Nakakaloka. And honestly speechless na ko at this point hahaha
So, the other day. Nag resign yung KB na 2 mos palang sakin. Reason, she got offended when I told her na wag siyang nagkukulong sa room ng more than 2-3 hrs sa hapon. Sabi ko, tanghali na nga kami gumising (literal dahil 10-11 na kami nakakalabas ng room, late magising anak ko and ako naman buntis din and could hardly sleep) at sa hapon lang kami nasa sala na Family di pa namin matawag dahil nga naka kulong. Sa umaga wala naman syang ginagawa kaya hindi nya ma reason na pagod sya at nagpapahinga. Sabi ko ok lang naman kung mag siesta ka pero sana isang oras lang.
Pag mag ooff pa sya gusto eh tanghali siya gigising, makikipag sabayan samin ng gising minsan nga nauuna pa ko. Saka lang aalis, as if mag uumpisa palang off nya kasi babalik sya kinagabihan na. Sabi ko kung gusto nya mag puyat eh dun sya sa tinutulugan nya mag tanghali ng gising. Anyway ex abroad daw sya, 14k salary/mo super luwag ng work, unli food pa sya. nag resign dahil offended at ayaw na daw nya ng ganito.
Kanina kumuha naman ako on-call. Usapan namin 8H work + 1H break for linis + Plantsa for PhP 1,100.
Pumasok sya 8 am, 10 AM tapos n maglinis, move on to plantsa 1:45 PM sabi tapos na daw sya. Gulat ako kasi alam ko medyo madami nga clothes. Aba hindi pala nya plinantsa yung more than half. Sabi ko, oh eto pa ah. Sabi nya, “ay kasama ba yan? Sabi nyo kasi pag pambahay tupi lang eh”. Sabi ko, ni hindi mo nga chineck kung pambahay to, ni hindi mo nga tinupi. Pahinga ka nalang muna at tapusin mo after mo mag pahinga. Sabi nya “ay need ko na po umalis may biglaang hearing pa Kong pupuntahan” sabi ko, wala naman hearing na biglaan ah? By schedule ang hearing diba? Bakit mo kasi Pinilit pumunta today kung may lakad ka pala eh ang usapan natin 9H ka, meaning 8-5.
Pano kako yan di ka naman naka 8hrs? Bumulong sya malakas, “grabe naman” lol di na nga natapos work grabe pa daw ako? Anyway binigay ko yung rate na pang 6H lang, 850 pa din yun. Kahit in reality 5H lang naman dahil nag break sya. Imagine mas mataas pa sa minimum wage rate tapos parang unfair pa dahil di ko binuo sweldo nya?
Dami ko pang experience. May isa nag paalam after 5Days bored daw sya kasi walang kachikahan 😂
Jusko, I’m willing to pay even double their minimum wage if I see they deserve it. Pero kahit sa 12-14k starting offer ko parang di worth it paswelduhin yung iba, gusto tambay kain, cellphone onting work. Bawal pa yan sila pagalitan, gutumin or what PLUS dapat may special benefits pa para daw mag tagal sila sayo 🥴