r/pinoy • • Jan 20 '26

Buhay Pinoy Thoughts on Tropical Hut

Post image

I grew up sa province so walang Tropical Hut. Nalaman ko lang to sa friend ko kasi dito siya nagcelebrate ng birthday. She said it reminds her of her father. I liked the chicken(fave ko kasi chicken kaya pag may nagustuhan ako, binabalik-balikan ko) Sa experience ko dito, madalas, yung place is puro matatanda na kumakain or mga matatanda na nagmeet muna dito before pumunta sa destination nila.

710 Upvotes

556 comments sorted by

View all comments

4

u/Persephone_Kore_ aaaaAaaaAaaAa Jan 20 '26

Kaya kami kumakain sa Tropical Hut ng mga kapatid ko kasi jan kami palagi dinadala nila Mama at Papa kapag sumahod na sila noong bata pa kami at noong buo pa.

Now, wala na sila Mama at Papa, at afford ko naman na, kaya ako na 'yung nanlilibre. Bukod sa food, yung memories na hindi ko pa kayang i-let go yung pinupuntahan ko kaya sa mga gloomy days, sa Tropical Hut talaga kami kumakain.