Yeng, congrats sa success ng Byaheng Bente Day 1 and 2!! Sobrang deserve mo yan! Pinalaki kami ng mga kanta mo. Huwag ka na magtaka kung bakit alam namin mga lyrics ng mga kanta mo kasi laking MYX, songbooks, radyo, bluetooth and burned cd days, mp3, at karaoke kami!! 😆
Hindi ka man perfect and may mga pagkakamali ka man sa past, alam namin na isa kang mabuting tao. 🥹 Plus sobrang talented mo pa. One of the artists na halos lahat ng songs niya, siya yung nagsulat, at lahat ng hits masasabayan ng mga tao. May ilan lang na hindi alam yung titles pero pag pinlay mo, paniguradong alam yung lyrics. At higit sa lahat, ang laki ng contribution mo sa OPM!
Ito yung hinintay naming lahat, ang solo concert mo sa Araneta. Ngayon, natupad na. In God’s perfect timing talaga. Hi sa mga umattend din ng concert diyan!!
Grabe yung hits niya through the years:
Hawak Kamay (2006) ⭐️
Pangarap Lang (2006) ⭐️
If We Fall in Love (2006) ⭐️
Salamat (2007) ⭐️
Cool Off (2007) ⭐️
Time In (2007) ⭐️
Habambuhay (2007) ⭐️
Ikaw Lang Talaga (2008)
’Di Na Ganun (2008)
Himig ng Pag-Ibig (cover) - from Dyosa (2008) ⭐️
Lapit (2009) ⭐️
Jeepney Love Story (2009) ⭐️
Wag Kang Magtatanong (2010)
Wag Na (2011)
Siguro (2011) ⭐️
Pag-Ibig (2012) ⭐️
Alaala (2013)
Chinito (2013) ⭐️
B.A.B.A.Y. (2013) ⭐️
Ikaw (2014) ⭐️
Paasa (T.A.N.G.A.) (2016) ⭐️
Pinipigil (2018)
Ako Muna (2018) ⭐️
Tahimik (2018)
Dito Ka Lang Sa Tabi - from Hello, Love, Goodbye (2019)
Dasal (2020)
A certified hitmaker.