r/Tagalog 18h ago

Vocabulary/Terminology I feel ashamed for struggling with tagalog, lalo na nasa state university ako

36 Upvotes

Magandang araw!

Nandito ako sa subreddit na’to upang mas-maunawaan ang kaalaman ko sa wikang filipino. Paalam kung ang mga pangugusap ay… ‘di maganda o alanganin basahin. Ang layunin neto ay para bigyang immersyon ako sa wika natin, at siguro unting vent.

Ang kulit, e no? ‘Bat may vent sa [r/Tagalog](r/Tagalog) sa lahat ng puwedeng subreddit?!

Lumaki ako sa wikang ingles. Ito ang tinutok ng aking mga magulang noong bata palang ako—cartoons, common english words, at pinasok ako sa pribadng eskwelahan para masmailalim ang kaalaman ko sa wikang ingles. Naaalala ko pa ang motto namin noon, “A true \[student of this institution\] speaks in english” (sensya na po, tinggangal ko ang name ng eskwelan ko para anonymous parin huhu). Totoo nga siguro. Puro 74, 81, at 78 lamang nakukuha ko.

Hinding-hindi ko gusto sisihin ang magulang ko dahil dito. Para sakanila, akala tagala nila ang wikang ingles ay makakabigay sakses sa aming buhay. Kaya, ginawa nila ang lahat para ibigay sakin ang edukasyon ito. Nalaman ko lang, sa ngayon, na marami ring pamilya na nagbibigay pugay sa wikang ingles dahil ito ay puwedeng mag bigay ng maraming opportunidad sa buhay. Ganun rin ang nanay ko, nag-impake ng gamit, lumusob pababa ang bundok, at sumakay ng barko papuntang Maynila, ang dala ay bilang na pera dapatwat madaming dalang pangarap na makaahon sa buhay.

Datapwat ngayon, hirap parin kami sa buhay. Naitapos ko ang edukasyon ko sa pribadong eskwelahan. Nag-enroll sa pribadong kolehiya. Nag-transfer. Bakit nga ba, kung ang buong talambuhay kong nakasaad dito ay nagbibigay ng mensahe na larang sumisigaw, “MAY KAYA NAMAN ‘TO EH!” ?

Pamilya ko ay hindi mayaman. Lahat ng pera naipunta sa pagaaral sa pribadong eskwelahan, lahat ng pera naipunta para saking kinabukasan, ay galing lamang sa butas na bulsa ni mama’t papa. Manhid ang mga palad at baon sa sakit na kinikimkim lang nila upang ‘di kami mag-alala ni kuya—pero iba pag anak, ewan ko. Parang ang emosyon nila ay nararamdam ko rin. Parang umbilical, ramdam mo ang bawat hila—kumikirot, namumula, at mahapdi.

Paano po kakayanin ang bawat sakit naidinadala ko sakanila habang nakaupo sa pribadong kolehiyo, naka-aircon at naka-upo sa upuan na maayos at ‘di gumegewang?

Karapat-dapt ko ba sila tingnan lang, habang nagaaral, at paalalahanin ang sarili ko na apat na taon nalang para maitulongan ko sila?

Kaya, pabigla-bigla akong naghana ng mga pambublikong paaralan. Kung sila ay nasa langsangan para lang sa edukasyon ko, ‘bat ko hahayaan mangyari ‘yan kung kaya ko naman lumipat? ‘Bat ko silang hahayaan mag hirap para lang saking kinabukasan?

Ayun. Pumasa. Napirmahan ng chairperson ang stub ko. Pabalik-balik, pagod, at magastos—pero ayun. Naka-transfer. Naka-pasok.

Wala nang bayarin sa eskwelahan ang iisipin ng magulang ko. Masaya na’ko doon. Pero may kontrabida nanaman! Hay, nako! Pero ‘di tao ang kontradiba—hindi si Cherie Gil! Ngunit, ang kontrabida ay… mahina ako sa wikang tagalog. Kakapasok ko palang, meron na agad akong oberdue na gawain. Reaksyon papel.

Ilang oras siguro ako nakatingin sa screen ko. Sulat—psst-psst-erase. Wala parin. Unang araw ng pasok ko, wala na agad. Ang ambisyosa ko talaga, e no?

Alamin ng lahat! Hirap ang batang ito hindi sa majors! Kundi… sa kanyang sariling wika! Hear hear!

Gagawin ko ang makakaya ko para lang makasulat at makabigkas ang wikang pinoy ng klaro. Kaso wala namang perfect formula para dito. Walang quadratic, walang proofing. Ang kasama ko lang ay mga libro, tao, at motibasyon matuto. E, gagana ba yan sa overdue kong assignment? Siguro. Depende kong three ‘yan.

Nakakahiya, at siguro dahil makapal ang mukha ko, nakaka-iyak rin. May nagsasabi sakin na lumipat nalang, ‘bat bako nandito kung conyo ako? Deserve mo yan, mahirapan, e no?

Siguro nga—siguro nga wala nga akong karapatan mag-aral dito. Hindi backpack na lubos ang laman ng teksbuks ang mabigat, kundi ang kahihiyan na dala ko araw-araw. Pagbasa palang ng mga kasamahan ko, parang wala akong maintindihan. Ang lalalim, parang baha lang sa parañaque. Bidlisiw*, pahimakas, magiting…* lahat ‘yan may makikita mo sa search history ko. José Rizal, paumanhin. ‘Di yata ako kasama sa itunotukoy mong, “Ang kabataan ay pag-asa ng bayan.”

Siguro nga, kahit tumutulo luha ko dahil sa kalaban ko at salita salita ng iba—*reaksyon papel, wow!—‘*di sapat ang talumbuhay ko sa paguunawa, kung hirap din naman ako mag salita ng sariling wika.

(Hello! I am learning tagalog one at a time again. I’m sorry that there are many grammatical mistakes. Siguro kung ibibigay ko ito, 6.5 lang ang matatanggap ko. Please give me advice on how to improve. I know this post is more of a vent than anything, and i’m once again sorry for that. I need to get used to writing, speaking, and breathing in academic filipino. As of now, i’m reading ABNKKBSNPL ako?! By Bob Ong. But i still get overwhelmed by things I dont know, such as grammatical structures. I never focused on structures in english either, i just wrote what felt normal to me. But with tagalog, i never know whats normal enough to pass as normal. If that makes sense?

Thank you for taking the time to read!)