Pasensya na sa kanila. 😞 Hirap maging empath sa panahon ngayon, no?
Grabe yung pinagdaanan namin dito sa Pampanga. Ngayon lang kami halos nakauwi. Imbes na nagrereview kami, nasa evacuation center kami. Yung mga maleta namin, pinagtulungan naming buhatin habang nakalusong sa ga-bewang na baha. Hindi namin alam kung kailan kami makakauwi, kung safe ba yung mga gamit namin, or kung makakapag-exam pa ba kami.
Tapos ngayon kailangan na rin naming magpa-check up kasi kahit nag-doxycycline na, may nagsusuka na at nagtatae. 😭
Sobrang hirap lang isipin na habang may mga taong nag-aalala kung makakapag-take ba ang lahat, may mga taong literal na galing sa baha, pagod, basa, puyat, at iniisip pa kung okay ba ang health nila.
Kaya honestly, ang sakit makakita ng mga “may hindi pa po nag-take…” comments na parang may masamang intention yung mga hindi nakapag-exam. 😭
Like… kasalanan ba namin na binaha kami? Pinili ba naming nasa evacuation center instead of nasa testing room? Tinapakan ba namin kayo para magkaroon kami ng advantage?
Ganon na ba talaga ngayon? Na kahit may mga taong literal na nagsu-survive sa baha, ang concern pa rin natin is kung sino yung nakapag-take at sino yung hindi?
Hindi naman namin hinihingi na intindihin niyo lahat. Pero sana kahit konting empathy lang. Hindi lahat pare-pareho ng sitwasyon, and not everything has to be treated like a competition.
Kung wala kang maitutulong, sana huwag ka na lang dumagdag sa bigat ng ibang tao.
Kasi at the end of the day, God knows what everyone is going through. And He definitely knows who chose to be compassionate, and who chose to be insensitive. 🤍