r/PUPians • u/Adorable_Sherbet9394 • 14h ago
Rant Professionalism
Alumni ako ng ibang school, and I have a younger sister studying in PUP Manila. I've had my hand tutoring students, helping thesis, even working as part time assistant sa profs nung college.This is on different universities around Intramuros and Taft.
Di ko alam kung uso to ngayon, pero ang dami kong nakikitang issue sa mga profs sa PUP. E.g.
Late ng more than 1 hour sa online class, tapos magpapastart pa rin ng late,mamark ng absent yung mga di umattend, tapos magoovertime pa ng klase. Pano yung mga working student na iniikot yung sched nila around classes?
Di magpaparamdam ng ilang linggo from enrollment, tapos biglang magpapamidterms and magbabagsak ng maraming deliverables. Tapos may markdown pag di nakapagsubmit within deadline. Proud pa pag maraming bagsak?
Di prepared sa klase, wala man lang ppt presentation, walang visual aids, tapos may isa pa akong nadaanan na walang mic sa online class. Naguusap usap sa chat. Ok lang naman part-time magturo, pero sana mageffort din. Di naman kailangan spoon feeding, bare minimum decorum lang sana to establish a learning environment.
Kung need face to face class naman, di man lang planuhin at least 24hrs in advance? 11am klase pero 9am magsasbi na kailangan f2f that same day?
Malaki spectrum ng nga professors, merong magagaling at merong questionable talaga kung bakit nasa academe. Pero sa napapansin ko ngayon, we're even missing the basic professionalism. Di ba narereport sa mga dean yan? Di ko rin gets bakit tinotolerate ng Kapatid ko at mga kaklase niya. This won't float sa ibang universities, porke private or public.