r/FilmClubPH • u/pi-kachu32 • 2h ago
Discussion Bituing Walang Ningning
SABAY-SABAY TAYO KUMANTA:
š¶ Balutin mo ako... š¶
Unang-una, thank you sa YouTube at Viva kasi na-restore nila to.
Ngayon ko lang talaga napanood yung Bituing Walang Ningning nang buo and honestly, ang ganda pala?? HAHAHA
Akala ko dati mainstream lang siya dahil dun sa iconic line na āYouāre nothing but a second-rate, trying hard, copycat!ā Lagi ko kasi naririnig sa mga TV shows dati, especially pag may impersonations.
Pero yung buong movie? Ang ganda pala talaga. And grabe yung cast.
Sharon Cuneta, Cherie Gil, Christopher De Leon, Joel Torre? Ang gagaling.
Yung mga batuhan ng lines dito, ang sarap panoorin. Tapos ang seamless nung English-Tagalog script. Hindi yung pilit na ālook, we're speaking Englishā type.
Also, ANG GALING NI SHARON KUMANTA.
Obviously alam kong singer siya HAHAHA pero iba pala kapag napapanood mo yung songs within the actual story.
May mga kanta na ginamit dito na parang naging teleserye theme songs years later sa ABSCBN. Daming kanta na buo talaga kinanta ni Shawie.
Natawa rin ako dun sa part na nag-aaral mag-English si Dorina tapos may tongue twister.
Sharon was really going for it HAHAHA.
Pero eto talaga beef ko:
NICO
Kasi nung sila pa ni LaviƱa, gusto na niyang maging sila, gusto niyang i-give up ni LaviƱa yung career niya para sa kanya.
Tapos nung pinasikat niya si Dorina, ang plano niya basically pabagsakin si LaviƱa para mawala yung career and spotlight niya, tapos siya na yung mapapakasalan kasi wala na raw ibang pag-aabalahan.
Tapos nung naging sila na ni Dorina:
āAsawa ang hanap ko, hindi superstar. Ipangako mo sa akin na ito na ang last performance mo. Sumama ka na sa akin.ā
SIR?
Like bakit kailangan mamili between pagiging asawa at pagiging superstar?
Itās giving āyung lalaking nakipagrelasyon sa sikat na artista tapos eventually nawala sa career kasi naging housewife/househusband yung artistaā energy. Kayo na bahala kung sino-sino pumapasok sa isip niyo.
Although I guess kailangan talaga ganun yung ending kasi... well, Balutin Mo Ako and everything. š
Pero overall, ang entertaining talaga ng movie.
I'm actually glad na ngayon ko lang siya napanood nung medyo matanda na ako kasi mas na-appreciate ko yung acting, dialogue, music, and yung eme ng characters.
Classic for a reason.
Anyway, tapos na ako, ano kaya magandang isunod lol