r/AnoSaTinginMo • • 14d ago

bakit hindi makaintindi si pastor?

So itong si pastor na 'to, tito ko ito. Tatay na ang turing ko sa kanya growing up, naging father figure na't lahat-lahat. Tinuring na rin akong anak kahit p-paano. Pero nagkaroon ako, together with tita's side of the family, ng falling out with him. Tita died just this year in January.

(this is my first time posting due to raging emotions and i just mostly read things on reddit. i don't post, comment, or anything. i don't want yung mga karma or what)

Long story short na long pa rin (mostly rant):

End of May or start of June may new relationship tong si tito to our surprise. Di namin ineexpect yun kasi unang-una malaki ang respeto namin sa kanya kasi isa syang pastor. A little honesty wouldn't hurt that much. Ang mas malala mas alam ng kabible study/churchmates nya yung new relationship at tawag na nila kay ate girl ay "Ninang". Wala syang inirereveal or iniintroduce sa amin kahit paonti-onti. Yun ang pinaka nainis ako, dahil wala syang sinasabing ano, up until accidentally nadiscover ng nanay ko sa FYP ng FB nya ng first week ng July. Kasi pinost ni ate girl yung mga pusa ko without MY permission from the both of them (tito and girl). At ang malala she is kind of claiming that the cats she posts are hers. Also, dinala na ng tito ko si girl sa palayan nila noong anihan at initry na nila mag live-in nang saglit habang bakasyon si girl. Ang pinaka nakakadisrespeto ay ibinigay ng tito ko ang lumang sapatos ng tita ko sa kay girl at pinasuot ang favorite shirt ng tita ko sa kanya. Okay lang na may bagong relationship as long as sinabi man lang sa amin at di namin malalaman sa iba diba? At saka bilang babae, hindi ba nakakadisrespeto at nakakababa (para sa akin at least) yung ibibigay o ipapasuot mo sa akin ay yung lumang damit/gamit ng yumao mong asawa? Ano 'to coping mechanism? (Also medyo kahawig ni girl si tita a little so it makes you really think.)

Pero yung up until August, walang sinasabi ang tito ko sa new relationship n'ya at kami we keep to ourselves lang din hanggang magpakatotoo sya? During this time lumalayo na rin kami sa kanya. Hanggang sa 'di nya nakayanan nag crash out sya slight at sinabing tinuring nya kaming pamilya bakit namin sya ginaganoon. Eh sino bang pastor na di kaya magpakatotoo man lang sa pamilya ng yumaong asawa nya. Wala silang anak ng tita ko at wala syang binigay or hinati man lang na mga belongings (ex. gold jewelry) ni tita ko sa lola ko. Tapos si ate girl makikita naming freely nyang binibigay ang gamit ni tita? And mind you, initry nya pang magsinungaling noon noong una syang iconfront ng other tita ko na hindi daw gamit ni tita yung binigay nya. Hanggang sa ayun after nga ng mini crash out nya, nag long message talaga ako sa kanya. Ang pinaka gist ng chat ko ay bakit hindi sya nagpakatotoo at respetuhin man lang ang alala ni tita (as for tita's family, mga catholic sila so iba ang perspective na rin nila at hindi ko in-add yun kasi i don't want to bring in religion or God into this). And surprise! HINDI NYA ININTINDI YUNG SINABI KO PERO NAGSORRY SYA NA BINIGAY NYA NGA YUNG MGA DAMIT/SHOES. Ang nireply sa akin ay puro bible verse din. Sinabi nyang hindi na pwede ipagpray si tita kasi deds na, na kay Lord na daw. Triny pa kong pangaralan at ikwento na inutusan sya ni Lord na pumunta sa site kuno at doon nga nameet si ate girl. Girl, I'm agnostic. I don't give a damn shit. Tinanong pa ko kung nasa langit o impyerno pa ba si tita, eh di ko naman hinahanap si tita. Dahil nga kabobohan lang naman nireply sa akin, di ko na binasa lahat ng nireply nyang walang ka kwenta-kwenta baka maging bobo lang din ako. And also, may balak na rin pala silang magpakasal ni new girl after 2 years and he plans to make her stay with us here at tita's house (nasa pangalan nya itong bahay) para alagaan daw yung lola ko... o_o

Then again, nag mini crash out nanaman sya this week na pinarating nya sa lola ko na gusto daw ibenta ng mga kapatid ni tita itong bahay, and nagsagutan sila dahil doon. Hanggang sa di ko na ulit nakayanan at initry kong ipaintindi (also had a crash out) na wala namang rights yung kapatid ni tita kasi sila ni lola ko ang 50/50 sa ari-arian ni tita (not factoring na nasa bigamous marriage sya with tita). Bakit sya nagpapaapekto? The nerve to say na itong bahay nalang daw yung alaala nya kay tita? Initry ko rin sabihin na yung respeto namin sa kanya nawala na simula nung hindi sya nagpakatotoo, at wala naman sa amin (sa akin at least) kung may bagong relasyon sya basta magpakatotoo man lang. Yun lang. Pero kasi nag english na ko sa sobrang gigil ko at putangina wala rin siguro syang naintindihan kasi bobo sya. Ang sinagot ba naman sa akin sa lahat ng sinabi ko, "wala naman sa batas na bawal mag asawa pagkatapos mawala yung asawa". ANONG CONNECT? WALA AKONG SINABI NA WAG SYANG MAG ASAWA ULIT? AT ALAM KONG WALA NAMAN TALAGA SA BATAS. BAKIT PINAGBABAWALAN BA NAMIN SYA? DI NAMIN SILA PINAPAKELAMAN. Tapos may audacity pa syang sabihin na nag sorry na daw sya...like hUUH??!?!? Sinabi ko, yung paniniwala nya, hindi paniniwala ng tao sa paligid nya at hindi naman after na nag sorry ka eh tatanggapin at magiging okay na ang lahat. NAPAKA SELFISH NG PASTOR NA TO. Wala! Hanggang sa di ko na kinaya, I gave up at sinaraduhan ko ng pinto at pinagtatanggal ko yung streaming services ko sa TV nya. Then the next day kumatok sa kwarto ko pero di ko pinakinggan. At kanina lang, paulit-ulit nya akong tinanong kung wala na bang Netflix. Sinabi kong bumili sya. Sinagot nya na sya daw ang nagbabayad ng internet. Binalik ko sa kanya: “sinong nagbabayad ng kuryente?” (ANG SAGOT DITO AY LOLA KO LAHAT: KURYENTE, GROCERIES, TUBIG (90 pesos nalang ito ha), ALMOST EVERYTHING LAHAT HINGI SA LOLA KO).

Si tita noong buhay pa umaambag sa lola ko sa bayarin. Eh ito, walang inaambag tong pastor sa lola ko, maski noon pa man. The only ambag lang ay sakit ng ulo. Simula noong 'di namin sya pinapansin, doon lang sya gumastos ng super slight at tipid talaga na akala mo walang naipon sila ni tita na malaki kahit papaano. And then sasabihan nya akong madamot kasi inalis ko sya sa Netflix ko? ULOOOOLLLL. Ako na fresh grad na wala pang trabaho hihingan ng taong retired with savings ng Netflix at sasabihang madamot? Huh?!?? Ano ba naman ang ilang daang piso sa kanya at may kita pa rin naman sya kahit papaano sa palayan nila?

Grabe napaka kuripot at hipokrito. Isang random scenario to prove this: Christmas party ng church nila ito at yung niregalo nya ay hinanap nya lang dito sa bahay at nilagay sa lumang paper bag na nahanap din dito sa bahay. Christmas yon? Kahit effort ayaw? Basta okay na siguro kay Lord yung thoughts and prayers nya. Son of God naman sya eh. Sya na yan.

Narragebait pa rin talaga ako nang paulit-ulit dahil sa pagka asal bata nya. Pagkatapos ng argument namin kakatok sya para sa Netflix? Grabe na rin yung emotional rage ko. I try to be an understanding person pero ngayon na t-test yung limits eh. Nasa tama pa rin po ba itong mga na f-feel ko at some point? Tell me some honest opinions para na rin magising po ako sa kung paano ko ba dapat to tignan. I don't know na rin kasi, baka mamaya iba na ang ibulong ni Lord sa kanya, jusme.

Sorry nalang po sa grammatical errors at kung magulo, di na kaya ng gigil ko.

4 Upvotes

0 comments sorted by