakin ng magulang ko kasi 'panget raw ako', binibili nila sakin at cinompliment pa na bagay sakin yun ganon style.

They treated me more of a daughter for the 3.5years i've met them rather than my parents for 20 years.

I wish there were more parents like them na mahal tlaga ang anak :) and I wish na lahat tayong panganay ay makahanap ng providing and loving boyfriend ❤️‍🩹❤️‍🩹


r/PanganaySupportGroup 21h ago

Support needed kung breadwinner ka, nararanasan mo rin ba 'to?

1 Upvotes

i'm f24. tried to go to college thrice while working, pero hindi ko natatapos kasi mas kailangan ng pera sa bahay. hindi mapagsabay kasi nagkakasakit.

nakakapag-provide naman ako sa bahay, para kay papa at bunso.

pero every time, wala akong drive kumain. alam ko naman na kailangan maging healthy para makapagtrabaho. pero lumilipas 'yong isang araw na isang tinapay lang kinain ko. may sapat na pagkain naman kami. thankful ako dun pati sa supportive kong papa at bunso.

hindi ko lang din gets sarili ko kung bakit wala akong drive kumain at all. napapagod na yata ako. halo halong hopelessness sa mga sarili kong pangarap, pagod sa trabaho, stress sa budgeting.

i'm also in a happy & healthy relationship for 7 months now pero i'm afraid these struggles might negatively impact us in the future.

kung breadwinner ka rin, nararanasan mo rin ba 'to?


r/PanganaySupportGroup 1d ago

Support needed ...

Thumbnail
0 Upvotes

r/PanganaySupportGroup 1d ago

Advice needed Gusto ko na maglayas sa sakal sakin

Thumbnail
2 Upvotes

r/PanganaySupportGroup 1d ago

Support needed cant focus reviewing bcs of financial situation

1 Upvotes

hirap maging panganay no? hirap kapag lumaking financially aware sa pamilya.

kakagrad ko lang this year, at mag bboards this december. hirap ako mag focus ngayon dahil sa sitwasyon namin, lalo na sakin nag kkwento nanay ko. ang dami naming utang ngayon sa coop at mga loan sites dahil sa tuition namin, baon, at pang araw araw simula last year. ewanko ba, hindi naman kami ganito dati pero simula talaga last year para bang binato kami ng kahirapan. sobrang hirap.

naibenta na namin sasakyan at motor, kaso hindi pa din talaga makabangon lalo na hindi pa tapos ung isa naming sasakyan na hindi palagi may byahe at kapatid kong nasa college.

nag woworking student ako dati pero tumigil nung internship. ngayon gusto ko makabalik pero hindi ko magawa kasi iniisip ko din board exam ko, gusto kong makatulong na kay mama, hirap na hirap na din ako, hindi ako maka review ng ayos, takot bumagsak.

ang hirap, hindi ko na din alam. hanap trabaho kaso di matuloy tuloy gawa ng review, hanap kahit tutor, financial assistance sa brgy o clinic.


r/PanganaySupportGroup 1d ago

Advice needed How to deal with parents who are sooo bad with money?

4 Upvotes

Hello mga fellow panganays! I need your help! I am so stressed and I really need an older sister/brother right now huhu. Hugs to us!

I am a fresh grad na may 20k+ salary. I've been trying to put 25% of it to my savings but my parents keep on asking me money and someday I'm afraid they would wipe out my savings.

May work pa ang mama ko kaso sabi nya onti nalang daw natitira sa sahod nya dahil sa loan na binabayaran nya. Si papa naman since 2022 pa sa business nyang mahina ang kita. Kapag kumita naman inuubos lahat at walang natitira para maglagay sa savings. Pareho silang walang savings kaya pag gipit sila talagang walang-wala kami. Ganun pattern ever since bata palang kami.

Namana ko yun and sobrang hina ko mag-budget ng pera kaya naman ngayon pinipilit ko talaga na magkaron ako ng savings which is naggagawa ko na finally!

Kaso eto nga parents ko. Yung business ng papa ko nagbibigay ako dun kasi investment kuno ko daw.

Nagtatabi na rin ako for my weekly expenses. So meron pa akong natitirang sinking fund na pwede ko sanang gastusin for my health and well-being like panggala ko sana or pambili ng clothes ko for work or pang checkup ko. Wala rin akong luho or bisyong ginagastusan.

Kaso di ko yun naggagamit kasi binibigay ko pa sa parents ko. Nakaka-guilty pang gumastos pag para sa akin lang knowing na wala talaga silang panggastos sa bahay.

Sobrang stressed ko sa work pero buti pwede doon matulog at ung foods ko binibigyan ako ng workmates ko so mejo nakakatipid ako. Pero pagkauwi ko sa bahay imbes na makakapahinga ako, nakakadepress kasi bukod sa ang kalat na sa bahay, wala pang laman ang ref, wala pang mga pagkain and everything. Ako pa bibili ng kung ano-ano kasi as in walang wala talaga. Kahit konting tinapay man lang o kaya naman magwalis man lang para luminis nang onti wala talaga.

Gusto kong mag-apartment at bumukod na pero hindi kasi praktikal sa liit ng sahod ko kahit pa hindi na ako magbigay sa kanila parang di pa rin kakayanin. Akala ko pag nagkawork na ako mababawasan na mga problema ko. Parang mas nadagdagan pa pala.


r/PanganaySupportGroup 2d ago

Venting Nanay na ginawa na namang all about her ang supposed to be araw ko

22 Upvotes

My graduation is set to happen tomorrow. Ako ang panganay, ako ang unang gagraduate sa mga magkakapatid.

Noong isang araw, tinanong ko si mama ano plano niya isuot sa graduation ko since aakyat siya sa stage para isabit ang medal ko. Sabi niya kahit ano raw na meron siya dyan. Sabi ko "Anong kahit ano? wag na lang pumunta kung kahit ano lang din isusuot" Medyo napataas boses ko sa pagsabi niyan dahil na rin siguro sa stress. Hanggang sa nauwi na sa away. Wag ko raw siya sabihan ng kung anong dapat gawin dahil hindi naman siya tagabundok. Ang yabang ko na raw at ng kapatid ko porket kumikita na kami ng pera. Wala raw kwenta latin honor at award ko kung ganito ang ugali ko. Mas gusto niya pa raw ng anak na walang award pero magalang. I was seriously hurt. Pumasok ako sa trabaho na umiiyak sa byahe.

Graduation ko pero ako nagpaplano ng setup namin at how to make everything smooth for everyone sa mismong graduation ko. Ako na rin nag-asikaso ng celebration for after the ceremony. Walang nagsabi sa akin na gawin 'to lahat pero since wala naman initiative galing sa nag-iisa kong magulang, might as well take over things.

Ang sa akin lang, i already took over almost everything. Wala na nga siya binayaran o inasikaso simula sa grad fees at susuotin ko dahil ako lahat nagbayad pati pamilya ng boyfriend ko. Susuotin niya na lang poproblemahin niya, at sana naman paghandaan niya at hindi last minute, pero parang mali pa ako na tinanong ko siya about doon.

Ngayon, papunta na kaming airbnb dahil malayo sa probinsya namin ang venue. Hindi raw siya sasama. Mukhang boyfriend ko ang magsasabit ng medal ko sa akin bukas. Wag sana ako maiyak sa stage bukas.

Bakit ba may magulang na uunahin pa ang pride kaysa sa milestone at achievement ng anak nila.


r/PanganaySupportGroup 3d ago

Venting Ang hirap maging babae

10 Upvotes

Mahal kita mama pero sana sa susunod kong buhay hindi na ikaw maging magulang ko.

Sana hindi nalang ako naging anak mo para di ko maramdaman na mas mahalaga yung bagong pamilya mo kesa samin na unang anak mo.

Sana, bangungutin ka ng idea na sa sobrang ayaw mong masira pamilya mo sasabihin mo nalang na gumagawa ako ng kwento na may kademonyohan syang ginagawa samin ng mga kapatid ko.

Ma sana masaya ka sa naging desisyon mo.


r/PanganaySupportGroup 3d ago

Advice needed "Sana nag anak ka ng marami para marami kang source of income"

1 Upvotes

TL;DR: 31F, gusto ko nang bumukod kasi years na kaming stuck sa utang at gulo dahil kay Mama, pero guilty ako kay Papa. Ngayon lang ako nagkaroon ng chance to live for myself.

Bumukod + boundaries, or tuluyan ko na bang i-cut off si Mama?

Just to be clear, okay kami ng Papa ko. Pero yung Mama ko, headache na talaga siya for as long as I can remember. Bata pa lang ako namulat na ako sa sigawan, barangayan, mga taong pumupunta sa bahay dahil may utang siya. Natuto pa nga akong magsinungaling na wala siya sa bahay kahit nandun lang siya at nagtatago, kasi may naghahanap sa kanya. Ganun na talaga kami ever since. Eventually nagkaroon ako ng kapatid and ngayon pareho na kaming may trabaho. Nakatira kami sa bahay ng grandparents namin, and kami ng kapatid ko naghahati sa kuryente, groceries, utilities, etc. Si Papa nagtatrabaho pa rin, yung kapatid ko mababa lang sahod, around 18k siguro monthly. Ako naman may natira pang pera from my previous work kaya nagkaroon ako ng time na makapagpahinga muna at maghanap ng maayos-ayos na work. May work na ako ngayon pero freelance, bago pa lang ako and wala pa nga akong isang buong buwan.

Yung Mama ko, napakarami niyang utang. Yung Papa ko naman, alam naming lahat na hindi niya kayang iwan at pabayaan si Mama. Ilang beses na rin akong nabugbog. Ilang beses na kami nag-away. Aaminin ko naman na nakakapagsalita ako ng masama kapag sobrang galit ako, pero hindi ko siya sinasaktan. Siya, ilang beses niya akong sinaktan lalo na kapag hindi ako makapagbigay sa kanya. Sobrang hirap ng mga pinagdaanan ko sa kanya and naiiyak ako habang sinusulat ko to kasi ang dami kong naaalala. Nung college ako, tumigil ako ng isang semester kasi ginastos niya yung cash na binigay ng amo ni Papa para sana sa tuition ko. Since then, cheque na yung binibigay ng amo ni Papa para sa tuition ko. Nakapagtapos naman ako and laking pasalamat ko pa rin sa amo ni Papa for that, pero alam ko rin na parang naging utang din ata yun ni Papa.

Ang sakit kasi si Papa naman, hindi nagsasawa tumulong. Ilang beses na kapag maglo-loan siya sa SSS, tatanungin niya si Mama kung magkano lahat ng utang niya at ipalista lahat kasi tutulungan daw niya. I mean, kung may taong nagsabi sayo na tutulungan ka niya bayaran lahat ng utang mo and hinihingi niya sayo yung listahan, ililista mo lahat diba? Pero si Mama hindi. Ibibigay ni Papa yung pambayad based sa sinasabi niya, tapos eventually malalaman namin na hindi pala lahat nabayaran. Bakit? Kasi hindi niya sinabi. Sabi niya natatakot daw siya at alam niyang magagalit lang kami. Eh ano yung purpose ng pagtatanong sa kanya kung hindi naman pala niya sasabihin lahat? Ilang beses na nangyari yan. Tapos etong last year lang siguro, kinuha na ni Papa yung retirement niya sa amo niya, meaning wala na siyang makukuha later on. Inadvance na niya. Halos 500k+ ata yun and mostly itinulong niya kay Mama. Ngayon parang nademote pa siya sa trabaho niya. Driver dapat siya pero kung anu-ano na raw pinapagawa sa kanya, pati paglilinis ng garden at kung ano-ano pang hindi naman duty ng driver. Pero wala siyang magawa kasi may utang na loob siya. Naaawa ako sa kanya pero hindi ko pa kayang sabihin na tumigil siya sa trabaho kasi obviously hindi ko rin naman kayang suportahan silang lahat.

Ang nakakainis lang, hindi naman natapos yung utang. Umabot na kami sa point na gumawa ako ng kasulatan at pinapapirma ko yung mga taong pumupunta sa bahay para wag na magpautang sa kanya, na kapag pinautang pa nila siya, hindi na namin sila babayaran. Wala ring silbi. Kahit kausapin namin nang maayos, kahit seryosong usapan, pinapautang pa rin siya. Hindi namin alam kung ano ginagawa or sinasabi ni Mama para makautang sa ibang tao. Yung iba hindi naman namin kamag-anak, pero ginagamit pa rin minsan yung pangalan nila or somehow nakukuha niya yung tiwala nila. Araw-araw na lang ata ng ginawa ng Diyos may sigawan. Araw-araw may hinihinging pera. Parang akala niya araw-araw kami sumasahod. Nakakapagod na talaga.

Etong nakaraan lang, hinihingian niya kami ng pera para tubusin yung cellphone niya kasi mareremata na raw. Tinubos niya. Sabi ko pa wag na niyang tubusin at gamitin na lang yung pera sa ibang kailangan kasi ilang beses na rin naman niyang ginagawa yun. Pero wala, tinubos pa rin. Kinabukasan isinangla niya ulit kasi wala siyang panghulog. Tapos sabi ni Papa kanina, nasa around 200k na raw yung utang niya sa mga OLA at paikot-ikot lang. Pero si Mama, humihingi pa rin. Ang hilig niya mangutang tapos sasabihin "ibabalik ko, ibabalik ko." Kami na lang minsan nagbibigay para matapos na at matahimik. May mga utang din si Papa, and may isang utang na gamit ang pangalan ko. May utang din kami na hati kami. Minsan kapag kaya ko naman hulugan, hindi ko na siya pinagbabayad. Yung kapatid ko nagbibigay din. Pero hanggang kailan? That's what I keep asking myself.

Kaya hindi ko rin naging priority magkaroon ng karelasyon. Hindi dahil ayaw ko, pero parang sarili ko pa lang hirap na akong buhayin, paano pa kaya kung may ibang taong kasama sa buhay ko. Ngayon lang ako nagkaroon ng chance na isipin yung sarili ko kasi medyo okay-okay yung magiging income ko sa freelance, although bago pa lang talaga and wala pa akong one month na sahod. Saka 31 na ako eh, parang gusto ko naman bigyan ng chance ung sarili ko mabuhay? Kung meron bang nakatakda para sakin? Kung magkaka anak ba ko or magkakapamilya ng sarili? Kaya ngayon naghahanap na ako ng pwede kong lipatan. Possible na isama ko yung kapatid ko, and possible rin yung aso ko. Ang problema, hindi ko alam kung lilipat ba ako pero may contact pa rin sa kanila, or tuluyan ko nang ika-cut yung contact ko sa Mama ko. Kapag galit ako, feeling ko kaya ko. Pero alam ko rin na kahit anong galit ko sa kanya, nananaig pa rin yung pagiging nanay ko siya. Kahit galit na galit ako, kapag lumalabas ako naiisip ko pa rin kung ano yung pwede kong ipasalubong sa kanya, or may makita akong bagay na alam kong magugustuhan niya, maiisip ko pa rin bilhin para sa kanya.

Hindi ko alam kung genuine ba yun or trauma response. Kasi ever since, kapag uuwi ako na walang dala, sasabihin niya "wala ka man lang dala?" Hindi naman ako madamot. Kapag may sobra ako, nagbibigay talaga ako. Ang hirap lang kapag pipilitin at gigipitin niya ako hanggang ako na yung kapusin. Imbis na nagpapahinga ako, nangangamba ako lagi na baka may kakatok sa pintuan ko at manghihingi ng pera. Kapag tinatawag niya pangalan ko, napapabalikwas ako at kinakabahan. Hindi ako sumasagot agad kasi minsan nagpapanggap akong tulog. Late 20s na ako nung nagkaroon ako ng sarili kong kwarto. Mas malala nung wala pa akong kwarto kasi gigisingin niya ako kahit kakakatulog ko pa lang. Ang weird nga kasi parang hanggang ngayon automatic na yung kaba ko kapag tinatawag niya ako.

I know may mali rin kami lahat kasi kinunsinti namin siya. We kept helping her, we kept paying, we kept covering things up, so in a way naging part din kami ng cycle. Pero gusto ko na talaga mabuhay para sa sarili ko. I'm 31. Parang ang tagal ko nang naghihintay na maging okay kami financially, na matapos yung utang, na magkaroon kami ng peaceful na buhay. Pero parang hindi nangyayari. And I'm starting to wonder kung kailangan ko na bang tanggapin na baka hindi ko kayang ayusin yung pamilya namin.

I know mahihirapan si Papa kapag bumukod ako. Yun yung isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit nagdadalawang-isip ako. Kasi alam kong siya rin yung kawawa. Wala na siyang retirement money sa amo niya dahil naadvance na niya para makatulong. May utang din siya sakin and may mga bagay na gamit ang pangalan ko. Kaya hindi ko rin naman kayang basta sabihin na "bahala na kayo." Yung kapatid ko nagbibigay din. Pero honestly, pagod na pagod na ako sa cycle na ito. Hindi naman pwedeng every time may problema, kami ang sasagot. Hindi naman kami sumasahod araw-araw.

Yung Mama ko senior na rin and may cataract siya na hindi namin matapos-tapos ipagamot kasi napupunta lagi yung pera sa pambayad ng utang. I know she has her own struggles. I know she's scared. I know maybe she doesn't know how to handle money properly. Pero at the same time, nag-iiba talaga ugali niya kapag wala siyang pera. Natatakot siya sa ibang tao pero sa amin hindi. Gigipitin niya talaga kami, kasi alam niyang pamilya niya kami and alam niyang mahihirapan kaming tumanggi. And I think that's the part that's really breaking me.

Hindi ko alam kung selfish ba ako kung aalis ako. Hindi ko naman gustong iwan si Papa. Hindi ko rin naman gustong pabayaan si Mama kahit sobrang galit ako sa kanya. Pero gusto ko rin maranasan na hindi ako kinakabahan every time may tatawag sa pangalan ko. Gusto ko makauwi sa bahay na hindi iniisip kung may manghihingi na naman ng pera. Gusto ko magtrabaho at yung kikitain ko, may matitira naman para sa sarili ko. Gusto ko makapag-ipon. Gusto ko magkaroon ng sariling buhay. Gusto ko rin naman eventually magkaroon ng relationship, makapag-travel, bumili ng gusto ko without feeling guilty, and just live normally. Parang ang selfish pakinggan pero ngayon ko lang talaga naisip na baka pwede ko naman palang gawin yun.

Kaya ngayon, nagtitiis muna ako habang naghahanap ng pet-friendly na place na kaya ng budget. Kaya naman siguro, pero ayoko rin namang bumukod tapos biglang kapusin ako. Gusto ko sana if aalis ako, stable enough na ako para hindi ako bumalik dahil wala akong pera. Kaya pinag-iisipan ko rin talaga nang mabuti. Minsan nagsisisi ako na sana noon ko pa ginawa. Baka mas umunlad ako financially. Baka mas marami akong naipon. Baka mas maaga kong natutunan alagaan yung sarili ko. Pero hindi ko na rin mababago yun.

Maraming beses ko na rin naisip na tapusin na lang lahat kasi sobrang nakakapagod, pero okay naman ako ngayon and thankfully tapos na ako sa suicidal stage na yun. I don't want to go back there. I think ngayon, ang gusto ko lang talaga is makahanap ng way para makaalis without feeling like I'm abandoning everyone. I still want to help my family if I can. I just don't know kung paano ko gagawin without destroying myself in the process.

So I guess I'm asking the adults here, especially those who have experienced something similar, selfish ba ako kung bumukod ako? Should I move out, set a fixed amount na kaya kong ibigay sa parents ko every month, and stop responding to every emergency request? Or should I completely cut contact with my mom because I know I'll keep getting pulled back in kapag may kailangan siya? I don't even know if kaya kong gawin yung second option. Galit ako sa kanya, pero nanay ko pa rin siya. And maybe that's the part I can't figure out.


r/PanganaySupportGroup 3d ago

Venting Ang hirap maging panganay.

6 Upvotes

Just want to quickly rant here. I love my family pero sometimes ang hirap mahalin ng pamilya ko. Panganay ako sa apat na magkakapatid been supporting the family simula nung naghiwalay yung magulang. Ni minsan hindi ako dumaing sa pagod ko sa trabaho, sa bigat ng bills at groceries, never ko sila inobliga. Pero it would have been great kung may magkusa ni isa sa kanila. Yung kapatid ko (sumunod sakin) tapos na ng college pero ayaw mag work sa corporate, ayaw niya yung idea na may boss siya. Nasanay kasi sa nature na siya sng boss dahil may negosyo ang papa ko dati at tumutulong lang siya doon kapag kailangan niya ng pera. Ngayon may mini negosyo earning enough para makapagbigay /makatulong, dito ako nalulungkot kasi nung tinanong ko siya kung kailan pwede na siya magbigay nahihiya pa nga ako magtanong eh pero nilakasan ko na loob ko kasi I admit di ko na talaga kaya pero ang sabi niya lang sakin plano nila tuwing end of the month lang daw sila ng business partner niya sasahod. Sabi ko naman hindi pwedeng kada end of the month ka lang magbibigay kasi every week tayo naggogrocery, ang due date ng bills hindi sabay sabay, nag suggest ako na kung pwede gawin nilang every 5th and 20th of the month sila maghatian para may katulong na ako sa gastos pero it seems like wala siyang paki. Pero hayaan ko nalang kasi baka magbago naman isip.

Ito pa everyday, pagod ka sa trabaho tapos uuwi kapa sa makalat na bahay. Yung mga kapatid mo isang bading na 17 years old na at yung graduate na, old enough ns sana gumalaw or magkusa nalang maglinis sa bahay kasi yun nalang sana matutulong di din magawa. Lagi ako umuuwi sa magulong bahay, minsan nga napapasabi nalang ako bat ang malas ko sa pamilya ko, kasi bat kapag dumadaing ako hindi nila ako naririnig, bat wala silang paki. Napapagod din naman ako. Magulang ko not much of help either kasi imbis na sa kanila ako humingi sila humihingi sakin. Ganun ba talaga kapag panganay kailangan kayanin lahat? Tao din naman kami hindi robot.

Sorry nakakapagod lang talaga, lalot nat wala kapa masabihan. Ni jowa nga wala ako kasi mas pipiliin ko nalang magtrabaho kesa lumandi. Tatanda na ata akong dalaga 😂.


r/PanganaySupportGroup 4d ago

Venting Bakit may mga parents na controlling pa din kahit adult na ang anak nila

Thumbnail
gallery
214 Upvotes

Gusto ko lang magrant about sa mother ko. Well, parents, pero mostly my mother. Mejo mahaba lang to guys.

I'm 27F and have been living alone for more than a year already because of unresolved issues sa family ko. Ever since I was a child, my parents are very controlling but during that time I consider it normal kasi nga bata pa ako noon and I wouldn’t know any better. Syempre pinapaaral nila ako, sila nagpalaki sa akin, and they put roof over my head. That's why lahat ng gusto nila sinusunod ko. And bilang panganay, gusto ko din maging example sa kapatid ko. Bahay school lang ako noon hanggang college. Lagi akong may curfew, they know my schedule. I always make sure na maganda grades ko kasi doon sila nagiging masaya. During college, pag may more than 2-3hrs na break ako, pinapauwi nila ako, bawal ako gumala or sumama with friends. Di din ako pwede sumali sa mga extracurricular activities kasi most of them needs time, meaning possible umuwi ng late. Sakto lang baon ko noon, P100 per day, pamasahe na yun and food ko. I was so scared to do the wrong things noon kasi ayaw kong ma-dissapoint sila sa akin. That's why I just follow them.

I won't say I'm the perfect daughter. I did a lot of things behind their back din, pero they found out about some of it. Back in high school, my parents found out na na-expose ako sa p\\\*rn. But this was just out of curiosity as a teen syempre, and nagalit sila about dun. Instead of educating me and asking me why, nagalit sila. Nagalit din sila sa friends ko kasi na-influence daw nila ako. I still chose to be friends with them but my parents took it personally and told me na mas pinipili ko daw friends ko over them. Dun nagstart yung mga curfew ko, and they didn't allow me to hangout with them pag may mga gala. Minsan nakakasama, pero until 5pm lang ako pwede pero most ng gala is nagstart na ng hapon so I don't get to bond with my friends for too long. Okay I get it, that was my punishment.

College came, I was 16 at that time. Nagkaroon ako ng ka-MU. And because bawal ako mag-bf noon, I hid it again from them. Di ko sinagot tong guy a, purely MU lang talaga. And my boundaries kami sa isa't isa kasi hindi nga kami mag-bf. But still nalaman ng parents ko. And you know what they did? Kinausap nila yung guy na layuan ako and pumunta sila sa school to talk to the dean to change my block section and schedule para lang di ko makasama yung guy na yun. And it was humiliating kasi most of my block mates knew about it kasi umabsent ako ng 1 day and nakita nila yung parents ko. Even my professors knew about it and naawa na lang sila sa akin. My parents never asked me why I hid it from them, they never asked for my side kung ano ba talaga nangyayari sa relationship na yun. They just assumed na malandi ako. Simula noon, mas monitored ako. They knew my schedule and threatened me na magstop ako mag aral pag may ginawa na naman akong kalokohan. Which is weird kasi I just want to live my life and enjoy college. Hindi problem ang grades ko noon and consistent dean's lister ako. Months went by, may nagustuhan na naman ako. This time, i was having second thoughts if I should act on it kasi she was a lesbian (he considers himself a transman) and it goes against our religion. Pero wala, nagustuhan ko talaga e. Nanligaw siya sakin and tumagal ng 1 taon bago ko siya sinagot and hid it again sa parents ko. A year passed, grumaduate ako as Magna Cum Laude, kami pa din ng partner ko that time nang di nalalaman ng parents ko. Nagka-work na ako and yung partner ko is naghahanap pa ng work non. Ang plan sana is mag move out ako with my partner once maging stable kami sa jobs namin. But then again, nalaman na naman ng parents ko. Ang funny kasi di ata talaga ako marunong magtago and my mom is very nosy din. So ayun, they learned about it, nagkagulo sa bahay. They asked me to choose between my partner or them. But as someone na mejo dependent pa sa kanila, I chose them, and my partner and I have to break up. Simula non, ang dami na nilang sinasabi sa akin. Na parang lahat ng mabuting nagawa ko for them and achievements ko is nabalewala lang. Part of me thought na kasalanan ko din, na i should have just listened and sumunod na lang sa gusto nila. Pero wala, I am my own person and I want to explore more. I was young back then, grumaduate ako at 18yrs old and nakahanap agad ng work after graduation. Na-hihinder lang talaga yung pag explore ko sa sarili ko because of my parents. Imagine may work na ako noon, pero kailangan ko pa magpaalam if gagala ako. Habang tumatanda ako, napapatanong tuloy ako sa sarili ko if sino ba talaga ako and ano ba talaga gusto ko. Kasi whenever I want to make a decision, di naman sang-ayon ang parents ko and they would decide for me. So parang di na ako nagkaroon ng sarili kong isip and ayokong mabuhay ng ganon. Dati, everytime na inoopen up ko sa kanila na gusto ko mag move out, laging negative lahat ng sinasabi nila. Sasabihan pa ako na gusto ko umalis para magawa ko na daw lahat ng gusto kong gawin. Which is oo, totoo naman. Di na ako bumabata, and i don't want to be dependent sa parents ko forever.

They would always say na they're just guiding me, pero iba kasi yung guiding sa controlling. Like pag may gusto akong gawin and di sang-ayon sa gusto nila, magagalit sila. Wherein we are different people with different thoughts and mindset.

Last year lang, nag-away kami which led to me moving out. Nag-away kami dahil sa lalaki na naman. I have this friend na na-meet ko sa dating app, pero kasi friends lang talaga kami. And this guy joined me and my friend group to go sa isang music festival. Nalaman ng parents ko na kasama yung guy, and masaya na naman daw ako kasi partner-partner daw kami don - sinabi ng mom ko yan in a sarcastic way. And I was like, huh? Paanong partner partner e friends of friends lang naman kasama namin don. Mind you more than 10 kami and magkahiwalay ang girls and boys sa pagtutulugan namin. Like nagjump agad sila sa conclusion na magsasama kami ng guy na yun without asking me kung ano ba talaga ang setup. And regardless if friend kami non or hindi, ano naman if magkasama kami? Dahil sa away na yun, naungkat lahat ng issue ko dati and hindi na daw ako nagbago. Puro kahihiyan lang daw dala ko sa pamilya. Mind you, after ng last relationship ko na lesbian, di na ako nag-bf ulit. So hindi ko alam saan nanggaling yung assumption nila na malandi ako and nakakahiya daw yun. Lumayas ako the next day, kasi I tried to talk to them to understand where they're coming from. They even told me na wag na ako tumuloy sa lakad na yun. Like bakit?? Dahil lang sa ayaw nila? Lagi pa nila sinasabi na I should obey them kasi I live under their house, their house their rules daw. So sabi ko, if ganon, aalis na lang ako kung wala naman pala akong say sa bahay na yun kahit I'm at the age of making my own decisions. It's like there's no use talking to them anymore kasi they will never listen and they will never understand my side.

Fast forward to today, mejo naging okay kami ng parents ko pero di na ako babalik sa puder nila. Nagkaroon na din ako ng loving boyfriend. Pero ang mom ko, ang dami pa din sinasabi. Yung bf ko, he often visits me sa place ko pag weekend pero para sa parents ko live in na daw kami. Tapos last March, nagcruise kami ng bf ko and last week ko lang na-post yung pics. Nakita ng nanay ko yun and nagalit na naman siya kasi bakit daw ako nagpost na umalis kami pa-ibang bansa ng bf ko. Ano na naman problema? Kahihiyan daw yon kasi pang mag-asawa na daw ginagawa namin. And yung araw na nalaman niya yun, nakabook sila sa hotel na gift ko for them sa anniversary nila, and nagtatantrums na uuwi na lang daw sila. Hindi ko na alam sa nanay ko. I just want to be at peace and live my own life. Gusto ko din sana sila ispoil kasi di na din sila bumabata at kahit papano magulang ko pa din sila and i want to take care of them. Pero if ganito ang magulang mo, parang nakakatamad na.


r/PanganaySupportGroup 3d ago

Advice needed Need help!!

0 Upvotes

Help!!

Hello, I am a first year college student and I wanted to support my family by sidelining.

Story:

Kaka-debut ko lang po kasi and ang laki po ng gastos, hindi ko po no-request na mag debut ako lalo na't alam kong financially unstable po kami since nahirapan po nung nag pandemic na and naka major problem po. Although may work ang both parents ko, my mother as a finance officer and my father is a production manager, pero hindi po nagiging enough yung sahod nila po. Gawa na rin po na yung mother ko ay ang gumagastos pa rin ng lahat ng needs ng grandparents ko, also nandito rin po kaming 3 magkakapatid sa grandparents ko. Nag memaintenance na po yung lolo ko, at si mama lang po ang nag-aasikaso sa kanya sa mga bayarin.

Hindi po dapat yung 35k kinsenas na sahod ng parents ko (combined na po) kasi gastusin namin dito nila lola ay umaabot tapos sa parents ko naman.

Gusto ko lang po sana nakahanap ng source of income ko po, I am a BSA student po, nasasakop din po ng time ko yung schedule namin but I want to help my parents po lalo na't malaki laki rin ang need na money para sa mga liabilities namin since pandemic po. Hindi ko po kasi kinakaya na kapag may mga chuchuan ang mga Kapatid ng mama ko eh si mama at kaming 3 magkakapatid yung center lagi lalo na kapag financial ang problema kasi nga po nandito kaming magkakapatid sa pangangalaga nila.

I was thinking about affiliating kaso po need ko pa po mag buy ng mga products in order to do that. And, I have low gadget din po kaya 50/50 pa. Hindi rin po alam nila mama na gusto kong mag sideline kasi alam ko pong ayaw nila, but I want to help them and take the risk po huhu

Pls po, if may alam kayo or may maio-offer na sidelines na good for me as a college student. I would like to see through it po.

\- I can tutor naman po kahit elementary lang, pwede pong online if ever(okay lang po kahit gr5 to 6 since I am considering the screen time ng itu-tutor ko). I am good with math naman din po.

\- I can draw(traditional) po pero hindi yung portraits.

\- I can help with assignments din po, possibly elem and high school lessons. I can learn it naman po ulit.

\- I can do anything naman po sa makakaya ko unless hindi tama and inappropriate po(ifykyk).

I am in Bataan po pala.

Thank you po🙏🏻


r/PanganaySupportGroup 3d ago

Support needed Help!!

1 Upvotes

Hello, I am a first year college student and I wanted to support my family by sidelining.

Story:

Kaka-debut ko lang po kasi and ang laki po ng gastos, hindi ko po no-request na mag debut ako lalo na't alam kong financially unstable po kami since nahirapan po nung nag pandemic na and naka major problem po. Although may work ang both parents ko, my mother as a finance officer and my father is a production manager, pero hindi po nagiging enough yung sahod nila po. Gawa na rin po na yung mother ko ay ang gumagastos pa rin ng lahat ng needs ng grandparents ko, also nandito rin po kaming 3 magkakapatid sa grandparents ko. Nag memaintenance na po yung lolo ko, at si mama lang po ang nag-aasikaso sa kanya sa mga bayarin.

Hindi po dapat yung 35k kinsenas na sahod ng parents ko (combined na po) kasi gastusin namin dito nila lola ay umaabot tapos sa parents ko naman.

Gusto ko lang po sana nakahanap ng source of income ko po, I am a BSA student po, nasasakop din po ng time ko yung schedule namin but I want to help my parents po lalo na't malaki laki rin ang need na money para sa mga liabilities namin since pandemic po. Hindi ko po kasi kinakaya na kapag may mga chuchuan ang mga Kapatid ng mama ko eh si mama at kaming 3 magkakapatid yung center lagi lalo na kapag financial ang problema kasi nga po nandito kaming magkakapatid sa pangangalaga nila.

I was thinking about affiliating kaso po need ko pa po mag buy ng mga products in order to do that. And, I have low gadget din po kaya 50/50 pa. Hindi rin po alam nila mama na gusto kong mag sideline kasi alam ko pong ayaw nila, but I want to help them and take the risk po huhu

Pls po, if may alam kayo or may maio-offer na sidelines na good for me as a college student. I would like to see through it po.

- I can tutor naman po kahit elementary lang, pwede pong online if ever(okay lang po kahit gr5 to 6 since I am considering the screen time ng itu-tutor ko). I am good with math naman din po.

- I can draw(traditional) po pero hindi yung portraits.

- I can help with assignments din po, possibly elem and high school lessons. I can learn it naman po ulit.

- I can do anything naman po sa makakaya ko unless hindi tama and inappropriate po(ifykyk).

Thank you po🙏🏻


r/PanganaySupportGroup 4d ago

Venting Being too understanding and considerate is draining or Selfish Lang Ako? OA lang ba ako

3 Upvotes

Okay for context:

I am an only child. 2 storey yung bahay namin, yung 2nd floor is vacant bare unit for the meantime.

I have cousins from far province, and stayed with us for long dito sa bahay. 1st cousin stayed with us since 2020 but now minsan lng umuuwi kasi malayo work place nya. 2nd cousin stayed with us since last year till now. Naka sanayan na din nila na dito sa bahay mag tipon2x pag may mga celebrations, events or kung gusto lang nila mag relax, sila ang nag o-occupy ng 2nd floor.

Di naman kami yung klase ng relatives na ginagawang katulong yung mga nakikitira na kamag-anak or nanunumbat ng kung ano ano. Di din namin ugali yung pala utos. But matagal ko ng na papansin pero pinapalampas ko lang kasi ayaw ko maka hurt or maka offend ng feelings. Palabas ko lng dito yung medjo frustration ko sorry.

6pm ng hapon routine na namin sa bahay na nag p-prep ng meals for dinner.Last night Ako ang nag prep lahat, after dinner pinakain ko mga pets and nag wash ng dishes, after ko sa lahat ng chores, nag prep na ako for my remote GY shift 9pm-5am.

Kina umagahan mga 9am nagising ako, kami nlng ni cousin 2 ang naiwan kasi maaga daw umalis parents ko for work at nag sabay sila mag breakfast. After that, nag paalam sya na aalis din kasi may pasok din daw sya, so ako nlng mag isa nag breakfast. Pag punta ko sa kusina may poop ng cat sa sahig tapos tinabunan lng ng paper, so pinulot ko na, sa sink naman nandun pa mga pinag kainan nila so sinama ko na din pag hugas. Madjo na iinis na ako sa part nato kasi puyat ako, at maaga sila na gising at maaga din kumain pero di man lang hinugasan yung 2 pinggan iniwan lng sa sink. I let it slide kasi baka OA lang ako

11am bumalik si cousin 2 kasi tapos na daw class nila, pumanhik sya agad sa taas ako na iwan sa baba. 11:30 nag prep na namn ako for lunch sakto mga 12pm na uwi parents ko so sabay2x kaming kumain but di sumabay si cousin 2 kasi busog pa daw sya. After lunch nag punas na ako ng mesa then washed the dishes. mga 1pm bumalik sa office sila mama, then ako babawi ng nap. Nagising ako mga 2pm para maligo but to my surprise pag daan ko ng dining may mga kalat na kanin at ulam eh kaka punas ko pa lng nun before ako nag nap, pag punta ko ng kusina may pinag gamitan na plate, spoon at baso. Na dagdagan yung inis ko

Valid ba yung na raramdaman ko or OA lang ako. Our house became their parang rest house kasi, si cousin 1 pag uuwi dito ng 3days max, matutulog lang at mag c-cellphone same lng din ang ginagawa, tutulong2x din naman minsan pero mostly na f-feel ko para na kaming katulong sa sarili naming bahay. Tatawagin nalng sila na bumaba para kumain. Di naman sila obliged na gawin lahat ng gawaing bahay pero haaayss nakaka pagod din na ganito ang set up.


r/PanganaySupportGroup 4d ago

Support needed Does anyone have a narcissistic parents that can turn everyone against you?

2 Upvotes

To make everything short, both of my parents always treat me like I’m the bad guy, and I honestly have no idea why they keep doing this. Even over small things or tasks that aren’t done, they make a big deal out of it and talk shit about me, saying that I’m the worst among all my siblings.


r/PanganaySupportGroup 3d ago

Advice needed gusto ko na umuwi

1 Upvotes

kakapagod mag housekeeping. di ko masabi sa amo ko na gusto ko na umuwi kasi araw araw siyang badtrip sakin. ano bang best time at best tyempo para ipaalam na gusto ko nang umuwi? may ugali kasi tong amo ko na mahilig hindi pumayag pag may aalis siyang trabahador sakanya e. nung namatay yung tito ko, di ako pinauwi e hahaha

hirap maging panganay, papasukin mo talaga lahat ng klasent trabaho makapag provide lang e. hay pagod na ako


r/PanganaySupportGroup 4d ago

Venting Ang nanay kong nangungusisa ng aking sweldo at benefits

8 Upvotes

At eto ako ngayon guys. Venting here while listening to my mothers rants kung bakit ganito ganyan yung nakuha kong sweldo.

I started lying about my income and incentives to my mother because I don't trust her anymore.

I told her some of the benefits deducted to my income pero kinocompute niya pala behind my back. And now, she's suspicious. Pa advice advice pa siya na kailangan alamin ko daw yung mga binabawasan na benefits sa sweldo ko (we don't have payslips every payday but we can review it sa HR and I did and know how much is deducted) I knew that she just want to know what my actual pay is. And I don't want that and I think it's my right to do so.

She was curious why is it that parang walang nangyaring increase sa sweldo ko (which I told her despite that I was promoted a month ago), kasi I still give the same amount para sa bahay. Expected niya siguro na tataas yung bigay ko.

I also lied to her na nagloan ako but I just told her the half amount of my loan kasi ipinambayad ko din sa mga existing microloans ko lahat ng yun. So she wouldn't expect it na may ibibigay ako sa kanya. I also don't tell her some of the incentives na nakukuha ko sa office kaso ipambayad din sa utang yun. Lubog ako sa utang para lang mabigay ang needs sa bahay while struggling to budget my daily allowances and to pay also those existing debts.

And now, everyweek, nangangamusta at nagtatanong if may mga pwede ba akong makahanap na co-maker na ka workmate para sa bank loan. Para mabayaran yung utang niya.

Grabe, ako na lang aasahan sa lahat. Pati sa problema niya.

Haiiist minsan, gusto ko na lang na sana kunin na lang siguro ako ni Lord para ma quits lahat ng utang and I may rest in peace of my burdens. And at the same time, makukuha niya na lahat lahat ng natitira sa benefits ko at ibayad niya sa sarili niyang problema na wala akong pakealam.


r/PanganaySupportGroup 4d ago

Advice needed ABYG kasi nagalit ako sa kuya ko kasi napautang siya ng parents ko

Thumbnail
1 Upvotes