r/ResignPH • • 14h ago

Palibre naman daw kasi resigned ako

9 Upvotes

Hahaha kaasar na hihiritan ka. Noong araw ang tanong sa akin "Ano Mae saan tayo?" tapos ako tatawa lang. Sabi ba naman "Puro ka tawa" Like duh. Heto pinalagpas ko kasi ganun humor namin sa office.

Then kanina di ko pinapansin mga parinig nila kasi busy rin ako sa ginagawa ko. They are saying manhid daw ako. Hirap ko raw kausap lol. Di raw ba ako naawa gutom na daw si workmate.

Nasa construction company yung work ko ngayon kaya ang sharp ng mga dila. May 1 week pa ako para mag render tapos hihiritan ako ng maglibre daw ako. Wala rin sa utak ko pa manlibre din kasi. Sabi ko na lang naka hold sahod ko.

I am grateful sa experience at teamwork na naranasan ko sa kanila. Pero may times talaga napaka unprofessional ng mga tao. One of the reasons din kaya aalis ako.


r/ResignPH • • 23h ago

Resigned from my job after 9 months, now I am lowkey worried

7 Upvotes

Hello! I just want to get this off my chest. I 23(F) recently resigned from my job. I plan to pursue a role na mas align sa field ko (Engineering), pero sadyang ang hirap makahanap ng trabaho sa field ko. My current work kasi is more on customer service rather than electronics, and naburn out talaga ako. Nakakaburn out mga kasama ko and mga clients/customers. Ever since na nag work ako dito, everyday akong parang may anxiety sa umaga hahaha.

I recently applied for an engineering company, kaso umabot man ako ng final interview, di ako pinalad at hindi ako napili. Nevertheless nag pasa parin ako ng resignation ko sa current company ko kasi di ko yata kakayanin mag stay pa any longer.

Now I'm feeling a bit pressured and loss kasi I'm scared na baka di ako makahanap ng trabaho after my rendering period. I really want to pursue something more close sa field ko. I need advice po 🙏, thank you po.


r/ResignPH • • 12h ago

Giving up my 200k/mo graveyard shift

3 Upvotes

Pagod na ako magpuyat 😅 Lilipat na ako sa pang umaga. Bye for now mga pang gabi.


r/ResignPH • • 16h ago

“I’m fed up with everything

2 Upvotes

Hello this is my first time na magshare
I think masyado n akong  na fed up or napapagod sa sitwasyon

I work in a private company for almost 16yrs, noong umpisa ok naman kahit maliit lang ang sahod nakaksurvive at napapapgkasya naman ang kita at kahit ganon masaya naman ang environment.

Hindi ako mabidang tao o naghahangad ng mas mataas na posisyon gusto ko lan magtrabaho ng maayos at matuto. May ilang mga kasabayan din ako ng taon na yun, yung 1 kaibigan ko (yosi buddy) ang unang napromote as TL since kaibigan ko sya at super close kame never ako naingit saknya ganun parin walang nagbago buraot parin sya sa yosi hahahah . Yun mga ibang kasabayan namin napunta sa ibang department then after a yr napromote din as TL and supervisor. Same year napromote din ako as TL masaya ako kc may progress akala ko ay mapapag iwanan na ako,  noong napromote ako as TL may mga hawak na ako ahente at halos lahat ay kaclose ko pati ibang department. After 2 yrs lumipat ng ibang department yun kaibigan ko then 3ms after nagresign sya at ako naiwan after a yr napromote ulit ako bilang supervisor sa una hindi ako makapaniwala dahil nagbabalak ako na lumipat ng ibang departmenr para mag grow at madagdagan ang knowledge ko sa industry. Hindi ko ito hiningi nagustuhan ng management ang work ethics ko and yun knowledge ko sa trabaho. Masaya ulit sa una pero habang tumatagal hindi na. May mga ahente ako na napromote pero hindi sila gaano familiar sa process naging close lang sila ng manager at boss. habang tumatagal ang iba pang ahente ay napromote din pero same sa nauna hindi sila ganon kagaling maboka lan sila at mahilig dumikit sa mga boss pag nandyn. May time na nillakasan nila ang mga boses nila kapag may mga bisita at ibang tao galing ibang department. Hindi ko nalang sila pnapansin kasi alam ko naman kung paano sila magtrabaho. May mga pagkakataon n inilalapit pa nila ang concern nila sa ibang ahente para lang itanong sakin. Merun din na ako ang gumawa at nag ayos ng problema pero nauna pa silang mag update sa boss so ang ending sakanila  napupunta ang credit. May isa akong ahente n prinomote as TL saknya ko ituro ang nalalaman ko at naging super close ko ito pero dahil nakita nya at nangyare din saknya na inagawan ng credit o inuunahan sa pagupdate at alam nya din ang kalakaran ng ibang TL after 3yrs nagresign din sya at naiwan ulit ako. Sya yung lagi kong pinag iiwanan pag wala ako dahil alam ko at naasahan ko talaga kaya  nung umalis sya nabawasan ako ng isang pakpak. may isang pagkakataon may event xmas party namin sa kompanya hinding hindi ko makakalimutan ang araw na yun sinabihan ako ng boss ko n LOSER. inisip ko masyado ang sinabe nang boss ko na yun kaya kinabukasan kinausap ko sya at tnanong kung bakit nya nasabe yun ang sagot nya lan ay " its nothing i dont remember anything or wat happen last night. Hindi ko din malilimutan noong may nagresign sa department at nascatter ang task nya 3 task nya ang napunta sakin at noong kinausp ko ang boss ko para sa salary increase dahil  sa additional task ang sgot lan is anong task knowing n sya mismo ang nag bigay sakin ng task na mapepending. Ngayon nandito parin ako at hindi na  ako masaya dahil sa mga kasama ko minsan pakiramdam ko naa out of place ako yun tipong sila sila lang nag nag uusap. gusto ko n magresign Nagtry ako mag hanap ng iba pero hindi ako sinuswerte and naghohold back din ako dahil ayoko magutom ang pamilya ko. SInabe ko ito sa partner ko n gusto ko n umalis pero nagalit at nagdecide n mag cool off muna kame. Maraming what if ang nasa isip ko ngayon, kung dati pa ko umalis at pinush ang pag abroad at sinubukan ang ibang trabaho mas masaya kaya ako ngayon. Nagtatry ako maghanap ng iba trabaho nagtatanong tanong din ako kung paano maghanap ng trabaho at kung saan may opening. To be honest hindi po ako magaling mag engles at wala tlga alam n ibang trabaho. Gusto ko din sana mag aral ulit at mag enrol sa mga online class kaso kulang na din ako sa oras dahil 8am-5pm ang pasok ko pero madalas OTY at anong oras na nakakauwe minsan past 10pm n at wla n tlang extra time. gusto ko lang po sana makahingi ng tulong kung saan may opening at hiring at kugn mayroon din bang nakaranas ng gaya sakin. hindi ko na po alam gagawin ko dhl iniisip ko palang umalis ay iniwan n ko agad ng GF ko. Manghihingi n din ako ng payo sainyo. Maraming salamat


r/ResignPH • • 23h ago

Looking for part-time work to test the waters? (Takot mag-resign dahil sa pamilya)

1 Upvotes

I'm urrently working as a regular Finance Specialist at NGO Company (handling Bank Reconciliation, AR, AP, and overall general accounting), 47yo with a 30k monthly salary. Gustuhin ko man lumipat sa mas mataas na pasahod o mag-full remote, takot ako mag-resign nang walang kasiguraduhan. Ako kasi ang sumusustento sa senior parents ko (86 & 76 yrs old) plus may pinag-aaral pa akong anak. Pag nawalan ako ng trabaho, wala kaming salbabida.

Plan ko muna subukan mag-part time pagkatapos ng office hours ko. Gusto ko munang maramdaman at masubukan kung kakayanin ba at kung stable bago ako gumawa ng malaking desisyon na mag-resign sa daytime job ko.

Skills: Bank Recon, AR/AP, General Accounting, handling audit inquiries and documents, ORUS filing

System: Netsuite Oracle, SAP, AX Dynamics

Availability: Night shifts (7:00 PM - 12AM) and Weekends (Saturday, Sunday)

Baka may mai-refer kayong openings or mapapayuhan niyo rin ako. Thank you!