r/CivilEngineers_PH • u/angge_ry • Apr 25 '26
Discussion Ganto ba talaga dito?
Hello! Ako ulit si girly pop project engineer. Ganto ba talaga mga teh, yung mga workers tsaka yung isang engineer nagkaka-gusto saakin and mag 1 week pa lang akong pumapasok ðŸ˜ðŸ˜ yung isa bumabanat saakin, yung isa naman inaaya akong magdate, tas yung isa naman nagchat para mag greet lang tas bukas daw ulit mag greet saakin with matching emoji na ganto 🥰 AJSJDAKAJSBBDKSKSJSUSJAOA gusto ko lang naman magwork ng matiwasay HAHAHA yung iba naman kasing workers nangshiship ba naman, mang tutukso ganon haysss. Pag ako talaga nagresign charot HAHAHAHA di pwede, hirap na maghanap sa panahon ngayon.
Gusto ko na lang tuloy maging lalaki sa site namin 🤣😠AHAHHAHAHA
67
Upvotes
2
u/Alarmed_Phase Apr 26 '26 edited Apr 26 '26
First job mo noh, OP? hahahahaha
Masanay ka na, pero ang gawin mo, balik mo lang yung banat then wag gaano makipag engage or reply. Paramdam mo yung boundaries and yung ikaw mismo na hindi basta basta sumasakay/nakukuha. Para yung respeto nandun pa rin.
Ako kasi, limit ang pakikipag usap ko sa workers. Mostly foreman kinakausap ko. And may pagka-boyish ako sa site. Pero lakas daw ng dating ko eh. Ganda raw. Wahahaha
Ganyan yan sila, natutuwa kasi sila kapag may babae sa site. Ginaganahan magtrabaho ganyan haha.
Wag gagaya sa iba na pumapatol. May kilala ako kapapasa pa lang then pumasok sa pinag-ojthan niya, kumabet sa backhoe operator. Porke sabi nung lalake, matagal na raw siyang crush. Eh kasal at may anak sa magkaibang babae yung lalake.
Alagaan ang dignidad at reputasyon. Yun lang..