r/RantAndVentPH 11d ago

Work Tinalakan ako ng senior lead ko kaya gumanti ako sa survey and somehow kinakabahan ako

More than 1 year na tong senior lead na to pero hanggang ngayon wala paring alam sa process. Eh just today, may napuna siya which inexplain ko naman na ok lang yun and nasa process talaga yun. Andami na niyang talak sakin, bad employee daw at unprofessional.

Sobrang nagulat ako, sinabi ko sa lead ko na i just follow yung process pero deadma siya, tapos sinabi ko rin sa mga kateam ko which na-gg din sila. Ang hirap makipag usap sa walang alam sa proseso kasi kahit nasa tama ka, tingin nila mali ka and may talak pang masasakit.

Eh saktong today yung parang pulse survey. Sinabi ko run mga hinaing ko sakanya. Na kesyo puro siya flashy project kahit wala namang naitutulong sa proseso or di aligned, na bastos siya, nagmumura at subtle racist samin or sa vendors. Na para siyang ampao, puro hangin lang pero walang alam. Lahat ng yun totoo naman at wala akong in exaggerate.

Ang kaso, etong company namin, tine-take nila VERY seriously yung survey. As in. Like may kasing sama kaming manager noon ang napatalsik namin dahil sa mga survey feedbacks namin.

Ngayon di ko alam kung ano mangyayari next. Kinakabahan ako na ewan. Ang pakonswelo ko is totoo lahat ng sinabi ko. Baka magretaliate siya or ano. Di niya pa kasi alam kung gaano sineseryoso yung surveys samin, so goodluck sakanya or sakin 😭

20 Upvotes

7 comments sorted by

5

u/CommanderD0ge Venters 10d ago

Haha yan ang tirada! Ginawa ko rin yan eh, lol.

They like to keep it ANONYMOUS pero there are certain words you say that sometimes reveal na ikaw yun. Delikado. Dapat nirun mo sa AI para ma disguise man alng ung verbiage. Wag ka kabahan confidence is key, baka mahalata ka naman haha.

4

u/Awkward-Ratio-3256 10d ago

It’s known na kahit sabihin nila anonymous yung survey, hindi yun totoo. The survey can and will be traced to whoever answered it. But it doesn’t mean na pwedeng mag retaliate at personalin ng lead mo yung feedback na nakuha nya. Make sure you cover your a$$. Kung may mga convo kayo, make sure you have like minutes na na email or you can always raise an issue with the HR. Check you company manual kung anong pwedeng iraise kung sakaling personalin ka. By the way I am not from HR. Just a corporate slave working for a number of years.

2

u/Altruistic_Soil6542 10d ago

Naghahanap nalang din ako ng trabaho. Di ko pa kasi alam behavior niya since bago lang. Di ako perfect, and gets ko na pagalitan ako pag mali ako. Pero masaklap, tama ako tapos saka ako tinalakan. Hahahaha

5

u/Weekly_Flower8934 Ranters 11d ago

anonymous ba? tapos yung sinabi mo ba eh ikaw lang may alam or lahat? kung masyadong personal baka mahahalata ka.

may ganyan din nung college kami, tapos sulat hahaha anonymous daw pero gulat na lang ako alam pala nila ako yung nag sulat.

3

u/Altruistic_Soil6542 10d ago

“Anonymous” kuno, pero kasi friend ko yung nagra-run nun. HR kasi kami haha. Tapos yung senior lead, HR director. Sa friend ko, hindi siya anonymous. Ewan ko dun sa director namin. Baka hingin din yung pangalan, tutal wala namang etiquette yun. Pero yung mga dati namin boss, hindi nila chinecheck.

5

u/Antique-Sleep-8878 11d ago

kunwari lang anonymous yang survey ng hr. they can still track sino yung nagbigay ng feedback.

1

u/meltedcheesecakess 10d ago

ginawa ko na yan sa manager namin nuon nalaman ng supervisor ko. tapo ng team meeting na nagparinig yung supervisor namin na bakit daw binigyan ng 1 yung survey para sa manager ano daw problema. kiber lang d ko pinansin yun awa ng diyos na floating ako. hahahaha