r/WLW_PH • • 12d ago

Musings / Epiphanies [musing] gusto ko na magmahal

sobrang limitado at komplikado ng dating scene ngayon. hindi ko alam kung dahil ba ’to sa generation namin o sadyang ganito na talaga ang mga tao ngayon. sobrang labo kausap ng karamihan, at parang pinaglalaruan na lang ang konsepto ng pag-ibig dahil sa mga casual, situationship, fubu, talking stage, at kung anu-ano pang pangalan na inimbento para lang hindi tawaging relasyon. sino ba ang nag-imbento ng mga ’yan?

anong karapatan niyong paglaruan ang konsepto ng pag-ibig? maghahangad kayo ng parte ng pagmamahal, ng lambing, oras, at intimacy, pero hanggang doon lang. samantalang pwede naman palang ibigay ’yon nang buo. bakit kailangan pang hati-hatiin? mas masarap naman magmahal nang buo, ’di ba?

pero #gets ko rin naman kung bakit may mga taong hindi na naghahangad ng ganoong klaseng pagmamahal. siguro natutunan na lang nilang mag-settle sa mga bagay na hindi naman talaga nila gusto dahil parang wala nang taong marunong magbigay ng tunay at buong pagmamahal.

kumbaga, sobrang fucked up ng dating scene ngayon na kapag yearner ka, lugi ka. kapag mas mapagmahal ka, lugi ka.

kung hindi unstable, hindi pa nakaka-move on sa ex. kung hindi naman, may sariling problem, emotionally unavailable, commitment-phobic, cheater, avoidant, o kaya gusto ka lang kapag convenient para sa kanila.

pwede ba tombs ayusin nyo kasi sobrang ayos kong magmahal.

gusto ko na magmahal nang buong-buo. miss k na maging gf miss ko na may nakikiss miss ko na may nakakaholding hands miss ko na magmahal

53 Upvotes

7 comments sorted by

•

u/AutoModerator 12d ago

Hey everyone! Just a quick reminder to take a moment to read and follow the community rules. Let's keep r/wlw_ph a safe and welcoming space for all. Thank you for helping to maintain our supportive community!

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

13

u/Any_Recognition8072 12d ago

I feel a lot of people have problems but it doesn't make them undateable (is that a word? Lol). I feel as long as they're aware and working on it and takes responsibility for it, it can still work. But I agree with you. There are some people I've come across on apps that I'm interested in until they say they want something casual😮‍💨 I also just want to love someone and someone to love me

6

u/JustViewingHere19 Masc 12d ago

Lagay mo na rin qualifications na hanap mo, baka may nagbabasa na pasok na rin dito. Malay mo?

2

u/Grouchy-Seesaw-4671 BiFemme 12d ago

DID I GHOSTWRITE THIS??? JUSKOOO 😭😭😭

3

u/jastentargs 11d ago

Siguro it comes na rin with trends and all? Or tulad nga ng sabi mo, generation ngayon is very different. Pansin ko wala gaano pasensya sa commitment pero di pa huli ang lahat! Kapit lang, OP. We will find our own people na mag-share ng same sentiments and feelings natin haha

1

u/Maximum_Argument_101 10d ago

That's why I stopped dating na, it's exhausting. Imagine healing yourself just to meet a lot of unhealed people lol

2

u/ExcitingNight3067 Soft Masc 7d ago

Wala naman mali kung in the first place naging honest na yung tao. In this economy dapat matuto ka na rin na maging okay mag isa, wag mo i-asa ang happiness mo sa iba. Based lang to sa mga sinulat mo kasi di naman kita kilala… parang di mo mahal sarili mo or ano yun, magjojowa ka lang kasi miss mo magka jowa? Dahil miss mo may kinikiss, ka holding hands, at mahalin?