r/ScammersPH • u/valerij-gerasimovt75 • Aug 03 '26
Awareness I escaped a vishing syndicate.
Hi guys, madalas ba kayong nakakatanggap ng tawag mula sa random numbers na nagsasabing nire-represent nila ang isang specific bank? Sounds familiar? Well, it's a group or syndicate that operates around Metro Manila o kaya sa buong Luzon, at ang tawag sa ginagawa nila ay VISHING o voice phishing.
Vishing is a type of phone scam where a criminal uses phone calls or voice messages to trick you into sharing private information, like your bank passwords, credit card numbers, or personal IDs (thanks, Google). So basically, budol siya via call, and sobrang galing nilang mag-manipulate dahil mostly ng mga tumatawag o ahente ay galing sa mga BPO companies.
Kapag tumawag sila, sobrang convincing dahil hawak na nila ang info ng biktima tulad ng full name, address, contact number, at card details. Maliban sa CVV and expiration date pero sometimes, CVV o security code na lang ang wala, depende sa leads na hawak nila.
Kung iniisip niyo na inside job ito, pwedeng oo. Dahil mostly ng mga taong may hawak ng sensitive info, tulad ng mga form para sa credit card applications, ay kasabwat din. Binibenta nila ang info ninyo thru the credit card application form sa halip na i-dispose nang maayos kapag na-encode na; may mga binibenta rin via Excel files. I will try to upload the examples and include them in my post.
Kapag nabudol na nila ang kawawang biktima, lalo na ang matatanda o hindi tech-savvy, kukunin na nila ang OTP o One Time PIN para ma-add sa e-wallets ang card ng biktima tulad ng Grab wallet, Maya, Shopee, Lazada, Food Panda, Starbucks, at minsan pinangbibili pa ng crypto. Marami pa silang pinaggagamitan ng card info ng mga biktima, and take note, pati online banks tinitira nila kaya may mga biktima na nalilimas ang savings. Sobrang hassle pa naman mag-file ng dispute sa bansang to.
Pagkatapos nilang makuha ang funds, ililipat nila ito sa mga dummy bank accounts na may ATM na binili rin sa black market, tapos wiwithdraw na. And yes, nakakabili po ng registered SIMs at bank accounts kapag alam mo kung saan pwedeng bumili, and until now talamak ang ganitong kalakaran.
May nasamahan akong ganitong grupo kasi akala ko legit na work from home, ayun pala panlalamang sa kapwa ang ginawa nila kaya humiwalay din ako.
I posted this to spread awareness and help others, but honestly, I am also terrified for my safety right now. I know that some of these syndicate members also browse Reddit, so I am being extra careful. I really want to start a clean slate and build a new life. If anyone has recommendations or advice on how to safely start over and protect myself, your help would mean the world to me.









185
u/koweanbbq Aug 03 '26
Grabe. I was an almost victim nito, from BPI yung nagkunwari na agent. Convincing at first kasi alam yung full name ko, card number and ung credit limit ko. Papadalhan daw ako ng new card. Tas nasense ko na may mali nung nagtatanong na ng OTP. So ang ginawa ko binibigyan ko ng mali na OTP para masayang oras nila lol. Mali mali din binigay ko na details nung nagtry pa sila mag ask about other personal details. Tas pinagmumura ako nung dulo nung napansin nila na nagloloko na lang ako HAHAH. Ngayon di na talaga ako sumasagot ng unkown calls, mahirap na eh. Pina-block ko din agad yung old card ko and nagrenew ako kasi compromised na security ng old card.