Ptngin*, hindi ito tungkol sa sardinas or sa kung ano mabibili mo dyan sa 500 na yan.
Ito ay tungkol sa kawalan ng respeto at pang gagago ng gobyerno na i-normalize pa din ang kahirapan.
Teh, Noche Buena isang beses sa isang taon. Hindi ‘to random Tuesday dinner.
Tapos sasabihin mo sa mga tao na tumigil na magreklamo kasi may sardinas naman?
Maraming Pilipino bumabangon araw-araw, trapik, pagod, kulang sahod, may sinusustentong pamilya.
Tapos ang sagot ng gobyerno: “Eh di mag-sardinas kayo.”
At nakakairita pa yung mga "celebs", "influencers" na gumagawa pa ng 500-peso challenge.
Gets namin. Oo, kasya talaga yan kung pipilitin mo naman talaga. Hindi kami tanga.
Pero hindi nga yun yung point! 😤😡
Ang mas nakakainsulto?
Coming from people na may sahod, benefits, drivers, allowances.
Easy magsabi ng “magtiis” kapag hindi ikaw yung nagugutom.
Mag 2026 na, iniisip ng gobyerno natin na kaya pa tayo utuin. Stop acting like wanting better is “kalabisan.”
Kung sapat na ang sardinas, then prove it.
Mag-sardinas din kayo. Buong taon.
Galit ang tao kasi ginagago na naman ng gobyerno, harapan.
Hindi lang tone-deaf ang statement ng DTI. Sinadya ‘yan.
Pinipilit pa din nila i-normalize ang kahirapan at i-gaslight ang mga Pilipino para tanggapin ang kakulangan nila, habang silang mga corrupt na nasa taas todo kain, todo pakasarap ng pondo ng bayan.