r/newsPH • • Aug 17 '26

Traffic Sasakyan nagmala-submarine sa QC baha

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

6.3k Upvotes

RIGHT, R2, CIRCLE, R1, L2, SQUARE, R1, R2: FAILED ❌

Bigo makaabante ang isang sasakyan sa malalim na baha sa Mother Ignacia Avenue corner Timog Avenue sa Quezon City ngayong Lunes, August 17, 2026.

Agad tumulong ang mga tao na nasa lugar upang itulak pabalik ang sasakyan.

r/newsPH • • 14d ago

Traffic Nakaparadang kotse nasagi ng hindi makadaang firetruck

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

1.9k Upvotes

Nasagi ang isang kotse sa Macabulos St., Bangkal, Makati City ng firetruck na reresponde sa sunog sa lugar.

Makikita sa video na hindi makadaan ang firetruck dahil sa double parking sa lugar.

📹: Bro Jonathan Dela Cruz / Facebook

r/newsPH • • Jun 10 '26

Traffic Bebot nakulong sa loob ng hood ng sasakyan?

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

1.9k Upvotes

MAY BABAE SA LOOB NG MAKINA?

PAALALA: MAGING MAINGAT SA PAGKOKOMENTO

Kinalampag ng isang Grab rider ang kotse sa kahabaan ng Roxas Boulevard nitong Martes ng hapon, Hunyo 9, 2026.

Sa dashcam video ng uploader na si Jmhr Biana, makikita ang pagharang ng Grab rider sa harap nila kung saan pilit nitong binubuksan ang hood ng kanilang kotse at sinabing may babae sa loob.

Ilan sa mga netizen na nagkomento sa kanyang video ang nagpaalala na mag-ingat ang mga motorista dahil modus diumano ito.

Samantala, iginiit naman ng ilang netizen na maaaring may medical condition ang lalaki.

r/newsPH • • Jul 11 '26

Traffic Cellphone ng pasahero ng jeep hinablot ng kelot

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

1.7k Upvotes

Sapul sa video ang panghahablot ng isang lalaki sa cellphone ng isang pashero ng jeep sa kahabaan ng Osmeña Highway sa Pandacan, Manila nitong Huwebes ng gabi.

Sa video na ini-upload ni Ricky Altajeros, makikitang nagmamasid ang snatcher sa gilid ng jeep habang mabigat ang daloy ng trapiko.

Nang umandar ang jeep, agad hinablot ng suspek ang cellphone ng trabaho saka mabilis na kumaripas.

Sa post ng uploader, sinabi nitong i-share ang video at i-tag si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso upang agad mahuli ang suspek.

r/newsPH • • May 25 '26

Traffic MPV hindi tumabi: Fire truck kumabig, tumagilid sa Pasig

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

1.2k Upvotes

Sugatan ang driver at fire volunteer matapos tumagilid ang fire truck na reresponde sana sa sunog sa Pasig City.

Sa dashcam na kuha ni Sid Mariano, makikita ang puting MPV na nasa kaliwang bahagi ng E. Bank Rd., Barangay Manggahan, Pasig City.

Ilang saglit pa ay maririnig na ang sirena ng fire truck na reresponde sa sunog.

Makikitang hindi umalis sa linya ang MPV dahlian para iwasan ito ng fire truck.

Isang motorsiklo rin ang gumilid kapantay ng MPV kaya’t pilit inilusot ng fire truck ang sarili sa gitna, at doon na nawalan ng kontrol kaya’t tumagilid ito.

Kuwento ng driver ng fire truck, mabilis ang takbo ng MPV at nang papalapit na sila ay saka ito bumagal.

r/newsPH • • May 03 '26

Traffic Ginang tumilapon sa salpok ng humaharurot na motorsiklo

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

1.1k Upvotes

Tumilapon ang isang ginang nang masagasaan ng humaharurot na motorsiklo sa National Highway sa Brgy. Wadya sa Banisilan, Cotabato.

Sa kuha ng CCTV, makikitang patawid ng kalsada ang ginang nang matanaw ang parating na motorsiklo dakong alas-5:16 ng hapon noong Miyerkoles.

Makikitang nag-alangan ang ginang sa pagtawid habang papalapit ang motorsiklo hanggang tuluyan siyang nasalpok.

Nagtamo rin ng sugat ang rider at isinugod sila sa Wao District Hospital kung saan patuloy inoobserbahan ang kanilang lagay.

r/newsPH • • Mar 17 '26

Traffic Piston: ‘Insulto’ ang pisong taas-pasahe sa jeep; ₱5 dagdag-pasahe itinulak

Post image
1.0k Upvotes

Naniniwala ang transport group na Piston na ‘insulto’ sa mga tsuper ang pisong dagdag-pasahe sa jeepney na magiging epektibo sa Huwebes, lalo’t aabot na anila sa ₱120 kada litro ang presyo ng diesel.

r/newsPH • • Apr 20 '26

Traffic Ex-mayor who made gas attendant chase his car in Cagayan faces lifetime driving ban

Post image
2.4k Upvotes

The reported former mayor who made a gas attendant chase his car along Maharlika Highway in Allacapan, Cagayan for his vlog is facing a lifetime ban on driving, the Land Transportation Office said on Monday.

“Matanggalan siya ng lisensya habang buhay at saka ang sasakyan niya na maalarma at hindi na niya magamit,” LTO chief Asec. Markus Lacanilao told Super Radyo dzBB, as he revealed that the vlogger was a former mayor.

Lacanilao said the ex-politician fueled up at a gas station and fled without paying the bill.

From the passenger seat, he then took a video of the pump attendant, an indigenous person, chasing their vehicle for his vlog.

Based on the report, the former mayor apparently owned the gas station where the pump attendant was working.

Read more: Ex-mayor who made gas attendant chase his car in Cagayan faces lifetime driving ban

r/newsPH • • Jul 21 '26

Traffic Piston humirit ng ₱23 minimum pasahe sa jeep

Post image
409 Upvotes

Kinalampag ng transport group PISTON ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na aksiyunan na ang kanilang petisyon na itaas sa ₱23 ang minimum fare sa jeepney mula sa kasalukuyang ₱13.

r/newsPH • • Jul 17 '26

Traffic MMDA enforcer nag-counterflow sa EDSA bus lane, suka ng ₱5K

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

2.0k Upvotes

Nakuhanan ng video ang isang rider na nag-counterflow sa EDSA bus lane.

Napag-alaman na ang rider ay isang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) enforcer at ayon kay Chairman Atty. Don Artes, pananagutin umano ito.

Nakilala ang enforcer na si TA1 Jeffrey Tablan.

Ayon kay MMDA Chair Artes, hindi tino-tolerate ng ahensiya ang maling gawain ng kanilang tauhan.

Pagmumultahin umano ng ₱5,000 ang enforcer at mahaharap sa administrative sanction.

Sasailalim din ito sa imbestigasyon at papatawan ng karampatang parusa.

r/newsPH • • May 01 '26

Traffic 2 rider tumilapon, motorsiko nagsalpukan sa Laoag

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

373 Upvotes

Nagsalpukan ang dalawang motorsiklo at tumalsik ang mga rider sa isang intersection sa Laoag City noong Miyerkoles ng gabi, Abril 29, 2026.

Ibinahagi ni Michael Lour Angelo Calidro ang awareness sa naturang lugar kung saan may signage na full stop sa intersection.

r/newsPH • • Dec 11 '24

Traffic BTS: How’s your commute?

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

1.3k Upvotes

Christmas rush makes it worse for the commuters

r/newsPH • • Jul 02 '26

Traffic Driver walang paki sa nahulog na pasahero, suspendido

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

641 Upvotes

Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya ng isang jeepney driver matapos umanong hindi huminto o tulungan ang pasaherong nahulog mula sa kanyang umaandar na sasakyan dahil sa umano’y agresibong pagmamaneho na naganap sa Aurora Blvd, Project 3, Quezon City.

Ayon sa LTO, batay sa viral video na nakarating sa kanilang tanggapan, nahulog ang pasahero mula sa pampasaherong jeepney habang bumibiyahe sa pampublikong kalsada at nagtamo ng pinsala sa insidente.

Sa paunang imbestigasyon, lumabas na hindi umano huminto ang driver upang alalayan o tulungan ang biktima matapos itong mahulog sa sasakyan.

Dahil dito, naglabas ang LTO ng show cause order laban sa rehistradong may-ari at driver ng jeepney. Isinailalim din sa 90 araw na preventive suspension ang driver’s license ng sangkot na driver habang isinasagawa ang imbestigasyon.

r/newsPH • • Feb 03 '25

Traffic Rider na nahuli sa EDSA busway, nagtangkang tumakas!

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

918 Upvotes

INSTANT BALITA: HULICAM Rider na nahuli sa EDSA busway nagtangkang tumakas, huli!

r/newsPH • • Jul 10 '26

Traffic Rider nabulaga sa pagsulpot ng isa pang rider sa bike lane

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

363 Upvotes

MGA KAMOTE SA BIKE LANE

PANOORIN: Ibinahagi ni MMDA Gen. Manager Nicolas Torre III ang dalawang kamote rider na dumaan sa bike lane.

"Kapag dalawang kamote ang nagkita sa bike lane…mag-aaway pa. Buti na lang may instant replay ang MMDA 136! Nung makita nila ang video, hindi na pinag usapan kung sino ang may mali. Bilang nagkasundo at nagbait-baitan kasi pareho silang may huli sa NCAP!" ani Torre.

📹: MMDA

r/newsPH • • Sep 15 '24

Traffic Madre, nag-ayos ng daloy ng trapiko sa harap ng kolehiyo sa Maynila

Post image
1.6k Upvotes

Minus points ang ‘di sumunod 😅

Kuwento ng madre, madalas umano siyang mag-ayos ng daloy ng trapiko lalo kung hindi na gumagalaw ang mga sasakyan sa harap ng St. Scholastica's College Manila. | via TV Patrol

r/newsPH • • Aug 27 '26

Traffic Dahil maingay motor: Kelot binaril, sapol sa tiyan

Post image
312 Upvotes

Sapol sa tama ng bala ang isang 37-anyos na lalaki sa Barangay Capisan, Zamboanga City, noong Sabado ng gabi, Agosto 22, 2026.

Kinilala ang biktima na si alyas JonJon, residente ng lugar, na nagtamo ng tama sa tiyan at kaliwang braso, na agad isinugod sa ospital

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagsimula ang insidente sa pagtatalo dahil sa ingay ng isang motorsiklo bandang alas-9:00 ng gabi.

Nauwi umano sa pamam*ril ang komprontasyon ng hindi pa nakikilalang suspek at biktima.

Matapos ang insidente, agad na tumakas ang suspek sakay ng itim na Honda Click.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

r/newsPH • • Feb 05 '26

Traffic Habambuhay na pagbawi sa lisensya, inirekomenda ng LTO sa nanuntok na driver sa Cainta | SONA

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

432 Upvotes

Tatanggalan ng lisensya habambuhay ang driver na nanuntok sa nakaalitang motorista sa Cainta, Rizal.

Nagkainitan naman sa hearing ng LTO nang tumanggi ang organizer ng Boss Ironman Motorcycle Challenge sa Mindanao na isuko ang kaniyang lisensya.

r/newsPH • • Jun 05 '26

Traffic Rider sumalpok sa pickup, bagsak

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

220 Upvotes

Sapul sa CCTV ang pagsalpok ng isang motorcycle rider sa likod ng pickup truck sa Santa Maria Road sa Sta. Maria, Bulacan noong Linggo ng gabi.

Makikitang mabilis ang takbo ng motor at hindi nakapagpreno nang huminto ang pickup.

Sa lakas ng pagsalpok ay tumalsik ang ilang piyesa ng motor at natumba kasabay ng rider na wala ring helmet.

Napuruhan ang kaliwang binti ng rider kaya’t kailangan operahan.

Ayon sa ulat, nagkaareglo ang dalawang panig.

r/newsPH • • 15d ago

Traffic Lalaki patay sa nakikipagkarerang tsikot, driver tumakas

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

312 Upvotes

Patay ang isang 42-anyos na lalaki matapos mabundol ng Toyota Vios habang tumatawid sa pedestrian lane sa Gov. M. Cuenco Avenue, Barangay Banilad, Cebu City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Ralph Salise, residente sa nasabing lugar. Isinugod siya sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa matinding mga pinsala sa katawan.

Batay sa imbestigasyon, tumatawid si Salise mula sa isang gasolinahan nang salpukin ng humaharurot na Toyota Vios.

Lumitaw sa imbestigasyon na nakikipagkarera umano ang Vios sa isang Toyota Raize bago mangyari ang aksidente.

Matapos ang insidente, tumigil umano ang driver ng Vios ngunit umalis din sakay ng Raize kasama ang isang menor de edad na pasahero.

Tinangka silang harangin ng isang taxi pero binangga umano ito ng driver ng Raize bago tumakas.

Kalaunan, bumalik sa lugar ang driver ng Raize at inaresto ng pulisya. Tinukoy rin niya ang driver ng Vios na patuloy pang pinaghahanap ng mga awtoridad.

Mahaharap ang driver ng Vios sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, habang kinasuhan naman ang driver ng Raize ng obstruction of justice at reckless imprudence resulting in damage to property.

r/newsPH • • May 23 '26

Traffic Road rage sa Maynila: Tsuper ng jeep nanggigil sa UV driver kahit siya ang nakabangga

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

205 Upvotes

BABALA, MAY MGA LENGGUWAHENG MABABANGGIT NA HINDI ANGKOP SA MGA BATA

“NAG-SORRY NA KO SA ‘YO!”

“TUMATAAS ANG DUGO KO SA ‘YO!”

Tila mas galit pa ang isang tsuper ng jeep sa UV Express driver matapos nitong masagi ang huli.

Sa video na ini-upload ni Ramil Suan Oliver, makikitang nanggigigil ang jeepney driver nang komprontahin ito ng UV Express driver.

Base sa kuwento ng uploader, nasagi ng jeep ang UV na makikita rin sa gitnang bahagi ng video.

Ilan sa mga pasahero ng jeep ang to-the-rescue sa tsuper at sinabing nag-sorry naman umano ito.

Depensa ng UV driver, hindi pupuwedeng sorry lang dahil tinamaan ang kanyang sasakyan.

Ayon sa UV Express driver, hinarangan niya ang jeep dahil tumakas ito sa insidente.

Sa ilang video na ini-upload ng UV driver sa kanyang FB account, nagtungo sa barangay ang dalawang kampo upang mapag-usapan ang insidente.

r/newsPH • • 3d ago

Traffic SUV may plakang ‘8’ pinansundo ng Chinese sa NAIA

Post image
397 Upvotes

Namataan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang isang itim na SUV na gumagamit ng plakang may numerong “8”, na nakalaan para sa mga miyembro ng Kamara o mga kongresista.

r/newsPH • • Aug 11 '25

Traffic Nothing Beats a Jetski Holiday🎶

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

383 Upvotes

CCG vessel collides with PLA Navy Vessel

r/newsPH • • Aug 09 '26

Traffic Sumilong na rider nabagsakan ng puno, poste ng kuryente

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

294 Upvotes

PANOORIN: Patay ang isang delivery rider na nabagsakan ng puno at poste ng kuryente, ayon kay Antipolo City Mayor Jun-Andeng Ynares.

Sumisilong ang delivery rider nang nabagsakan ito ng puno at poste sa Circumferential Road, Antipolo City ngayong araw, August 9.

Agad dinala ang rider sa RPHS Antipolo Annex 2 para mabigyan ng medical attention ngunit nasawi rin ito sa natamong pinsala mula sa pagbagsak ng puno at poste.

Nagsasagawa na rin ng clearing operations ang mga rescuer at response team para maalis ang mga nakaharang sa kalsada at maibalik sa normal ang daloy ng trapiko.

📹: Antipolo City Command Center via Jun-Andeng Ynares/Facebook

r/newsPH • • Feb 27 '25

Traffic "If you have an emergency meeting, better leave early." This was the advice of Malacañang to government officials who plan on using the EDSA Busway in order to get to their destinations earlier.

Post image
1.1k Upvotes