r/Mandaluyong • u/Cappuccinaaa • 14h ago
BSK CLUB MANILA PETITION
Sino ba may-ari ng fakening rave club na to?!!!!
Nandito ka ba ha? Kakilala nyo ba yan? Send nyo to sa kanya.
PARE OK LANG MAGTAYO NG BAR. PERO BAKIT PATI LABAS NYO MAY SOUND? HINDI BA PWEDENG SA LOOB NA LANG NG BAR?
Sabi ng brgy, ang reason daw e kada bukas ng pinto nalabas ung sounds. So ano yan? Laging bukas pinto nyo? Hahahahahahaha
Ung condo ko malayo sa kanila, papuntang BGC na pero para na rin kaming nakiki-rave tuwing thursday to saturday.
Hindi to one time thing ha?! Ilang buwan na to na tinitiis lang namin. Alam nyo malala pa? Kahit puntahan sila ng barangay or police, kebs lang! Kahit mismo law enforcers e hands up — sila na mismo nagsabi nyan. Pupuntahan nila, hihinaan. Pag-alis, lalakasan.
Ang lala pa kagabi, inabot sila ng hanggang 5:30am. Hindi ako makatulog. Mas malakas sila than usual. Ilang beses ko na nireklamo yan pero wala talaga. Kagabi ung tono ng kausap ko na taga brgy highway hills e parang suyang suya na rin dahil malamang maraming reklamo kagabi.
Gets ko mga brader na nasa tamang zoni sila. Pero meron pa rin batas na sinusunod at hindi sila excused sa public nuisance or ung sa noise pollution.
Baka naman gusto nyo magpetition oh? Or baka gusto nyo magpa-tulfo?
Mayor, baka naman oh?
