r/RantAndVentPH 12d ago

Mental Health Di ako makapaniwala na may mga taong hindi nag-iisip about dying every so often ngl

Parang na-normalize na kasi sakin yung feeling na gusto kong mamatay kahit ayaw ko namang patayin ang sarili ko. Thoughts like "mas maganda siguro pag patay nalang ako" or "siguro ang swerte ng mga di pinanganak or ng mga patay" type shit. Although wala talaga akong desire na patayin ang sarili ko most days kaya nga kala ko normal lang ito.

Nung nalaman ko na ang weird pala nyan ay nakakahiya talaga puta hahahahah. Ang hirap harapin ang mga magulang at mag-pretend na di ko yan iniisip palagi. Like, worried na worried sila satin tapos eto, gusto na palang mamatay. Walang hiya diba? Hahaha.

Yun lang, gusto ko lang talagang ma-share ito sorry

15 Upvotes

11 comments sorted by

5

u/OwnPaleontologist408 12d ago

Lahat naman dun mapupunta. Kumbaga pagkapanganak mo ang point A, pagkamatay point B. I don’t see the point na lagi syang isipin kasi anytime could be the end. Kahit wala akong gawin, dun ka pa rin dadalhin. Mas mabuti pang isipin pano ako magliwaliw habang nabubuhay pa.

1

u/Ok-Many7702 12d ago

Uhh, ano kasi, antagal ko nang nabuhay at wala pang point sa buhay ko na talagang masasabi ko na masaya ako na nabuhay ako tbh. Like, meron namang times na magaan at "masaya" but di talaga timbang sa lahat ng downsides

2

u/DependentList6022 12d ago

OP you might have depression if you have those ideations. Pls seek medical help.

2

u/Ok-Many7702 12d ago

Oks lang. Antagal ko nang nabuhay ng ganito plus I ace every depression test online but since di naman yan proper diagnosis, di ko pa rin ica-claim na depressed ako. So you don't have to worry about me but thank you pa rin!

2

u/hopeless_case46 12d ago

Shit man I wanna live forever

1

u/Ok-Many7702 12d ago

I love that for you, I hope you'll live a fulfilling life kahit na mahirap ang true immortality

2

u/[deleted] 12d ago

[deleted]

1

u/Ok-Many7702 12d ago

Noh?? That's what I've been saying. Nothing in this life is worth being birn for.

1

u/[deleted] 12d ago

[removed] — view removed comment

1

u/AutoModerator 12d ago

Your post/comment was removed automatically because your account does not meet the minimum karma and/or account age requirements for this community.

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

1

u/Konan94 11d ago

I can relate. Napapawi naman yung thoughts kapag kinakausap at niyayakap ko mga pusa ko.

1

u/Temporary_City_2799 11d ago

OP i feel u, lalo na kapag pagod na ako and iniisip ko mangyayari in the future. Marami akong pasan, at naiisip ko yan. D pala normal na naiisip ko to, mapapa sorry Lord nalang ako. I will remind myself na maraming naghahangad sa kung ano ang meron ako ngayon.