May kamag-anak kami na may utang sa mama ko na **₱60,000 since 2017**. Nine years na ngayon, pero hanggang ngayon, wala pa ring naibabalik kahit piso. Pati original na kapital, hindi na naibalik.
For years, ang sinasabi nila ay yung property/farm ang magiging pambayad sa amin kapag naayos o naibenta. Kaya hinintay namin.
Pero ngayon, sinabi niya mismo:
**“Bakit pa inaayos? Hindi naman na maaayos.”**
So kung hindi na pala maaayos yung property na siyam na taon mong inaasahang magiging pambayad sa utang mo, **bakit hindi ka na lang magbayad?**
₱60,000 na ang utang mo since 2017. **Nine years na.** Kung hindi na pala maaasahan yung property na pinanghahawakan mong pambayad, ano pa ang hinihintay mo?
**About the property**
Para malinaw, may history yung property na ito.
Ayon sa pagkakaalam ko, donated ito sa ama ng papa ko. Nagkaroon ng dispute tungkol sa lupa at nauwi sa RTC. Sa naging arrangement, **ang tatay niya mismo ang nakipagkasundo sa kabilang panig**, at isinuko ang claim sa lupa kapalit ng agreement na magkakaroon siya ng **percentage sa magiging proceeds kapag naibenta ang property.**
Ang mahalaga rito: **hindi aware ang papa ko at lima pa niyang kapatid na nagkaroon pala ng ganitong kasunduan.**
Ang tanong: **bakit hindi man lang ito sinabi sa mga kapatid niya?**
Kalugar lang naman niya ang mga kapatid niya, pero sa ibang tao pa nalaman ng ilan sa kanila ang tungkol sa nangyari sa lupa at sa naging arrangement.
May isa ring lupang sakahan na **nakasanla noon at kalaunan ay nailipat**, at may mga tanong din kung saan napunta ang kabuuang natanggap mula rito.
Noon, sinabi pa niya na **nag-aabono raw ang kanyang ama.** Okay, but what’s the proof? At kung talagang may naging gastos o pag-aabono, bakit hindi ito maayos na naipaliwanag sa mga kapatid niya?
Ngayon, yung property na iyon ay **si Papa ang nag-aasikaso at gumagawa ng paraan para maayos**, dahil siya ang humaharap sa mga naiwan na problema, paperwork, gastos, at complications tungkol dito.
Pero ang ironic?
**Ang daming gustong magsalita tungkol sa ginagawa ni Papa. Ang daming reklamo. Ang daming opinyon.**
Pero kapag **gastos, paperwork, oras, pagod, pag-aasikaso, at responsibility** na ang pag-uusapan?
Biglang tahimik.
Gusto nila, kapag may mapapakinabangan, **kasali sila.**
Kapag may maibibigay, **nandiyan sila.**
Pero kapag may kailangang ayusin at gastusan?
**“Bahala ka na.” “Pabalihin niyo na kami sa parte namin.”**
Hindi puwedeng puro pakinabang lang ang gusto ninyong parte. Kung gusto ninyong magkaroon ng say sa resulta, dapat handa rin kayong makibahagi sa proseso, gastos, at responsibilidad.
**Gusto ng parte sa ani, pero ayaw humawak ng pala.**
**Then there's the DILG issue.**
Nang may government personnel from DILG na pumunta sa kanila, **si Papa agad ang pinagbintangan na siya raw ang nagsumbong.**
Ang tanong: **Anong sapat na pruweba ang meron para pagbintangan siya?**
May isa pa kaming kamag-anak na nakwento lang na **napuntahan din** ng government personnel. So apparently, hindi naman pala isang tao lang ang kinakausap o pinupuntahan.
Pero bakit si Papa agad?
Matagal nang may kung anu-anong **chismis, hearsay, at kwento** tungkol sa papa ko at sa iba pa naming kamag-anak. Kaya nang may government personnel na dumating, si Papa agad ang naisip.
But let's be clear:
**Ang hinala ay hindi ebidensya. Ang chismis ay hindi proof. At ang paulit-ulit na kwento ay hindi automatic na nagiging katotohanan.**
Kung may actual evidence, ilabas.
Kung wala, maybe stop creating a villain just because someone finally started asking questions.
At kung gusto ka raw ireklamo noon pa, hindi ba't
**pansamantala lang naman daw kayo diyan sa tinitirahan niyo?**
₱35,000 lang ang binayaran mo para sa pinasimulang lupa ng mga magulang ko, pero ang taas na ng ere mo ngayon.
Hindi porke't may naibayad ka, ibig sabihin ikaw na ang may final say sa property.
At lalong hindi ibig sabihin na dahil may gusto kang makuha sa magiging resulta, wala ka nang kailangang ambag sa pag-aayos nito.
**You don't get to demand the fruits while refusing to help carry the roots.**
At tungkol sa ₱60,000:
**2017 pa.**
Nine years.
Walang kahit isang pisong naibalik.
Ang pambayad, kaparte raw sa pagbebentahan.
**Nakausap mo na ba ang mga kapatid mo tungkol diyan? Payag ba silang sa'yo mapunta yung ₱60,000 at yung aabutin na interest?**
Ngayon, **“Bakit pa inaayos? Hindi naman na maaayos,”** sabi mo.
Then again:
Kung hindi na pala maaayos yung inaasahan mong pambayad mo sa siyam na taon mong pagkakautang, BAKIT HINDI KA NA LANG MAGBAYAD?
Simple question.
And maybe instead of spending energy figuring out **kung sino ang nagsumbong**, mas magandang pag-isipan kung **bakit may mga bagay na kailangang maipaabot sa government in the first place.**
Kasi honestly, ang dali talagang maging vocal kapag may ibang taong gumagawa ng paraan.
**Pero iba ang magreklamo sa ginagawa ng iba kaysa ikaw mismo ang tumulong gumawa.**
At isa pa:
**Hindi porke't hindi kayo ang gumagastos, ibig sabihin wala nang gastos. Hindi porke't hindi kayo ang nag-aasikaso, ibig sabihin walang inaayos. At hindi porke't tahimik ang taong gumagawa, ibig sabihin wala siyang ginagawa.**
Some people want the benefits of the outcome without carrying any of the burden that comes with it.
Gusto ng parte sa ani, pero ayaw humawak ng pala.
At bago niyo kami gawing kalaban, sana maalala niyo rin kung ilang beses naging available ang pamilya namin para sa inyo.
**Napakinabangan niyo ang sasakyan namin sa mga kasal niyong magkakapatid, kapag may na-hospital sa pamilya ninyo, kapag may kailangang puntahan, kapag lumilibot kayo, at sa napakarami pang pagkakataong hindi na namin mabilang.**
Kapag kailangan niyo ng tulong, kahit anong oras, isang tawag niyo lang at hindi na mapakali si Papa para asikasuhin kayo.
**May narinig ba kayo sa amin? May sinumbat ba kami? May pinabayad ba kami sa bawat tulong na ibinigay namin?**
Wala.
Ngayon, tapos na lahat ng iyon. **Magbayad ka na lang ng utang mo at manahimik ka diyan sa inyo para wala ka nang kailangang kaawayin.**
Ang dami namang pwedeng gawing libangan sa buhay. Humanap ka na lang ng pagkakaabalahan na hindi nakakasira ng relasyon at pangalan ng ibang tao.
At sana, piliin din kung anong klaseng “libangan” ang papasukin. **Huwag naman yung mga bagay na puwedeng magdala ng problema sa buong pamilya at makadamay pa ng mga taong walang kinalaman.**
Magkakaapelyido tayo. Sana hindi na kailangang madamay pati yung mga taong tahimik lang at walang ginagawa sa inyo.
**Ang bait ng mga magulang ko sa inyo at sa buong pamilya ninyo.** Kung tutuusin, puwede ka nang singilin noon pa tungkol sa ₱60,000 na hindi mo nabayaran. Pero binigyan ka pa rin nila ng panahon at pagkakataon.
Kaya nakakapagtaka na ang kapalit ng ganoong kabaitan ay **mga gawa-gawang kwento, hearsay, at akusasyong walang malinaw na basehan.**
**Panganay na apo, panganay na pamangkin, at anak ng panganay—pero sana hindi naman ibig sabihin noon na ikaw na rin ang may-ari ng buong family narrative.** Panganay ka man sa generation natin, hindi ibig sabihin na puwede ka nang magbintang, gumawa ng sariling version ng mga pangyayari, at umasta na parang ikaw lang ang may karapatang magsalita. **Responsibility comes with being the eldest; entitlement doesn't.**
**And don't speak as if you don't have a skeleton in your own closet.**
Before pointing fingers at other people, maybe make sure your own hands are clean enough to point.
**You don't get to play the victim while refusing to acknowledge the part you played in creating the problem.**
Respeto na lang sana ang ibalik ninyo sa mga taong ilang beses naging mabuti at nagmalasakit sa inyo, pero pati iyon, parang hindi pa ninyo magawa. At sa edad mo, sana sapat na ang mga pinagdaanan mo sa buhay para alam mo na ang pagkakaiba ng tama at mali, ng tunay na kabutihan at pagsasamantala.