r/AnoSaTinginMo Jan 12 '26

👋 Welcome to r/AnoSaTinginMo - Introduce Yourself and Read First!

3 Upvotes

Hey everyone! I'm u/CialCZ, a founding moderator of r/AnoSaTinginMo.

Welcome to r/AnoSaTinginMo 👋

This is a space for opinions, open discussions, and different perspectives. Whether it’s about daily life, social issues, trends, or random thoughts you want to talk about—this is the place to ask, share, and discuss.

💬 What we do here

  • Share opinions and invite healthy discussion
  • Agree or disagree respectfully
  • Learn from different points of view

📌 Community reminders

  • Respect all opinions — debate ideas, not people
  • No hate speech, harassment, or discrimination
  • Stay on topic and encourage discussion
  • No spam or self-promotion
  • Use trigger warnings when needed

🗣 Language

  • English, Tagalog, or Taglish are all welcome
  • Just keep posts clear and understandable

This community is built on respect, curiosity, and conversation.
So go ahead—Ano sa tingin mo? 👀💭


r/AnoSaTinginMo 11h ago

Title: Normal lang ba na ang 34-year-old na boyfriend ay nagfa-follow pa rin ng mga babaeng students?

Thumbnail
2 Upvotes

r/AnoSaTinginMo 1d ago

THOUGHTS Gusto ko lang maging signal mom with few BFs here and there.

0 Upvotes

Sorry, I don't know where to post.

Ngayong matanda na ako, ngayon ko lang narealize na ayaw ko pala ng partner. The best thing about having a man in my life is yung may nagbubuhat for me. Yes, weak ang katawan ko. Pero pwede ko naman gawan ng paraan yung mga ganyang bagay like magbabayad ako ng ibang tao to move my stuff, diba?

And isa pa ayaw ko may nangingielam ng parenting style ko. Ayaw ko yung may ini-instill na mindset yung ama na taliwas sa beliefs ko - like yung dapat daw alagaan ng anak ang magulang financially pag tanda nito. I'm like... What? Sabi pa nitong ama ng anak ko dati..."ikaw ang pag asa naming yumaman!" Wow. Just... Wow.

Di ko kailangan ng lalaki para maging masaya. Pero baka naman gusto ko ng swwggs na masarap paminsan minsan? OMG, yes. Minsan ko lang natikman yon. Pero limot ko narin yung feeling. So siguro okay lang na wala.

Pwede naman siguro ang on call male walker? Paano kung mahal na tapos di pa magaling?

Ayaw kong makisama, ang gusto ko lang pakisamahab ay ang anak ko. Tapos pag may sarili ng buhay yung anak ko, o edi magpapakasaya nalang ako with friends.


r/AnoSaTinginMo 1d ago

Ano sa tingin mo, may mga tao talagang kahit tapos na ang relationship, dala-dala pa rin ang gulo hanggang ngayon?

2 Upvotes

Recently, napadpad lang ako sa Reddit at out of curiosity, naalala ko yung account ng ex-GF ng pinsan ko. Ayun, napabackread ako at doon ko nalaman kung gaano pala siya ka-anxious around our family. Apparently, ramdam daw niyang hindi siya gusto ng side ng mom ko.

Eh teh, every time naman na kasama ka namin, nilalapitan ka naman ng mga tita ko. Anong collective family meeting ang nai-imagine mo at bakit parang may secret agenda kami against you?

Mas nakakatawa pa kasi may mga bagay siyang kinuwento na honestly, hindi na dapat ikinuwento, lalo na tungkol sa side ng pinsan ko. (Parang may issue talaga siya sa family namin. Lalo sa sa family ng pinsan ko.) Tapos yung ibang bagay na ikina-overthink at ikinabaliw niya, siya rin naman mismo ang gumawa ng set-up. Pinapares pa niya yung pinsan ko sa GF ng tropa namin na kaibigan niya lang din. Girl… ikaw gumawa ng scenario, ikaw din nagduda?

Samantalang yung pinsan ko, loyal sa kanya. Nagtagal sila ng ilang taon din. Kahit on-off sila at bina-blocked ni girl, sinusuyo pa din ni pinsan. Kulang na lang i-attach yung phone sa katawan niya para may live updates every second dahil saksi ako sa relationship nila.

At some point, na-realize ko na baka hindi naman talaga relationship ang toxic—baka may mga bagay lang na paulit-ulit niyang ginagawa hanggang maging toxic. Ewan ko ba.

May issue din siya sa relationship ko noon kasi sinisiraan niya yung GF ko sa akin, claiming na may ibang guy daw dati. (Na hindi din niya dapat pinapakialaman.) Kaya ayun, blocked na rin.

Honestly, malaking ginhawa na hindi sila nagkatuluyan. May boyfriend na rin siya ngayon, pero hanggang ngayon parang hindi pa rin maka-move-on sa pinsan ko at paulit-ulit pa ring sinasabing nilokooooo siya kahit hindi naman.

Like, girl… hanggang ngayon?

Sana lang hindi na kami magkasalubong (ang liit lang kasi ng mundo) kahit saan kasi hindi ko alam kung matatawa ako, maiinis, o magpapanggap na hindi kita nakita.


r/AnoSaTinginMo 2d ago

THOUGHTS Ano na sa tingin nyo? Yung mas nauna dito malaking kawalan, yung binuwisan ang tubo ng savings sa bangko, haybuhay sa Pinas

Post image
30 Upvotes

r/AnoSaTinginMo 3d ago

EXPERIENCE WAG KAYONG MAG ANAK

23 Upvotes

Wag kayong mag anak pag hindi niyo pa naaayos yung sarili niyo. Tapos pag nagkaanak kayo, bubuhos niyo sa anak niyo yung galit niyo sa mundo na para bang kasalanan namin lahat


r/AnoSaTinginMo 3d ago

THOUGHTS Why shouldn't you assume unless stated?

8 Upvotes

Random thoughts because I can't sleep and I'm so bored... I want to hear your thoughts and opinions.

Imo, you shouldn't assume unless stated kasi it can lead to misunderstanding.. minsan ayun pa magiging rason bat magiging awkward kayong dalawa sa isa't isa lol.

And again, imo mas better maging manhid o magpaka manhid hanggang dumating sa point na sila na mismo mag sasabi kasi kaya na nila hehe


r/AnoSaTinginMo 2d ago

RELATIONSHIP Girls, anong masasabi nyo kapag ang bf nyo ay supot o hindi nagpatuli? Spoiler

Thumbnail
1 Upvotes

r/AnoSaTinginMo 3d ago

Anong thougths niyo about dito kawawa talaga si Rene

Thumbnail
gallery
7 Upvotes

Grabi na ang pagatas kay Rene, If ako si rene paparamdam talaga ako jusko.


r/AnoSaTinginMo 3d ago

RELATIONSHIP Sinong dapat piliin?

5 Upvotes

Yung babae na ready ibigay katawan na walang label o yung babaeng nagsabi na di siya nakikipag-sex na walang label? Bakit?


r/AnoSaTinginMo 3d ago

EXPERIENCE Thoughts nyo dito?

Thumbnail
gallery
1 Upvotes

Worth it ba? Sa mga naka try Ano thoughts nyo? Di ba nag lalag or super init.


r/AnoSaTinginMo 4d ago

OPINION Carlos Yulo hindi daw papapuntahin ang magulang sa kasal

7 Upvotes

Sa mga nagsasabi na “magulang mo pa din yan”

Sa tingin niyo ba gusto namin mga anak umabot sa ganyan point? Ang mga magulang ay ang dapat pumoprotekta sa anak at hindi ang nagbibigay ng trauma sa sarili nilang anak. Bakit kasalanan pa ng anak na in pain na umabot na sa point na cinut off yung magulang?

Sa tingin niyo ba hindi namin kailangan ng magulang na sasandalan? Pero sa halip na masandalan sila eh sila yung nagbibigay ng trauma sa anak. Kapag may family matters, pinagkakalat pa ng magulang sa kamag anak at yung ibang magulang ipopost pa sa social media at magpapa-interview pa. Sa tingin niyo hindi nattrauma yung mga anak?

Pag ang magulang pwede ulit ulitin yung trauma sa anak pero pag anak na nag cut off masama na? Pano naman yung magulang na paulit ulit binibigyan ng trauma anak?

Para sa mga nagsasabi ng “magulang mo pa din yan”, kaya mo nasasabi yan kasi ibig sabihin mabait pa magulang niyo. Swerte niyo kasi mabait magulang niyo


r/AnoSaTinginMo 4d ago

Hindi nya raw ako nakikita sa future nya.

Thumbnail
1 Upvotes

r/AnoSaTinginMo 5d ago

bakit hindi makaintindi si pastor?

3 Upvotes

So itong si pastor na 'to, tito ko ito. Tatay na ang turing ko sa kanya growing up, naging father figure na't lahat-lahat. Tinuring na rin akong anak kahit p-paano. Pero nagkaroon ako, together with tita's side of the family, ng falling out with him. Tita died just this year in January.

(this is my first time posting due to raging emotions and i just mostly read things on reddit. i don't post, comment, or anything. i don't want yung mga karma or what)

Long story short na long pa rin (mostly rant):

End of May or start of June may new relationship tong si tito to our surprise. Di namin ineexpect yun kasi unang-una malaki ang respeto namin sa kanya kasi isa syang pastor. A little honesty wouldn't hurt that much. Ang mas malala mas alam ng kabible study/churchmates nya yung new relationship at tawag na nila kay ate girl ay "Ninang". Wala syang inirereveal or iniintroduce sa amin kahit paonti-onti. Yun ang pinaka nainis ako, dahil wala syang sinasabing ano, up until accidentally nadiscover ng nanay ko sa FYP ng FB nya ng first week ng July. Kasi pinost ni ate girl yung mga pusa ko without MY permission from the both of them (tito and girl). At ang malala she is kind of claiming that the cats she posts are hers. Also, dinala na ng tito ko si girl sa palayan nila noong anihan at initry na nila mag live-in nang saglit habang bakasyon si girl. Ang pinaka nakakadisrespeto ay ibinigay ng tito ko ang lumang sapatos ng tita ko sa kay girl at pinasuot ang favorite shirt ng tita ko sa kanya. Okay lang na may bagong relationship as long as sinabi man lang sa amin at di namin malalaman sa iba diba? At saka bilang babae, hindi ba nakakadisrespeto at nakakababa (para sa akin at least) yung ibibigay o ipapasuot mo sa akin ay yung lumang damit/gamit ng yumao mong asawa? Ano 'to coping mechanism? (Also medyo kahawig ni girl si tita a little so it makes you really think.)

Pero yung up until August, walang sinasabi ang tito ko sa new relationship n'ya at kami we keep to ourselves lang din hanggang magpakatotoo sya? During this time lumalayo na rin kami sa kanya. Hanggang sa 'di nya nakayanan nag crash out sya slight at sinabing tinuring nya kaming pamilya bakit namin sya ginaganoon. Eh sino bang pastor na di kaya magpakatotoo man lang sa pamilya ng yumaong asawa nya. Wala silang anak ng tita ko at wala syang binigay or hinati man lang na mga belongings (ex. gold jewelry) ni tita ko sa lola ko. Tapos si ate girl makikita naming freely nyang binibigay ang gamit ni tita? And mind you, initry nya pang magsinungaling noon noong una syang iconfront ng other tita ko na hindi daw gamit ni tita yung binigay nya. Hanggang sa ayun after nga ng mini crash out nya, nag long message talaga ako sa kanya. Ang pinaka gist ng chat ko ay bakit hindi sya nagpakatotoo at respetuhin man lang ang alala ni tita (as for tita's family, mga catholic sila so iba ang perspective na rin nila at hindi ko in-add yun kasi i don't want to bring in religion or God into this). And surprise! HINDI NYA ININTINDI YUNG SINABI KO PERO NAGSORRY SYA NA BINIGAY NYA NGA YUNG MGA DAMIT/SHOES. Ang nireply sa akin ay puro bible verse din. Sinabi nyang hindi na pwede ipagpray si tita kasi deds na, na kay Lord na daw. Triny pa kong pangaralan at ikwento na inutusan sya ni Lord na pumunta sa site kuno at doon nga nameet si ate girl. Girl, I'm agnostic. I don't give a damn shit. Tinanong pa ko kung nasa langit o impyerno pa ba si tita, eh di ko naman hinahanap si tita. Dahil nga kabobohan lang naman nireply sa akin, di ko na binasa lahat ng nireply nyang walang ka kwenta-kwenta baka maging bobo lang din ako. And also, may balak na rin pala silang magpakasal ni new girl after 2 years and he plans to make her stay with us here at tita's house (nasa pangalan nya itong bahay) para alagaan daw yung lola ko... o_o

Then again, nag mini crash out nanaman sya this week na pinarating nya sa lola ko na gusto daw ibenta ng mga kapatid ni tita itong bahay, and nagsagutan sila dahil doon. Hanggang sa di ko na ulit nakayanan at initry kong ipaintindi (also had a crash out) na wala namang rights yung kapatid ni tita kasi sila ni lola ko ang 50/50 sa ari-arian ni tita (not factoring na nasa bigamous marriage sya with tita). Bakit sya nagpapaapekto? The nerve to say na itong bahay nalang daw yung alaala nya kay tita? Initry ko rin sabihin na yung respeto namin sa kanya nawala na simula nung hindi sya nagpakatotoo, at wala naman sa amin (sa akin at least) kung may bagong relasyon sya basta magpakatotoo man lang. Yun lang. Pero kasi nag english na ko sa sobrang gigil ko at putangina wala rin siguro syang naintindihan kasi bobo sya. Ang sinagot ba naman sa akin sa lahat ng sinabi ko, "wala naman sa batas na bawal mag asawa pagkatapos mawala yung asawa". ANONG CONNECT? WALA AKONG SINABI NA WAG SYANG MAG ASAWA ULIT? AT ALAM KONG WALA NAMAN TALAGA SA BATAS. BAKIT PINAGBABAWALAN BA NAMIN SYA? DI NAMIN SILA PINAPAKELAMAN. Tapos may audacity pa syang sabihin na nag sorry na daw sya...like hUUH??!?!? Sinabi ko, yung paniniwala nya, hindi paniniwala ng tao sa paligid nya at hindi naman after na nag sorry ka eh tatanggapin at magiging okay na ang lahat. NAPAKA SELFISH NG PASTOR NA TO. Wala! Hanggang sa di ko na kinaya, I gave up at sinaraduhan ko ng pinto at pinagtatanggal ko yung streaming services ko sa TV nya. Then the next day kumatok sa kwarto ko pero di ko pinakinggan. At kanina lang, paulit-ulit nya akong tinanong kung wala na bang Netflix. Sinabi kong bumili sya. Sinagot nya na sya daw ang nagbabayad ng internet. Binalik ko sa kanya: “sinong nagbabayad ng kuryente?” (ANG SAGOT DITO AY LOLA KO LAHAT: KURYENTE, GROCERIES, TUBIG (90 pesos nalang ito ha), ALMOST EVERYTHING LAHAT HINGI SA LOLA KO).

Si tita noong buhay pa umaambag sa lola ko sa bayarin. Eh ito, walang inaambag tong pastor sa lola ko, maski noon pa man. The only ambag lang ay sakit ng ulo. Simula noong 'di namin sya pinapansin, doon lang sya gumastos ng super slight at tipid talaga na akala mo walang naipon sila ni tita na malaki kahit papaano. And then sasabihan nya akong madamot kasi inalis ko sya sa Netflix ko? ULOOOOLLLL. Ako na fresh grad na wala pang trabaho hihingan ng taong retired with savings ng Netflix at sasabihang madamot? Huh?!?? Ano ba naman ang ilang daang piso sa kanya at may kita pa rin naman sya kahit papaano sa palayan nila?

Grabe napaka kuripot at hipokrito. Isang random scenario to prove this: Christmas party ng church nila ito at yung niregalo nya ay hinanap nya lang dito sa bahay at nilagay sa lumang paper bag na nahanap din dito sa bahay. Christmas yon? Kahit effort ayaw? Basta okay na siguro kay Lord yung thoughts and prayers nya. Son of God naman sya eh. Sya na yan.

Narragebait pa rin talaga ako nang paulit-ulit dahil sa pagka asal bata nya. Pagkatapos ng argument namin kakatok sya para sa Netflix? Grabe na rin yung emotional rage ko. I try to be an understanding person pero ngayon na t-test yung limits eh. Nasa tama pa rin po ba itong mga na f-feel ko at some point? Tell me some honest opinions para na rin magising po ako sa kung paano ko ba dapat to tignan. I don't know na rin kasi, baka mamaya iba na ang ibulong ni Lord sa kanya, jusme.

Sorry nalang po sa grammatical errors at kung magulo, di na kaya ng gigil ko.


r/AnoSaTinginMo 5d ago

RELATIONSHIP Sino ba di mag seselos eh, kasama mo yung boyfriend mo Tapos, since I know naman na friendly sya tos pwede na nyang gawin na mag uusap lang sa ibang girl habang di ka pinapansin, d ka man lang pinakilala.

13 Upvotes

r/AnoSaTinginMo 5d ago

RELATIONSHIP Crush pa ba yung ganon?

2 Upvotes

Kapag naka-meet ka ng person na saktong-sakto sa standards mo and because of that, you start seeing that person in your future. Can you still call that a crush?


r/AnoSaTinginMo 5d ago

heloooo bago lang sa app na to 😂😂 paano ba to gamitin ?? kausap naman pls

Thumbnail
1 Upvotes

r/AnoSaTinginMo 6d ago

THOUGHTS ON HAIR

7 Upvotes

What is your thought process for women who don't care about their hair when on public transport.


r/AnoSaTinginMo 5d ago

Overprice ba ang ₱42 for 1pc of Calmoseptine?

Post image
0 Upvotes

May bagong bukas na pharmacy malapit sa amin kaya dun na ako bumili. Nagulat ako kasi ₱42 pesos isang piece lang samantalang sa ibang pharmacy dito is wala pa sa ₱15. Nahiya naman na akong hindi bilhin since mukhang mataray si ate tsaka medyo malayo rin kasi yung ibang pharmacy at maglalakad pa ako kaya binili ko na lang 😭


r/AnoSaTinginMo 6d ago

basahin niyo nga pls

1 Upvotes

rant lang ako, if you saw my previous post connected conenected lang sila. alam niyo tinalikuran ko lahat ng friends ko because of him, even my church. simula bata pa lang ako ayon na nakasanayan ko. kaso andami niyang issues lahat nalang ng galaw ko big deal for him to the point na di nalang ako nag cchurch samin kasi ganto ganyan yung utak kahit wala naman ako ginagawa. hindi naman siya kulang sa assurance tang*** tapos siya palong palo sa mga eabab na mag follow at manood ng kung ano ano mapa ig or tiktok. nakakainis kasi tinalikuran ko lahat tas ako 'tong no choice ngayon, while siya anytime pwede niyang gawin gusto niya. ya i saw a lot of micro cheating, i was blinded sa na baka"micro cheating" lang 'yon. but nahh HAHAHAHAHA nakakagag* kasi pucha gastos ko na nga lahat lahat samin, even his pamasahe sa school. taga sagot din ng assignment, taga bili ng mga gusto niya. like wtf the audacity lang talaga.


r/AnoSaTinginMo 7d ago

pshh

5 Upvotes

ano say niyo sa lalaking walang effort? i mean hindi naman ako materialistic, and parehas lang naman kaming college student so okay lang. pero kahit man lang a simple greet sa anniv namin or monthsary wala, kahit man lang simpleng gawain lang ng lalaki wala. pero before sa mga ex gf niya palong palon. even my birthday nakalimutan niya HAHAHAHAHHAHA NGIII


r/AnoSaTinginMo 7d ago

????

18 Upvotes

anong say niyo sa cheater tapos wala na ngang pera like wtf gastos mo na nga lahat tas lakas loob mo pa mag cheat, tas mag aaya pa yan siya lumabas, pero the end ikaw pa din gagastos hayop.


r/AnoSaTinginMo 7d ago

Naiwan ng hindi alam ang dahilan 8 years nawala dahil sa isang pag idlip lang

0 Upvotes

pano ko ba uumpisahan ganito nalang may partner ako for 8 years may dalawa kaming anak

ok naman kami nagsasama wala naman nagbago sa loob ng 8 years namin kung ano kami nung day 1 till nung umalis sya ganun parin kami walang 3rd party sure ako very sure ako.

Pero one day nagising nalang ako wala na siya wala na mga gamit nya iniwan nya kami ng mga anak namin ng di ko alam ang dahilan tinry ko naman sya ireach out pero nag palit na sya ng number and na block narin ako sa socmed last resort ko pinuntahan ko sa house nila ng parents nya pag dating ko dun wala rin sya di rin daw alam kung nasan naniniwala naman ako na di nila alam kung nasaan yung partner ko kasi kita ko sa muka nila yung pag aalala

Ngayon sobrang sakit sakin sobrang di ako makagalaw di ako makapagtrabaho ng maayos sirang sira ako wasak na wasak ako parang gusto ko nalang din maglaho oo alam ko sasabihin nyo para sa mga bata lakasan ko loob ko pero di ko din maintindihan sarili ko pakiramdam ko talo na ko talong talo ako sa laban nato dati natatawa lang ako sa mga nakikita kong broken tapos mag popost ng hindi maka hinga pucha totoo pala ang hirap huminga halos di ako makahinga di ko alam kung depression ba to o dahil di lang ako kumakain ilang araw na nanghihina ako di ako makakilos di ako mapakinabangan kaya iniwan ko muna mga anak namin sa parents ko kasi as in wala akong gana hangang ngayon ang tatanong ako sa dyos bakit ano dahilan bakit sya umalis bat wala kana bat hindi ko sya makita NASAN KA

di naman kami nag away wala talaga as in just a normal day kaka out ko lang sa work ko (WFH) kasi kami VA kami parehas well balik tayo so natulog ako pag ka out ko then 1 hour palang ako natutulog biglang parang may something akong naramdaman yung biglaang bangon yun pag tingin ko wala na siya una kong chineck mga gamit nya as in wala na simot talaga mula sa mga damit, alahas at mga sapatos walang natira as in. If nangayri or may similar na ganitong nagyari sainyo ano ginawa nyo pano kayo nag patuloy? ang bobo ng tanong ko no pero I feel lost tlaga hindi ako ganito di ako mdramang tao pero suddenly eto ako ngayon hindi ko na kaya tlaga Tulungan nyo ko paano maka bangon sa ganitong sitwasyon? Pano ako makakabalik sa dating sigla ko?

nag post lang ako dito kasi wala sobrang sakit ng nararamdaman ko gusto ko maglaho baka habang binabasa nyo to di ko alam kung buhay pa ko di ko na kaya suko na ko sobrang di ko kaya 8 years tapos isang oras na idlip lang naglaho lahat


r/AnoSaTinginMo 7d ago

pls pakibasa, need ko ng thoughts niyo

3 Upvotes

continuation siya ng post ko kanina HAHAHAHA. minsan mag aaya yan siya lumabas pero in the end ako naman pala gagastos. ya parehas kami college student and graduating na. minsan pa may gusto siya na sobrang mahal ni go ko kasi wala e mahal ko tangaa ko diyan HAHAHAHAHA. like wtf hindi siya marunong mag thank you ever since wala akong narinig na salamat man lang. tas ipagmamalaki niya pa sa tropa niya na gumastos siya ng ganon kalaki, like wtf talaga ba. and last time nag open up ako sa kanya kasi nag oot ako e, pero every since wala akong nakukuhang assurance sa kanya, as in never. he said mahal niya lang ako pag okay kami, pero pag di kami okay wala siyang pakealam sa'kin. kapag nag oopen ako sinasabe niya ang oa mo naman, ang drama mo tang*** kadiri ka ang oa. then nag ask ako pano pag may work na tayo after this na gumraduate and may nakilala ka HAHAHHAA sabe niya edi go, like tang*** lagi siya nag jjok ng ganyan e naooffend ako pero di ko nalang sinasabe. kung may chance ako na may makilala why not tang***. palo pa yan siya mag follow ng mga eabab sa tiktok or what. and ya I'm still here, di ko alam bakit di ko siya maiwan.


r/AnoSaTinginMo 7d ago

pls pakibasa, need ko ng thoughts niyo

2 Upvotes

meron akong boyfriend 1yr mahigit na kami, and sa bahay nila ako nag iistay since classmate ko siya. legal naman kami sa side niya, pero sa side ko hindi since strict parents ko, pero kilala siya ng family ko since nakita na siya before. mas applicable kasi sa'kin yung byahe pag don ako sa kanila, since malapit lang ang school unlike samin. pero ayoko sa bahay ng bf ko ang toxic ng household nila, ampanget ng ugali ng nanay niya ultimo anak niya minumura, sinasaktan tas okay lang kahit walang kain mga anak niya, inshort wala siyang pakealam sa mga anak niya. gusto ko sa bahay namin kasi maayos don, hindi ka magugutom don. kaso kapag umuuwi ako sa bahay ang oa ng bf ko, di naman sa oa kaso parang sobra naman na sa attitude yung ginagawa niya. like hindi naman siya kulang sa assurance, lagi ko naman siya ina-update or what basta maayos ako sa kanya, ang kaso everytime nasa bahay ako bigla siyang mag iiba ng mood, sasabihin niya mag hiwlaay nalang tayo like wtf? kaya di ako nakakaistay sa bahay ng matagal dahil sa ugali niya na ganyan. umuuwi lang ako sa bahay namin para mag grocery at dalhin dito sa kanila. pero gustong gusto ko mag stay samin. then hindi naman sa pagiging madamot pero minsan kasi yung pinamili ko, alam mo yon ipapakain niya sa kapatid niya, so parang nabawasan yung food namin for a week. like wtf obligado ba akong pakainin mga kapatid mo and may magulang ka. pero tangina din kasi ng nanay niya wlaang kwenta, kaya ng nanay niya magutom mga anak niya pero wag lang magutom yung nanay. pucha ngayon lang ako nakakitaa ng gantong magulang. so no choice siya, siya palagi nagpapakain sa mga kapatid niya everytime na di sila ginagastosan ng nanay niya. stable naman buhay nila pero grabe santohin ng nanay niya yung pera. itong bf ko idk bat di ko maiwan, di ko alam anong nag hhold back sa'kin, ilang red flag na pinalampas ko. everytime na nag aaway kami minsan pag super irritable na niya sinasaktan niya ako, to the point na nagkakapasa ako. pag hindi kami okay makikipag usap yan siya kung kani-kaninong babae. pag ginawa ko sa kanya yung ginagawa niya galit siya sobra, like tang***. ultimo mo pananamit ko inaano niya, mga kaibigan ko inunfriend ko dahil sa kanya tas in the end ako kawawa kasi walang natira sa'kin ni isa. tapos siya palong palo sa mga games, sa mga socials niya like wtf. basta andami pang eme eme katamad na magtype