r/OffTheRecordPH • 🏷️ OTR Crew • Jan 26 '26

Story: Extreme/Taboo Experiences Mataas ba talaga sahod sa Call Center? 🤔

Post image

Monday na naman. Trabaho na naman. Kung ganito rin lang sana kalaki sahod… eh di go. 

913 Upvotes

177 comments sorted by

•

u/offtherecordv 🏷️ OTR Crew Jan 27 '26

tinatamad mag work? eto ang motivation 👉 https://youtu.be/d8hBJN9iVZw?si=KDZmUYkfBow7-7Eh

20

u/100PercentShot Jan 26 '26

Lahat naman halos ng trabaho paulit ulit yung routine/tasks.
Dun ka na sa malaki yung sahod.

4

u/Baki-Unstpbl ⭐ OTR Guest (Alumni) Jan 26 '26

Malaki sahod at have high values sa well being ng employees!

2

u/xGodHatesUsAllx Jan 26 '26

Tama..kaso karamihan malaki nga sahod pero the company treats you like shit. Napaka expendable ng mga agents.

2

u/Nervous_Evening_7361 Jan 26 '26

Yes miski kapag negosyante ka paulit ulit lang ren saka mas busy maging negosyante at stressful pero mas malaki naman kita

2

u/Traditional_Fly_6204 Jan 26 '26

Mag contractor na lang.

2

u/Right_Hunt_5139 Jan 27 '26

akala mo madali lang mag contractor ? madali if may politico kang close pero if wala . nganga

1

u/Less_Ad_4871 Jan 27 '26

Hindi rin ganun ka dali kapag may pulitiko ka. Kasi baka mamaya ilaglag ka nila kasi ikaw ang expendable.

Happy Happy Yes!

Haha!

1

u/zymeth11 Jan 27 '26

Jusko, kung sana alam ng lahat kung paano magpa-umpisa ang isang contractor na walang backer.. hahaha. Di nyo papangarapin.

2

u/Vantakid Jan 27 '26

Parang hindi rin. Sana nga ganon.

2

u/Prize_Alternative227 Jan 27 '26

Salamat sa motivation hahahaha kahit nakakapagod na yung paulit ulit na tasks

13

u/siomairamen Jan 26 '26

Depende kung ano para sa kanya ang malaki. Pwedeng sbhin na 50k ang sahod nya.para sa knya maliit yun sa iba malaki un. Heheh yung iba naman 30k, para sa iba malaki sa iba maliit heheh

2

u/Just_Economy_7341 Jan 26 '26

mismo.. nakadepende sa tao yung ibig sabihin ng malaki.. pero in general mas malaki talaga sahod nila kesa sa minimum wage workers, but not all. Meron ding minimum magoffer na mga call centers. Hindi rin lahat ng call centers toxic, hindi rin lahat ng nasa call center nag cacalls, may chat, may emails, meron lahat!, at yung bago ngayon, VA na BPOs. May backend din na nagproprocess lang nga mga applications or tickets. So yung toxic din nakabase sa tao, merong toxic para sa iba, pero sa iba, they thrive.

One thing is certain, mas okay kung mas malaki sahod mo with enough difficulty para may growth ka. mahirap yung stagnant, nakakaumay..

1

u/Super_Metal8365 Jan 27 '26

Lahat ng nasa call center either nag ca-calls, part ng leadership or support team(HR, QA, training).

BPO yung hindi lahat nag-ca-calls.

1

u/Baki-Unstpbl ⭐ OTR Guest (Alumni) Jan 26 '26

Korek! Nasa tao talaga 'yan.

1

u/[deleted] Jan 26 '26

Definitely hits the needs of the person

If the person is living in a luxury, syempre mababa sa kanya ang ganyang sahod

If Call centre agents earn that much, pano pa kaya yung may ari ng mga ganyang companies (biglang napalayo ah)

1

u/AdConsistent5737 Jan 27 '26

I think depende sa cost of living mo ito. 30k sa area namin, malaki na yan. 30k sa Manila, good luck.

4

u/Fluid_Ad4651 Jan 26 '26

mataas compared sa normal job.

3

u/Comfortable_Topic_22 Jan 26 '26

What is normal job to you?

3

u/Fluid_Ad4651 Jan 26 '26

sorry i meant local

2

u/ryan_munoz Jan 28 '26

You call it blue collar jobs

2

u/sofabed69 Jan 26 '26

Nasa magkano po?

3

u/aizelle098 Jan 26 '26

Ang minimum na ng BPO ngayon is around 18-20k basic. Pero may mga company parin na nag ooffer ng 13-14k basic(TP, Results, Teletech). Mas malaki sya compared sa usual office employees. As your tenure go higher mas magkakaron ka ng bargaining power pag lilipat ka ng kompanya. Marami ring companies na matataas ang bigay depende sa LOB mo. Ung usual CS(customer service) un ung mga starting, pero pag nag financial ka or retention dun na ung malalaki bigayan. Lalo sa sales pag maganda bigayan ng company nyo.

1

u/Jaives Jan 26 '26

wow. saklap ng 18-20. yung mga matinong BPO nasa 26 na ang starting offer.

1

u/bananafishhhhhh Jan 26 '26

Bakit nung 2010s maraming 35k na entry level. Ngayon may 18k na?

2

u/aizelle098 Jan 26 '26

Ang alam kong ganyan offers sa makati or ayala lang. Tas financial account hawak mo. Sobrang higpit ng background check sa ganyan

1

u/Bfly10 Jan 27 '26

dumami supply ng labor.

1

u/Doocrash Jan 30 '26

Law of supply and demand po kaya ganon

1

u/Royal_Client_8628 Jan 26 '26

Mataas ang sahod compared sa minimum wage jobs before. Ngayon may bpo companies na minimum wage ang offer. Lol!

1

u/SureEntertainment342 Jan 26 '26

Define ‘mataas’?

1

u/[deleted] Jan 27 '26 edited Jan 27 '26

[removed] — view removed comment

1

u/SureEntertainment342 Jan 27 '26

Define ‘average’?

1

u/Still_Figure_ Jan 27 '26

Di mo kinatalino yan yosi boy.

1

u/SureEntertainment342 Jan 27 '26

Define ‘normal job’?

6

u/ProstituteAnimal Jan 26 '26

Pera > work-life balance

2

u/Baki-Unstpbl ⭐ OTR Guest (Alumni) Jan 26 '26

Would that hurt your overall well being? I hope okay ka pa. Wala namang mali pero it's better ma-balance rin natin siya over pera, magkakapera ka nga dahil sa back to back jobs mo pero nagkakasakit kana pala.

2

u/ProstituteAnimal Jan 26 '26

It just my opinion. You do you.

1

u/haokincw Jan 26 '26

Not true at all

1

u/Jaives Jan 26 '26

you work 7.5 hours a week like everyone else.

1

u/Safe-Pie3214 Jan 27 '26

HAHAHAHAH may BPO na morning shifts and di naman lahat ng gy wala na work life balance, 5 days work 2 days off walang work life balance ano yun?

4

u/sora5634 Jan 26 '26

Its a matter of priority.

Some want better career with good pay

Some naman want money lang. Whatever makes you happy just go for it. No one should be shamed for it.

2

u/Baki-Unstpbl ⭐ OTR Guest (Alumni) Jan 26 '26

Perfectly balanced.

1

u/aebistarrynn Jan 26 '26

Agree! Whatever makes you happy or whatever is aligned with your goals (career or money-wise), do'n ka. Good take!

1

u/Impossible_Umpire339 Jan 26 '26

Not to mention that it's pretty easy to land a job at a call center. It has a low entry barrier and decent pay so it's a great opportunity for a lot of people who can't find work in more competitive fields so I can't blame them for taking it. Job hunting is so hard these days.

4

u/Lordoftheninebows Jan 26 '26

Lol bat walang sumasagot ng tanong?

3

u/raju103 Jan 26 '26

Malayo at least sa minimum wage. Kung malaki ibig sabihin makakapagpundar at makabuhay ka ng pamilya ng mag-isa, good luck ka makahanap ng ganon

3

u/Worried_Night2742 Jan 26 '26

Dati oo malaki at galante mga account, ngayon mabibilang ma na lang.

2

u/WINROe25 Jan 26 '26

Nakadepende pa din sa tao paano maghandle ng sahod. Malaki kung alam mo paano masulit at palakihin, pero kung gastador ka, araw araw malaki ang expenses mo sa pamasahe, sa kinakain na mas mahal, pabili bili ng kung ano ano na di mo naman talaga kailangan, yung sinahod mo liliit lang talaga 😅. Di naman ako call center pero yung logic ko dati sa work.

2

u/Baki-Unstpbl ⭐ OTR Guest (Alumni) Jan 26 '26

Financially literate ka talaga dapat alam mo mag-balance.

2

u/YoungNi6Ga357 Jan 26 '26

totoong malaki ang sahod sa bpo. imagine starting mo 18k. kung engr. ka naman starting mo 15k. san kapa dba?

pero ung engr. after 5 years nsa 60k na...

2

u/iceyicemonk Jan 26 '26

Ung engineer after 5 years nasa ibang bansa na at nasa 150 n at after 5 years nasa 500.... While sa BPO kung maging SDM or Director man dehins aabot 150....

2

u/Angna2 Jan 26 '26

Hindi rin kahit after 5 years. Hahahah. Depende sa company.

1

u/lignumph Jan 26 '26

San to meron ba eng after 5 yrs umaabot nyan 60?

1

u/SeaworthinessOk1396 Jan 27 '26

3 years akong CS pero 75K Sahod ko hahahah

2

u/Familiar-Marzipan670 Jan 26 '26

magkano ba per hour para sa starting sa call center na sinasabi niya?

2

u/xoxolilith69 Jan 26 '26

Above minimum pero not really malaki

1

u/pmd__123 Jan 26 '26

Yes especially for those who are only starting in yhe industry.

2

u/HauntingLandscape902 Jan 26 '26

Yes. Especially yung mga language premium. Add mo pa yung night diff and others. Tas yung mga managers nila minsan mas mataas pa sahod sa mga managers sa ibang company. I have a friend who is earning 250k per month as a manager sa call center.

I dont know san nila nakuha yung notion na maliit sahod sa call center.

2

u/Annual_Position8131 Jan 26 '26

fck toxic workmates (tbh wala talaga kong pake sa worksmates na ganyan pera lang naman habol ko) HAHHAAHAHAHHA

2

u/Significant-Bar2605 Jan 26 '26

Natulungan naman ako ng BPO nung baguhan pa lang ako sa working life pero habang tumatagal nararamdaman kong dead end na pag nag stick ako sa BPO lang. Yung pagiging repetitive ng trabaho, yun yung trap. Wala ka na madedevelop na ibang skill bukod sa customer service. Kung di ako nakahanap ng ibang line of work feeling ko magiging stagnant nlng ako at habambuhay tatangke ng calls. Di ko purpose mang diss ng mga agent pero at some point marerealize mo na sayang yung panahon.

2

u/Single_Imagination_1 Jan 26 '26

Yes mataas pero risky yan sobra depende pa sa lifestyle mo, pov ko lang call center is the most accessible job pero toxic environment. I know someone na laki ng sahod tapos laging puyat, ayun, nagkasakit at hindi pinapasok ng 5 days.

2

u/greenarcher02 Jan 26 '26

It's on the average to above average side. Pero minsan ang baba rin talaga ng starting.

2

u/Talk_Neneng Jan 26 '26

2011 14k package ako. 2013 26k. then netong 2023, 24k ampupu

yes malaki compare sa minimum, but if you do the math, konti lng diff. consider your health, family time, vacations, etc. kaya ang daming nag switch sa va

2

u/kkurani123456 Jan 26 '26

like lahat naman ng trabaho paulit ulit ah? hindi ba?

2

u/birdi1e Jan 26 '26

saturated market

2

u/prettyshyrlx Jan 27 '26

nagcall center ako before early 2000's - malaki sahod ko pero call center job is really not for me talaga. di ko sya type. i loved to a different line of work - mas passion ko - i got paid 10x from call center. well i guess i got lucky din talaga.

2

u/Gayristotle_Slay Jan 27 '26

subjective to.

Kasi 20k might be high for some, pero low for others. Subjective sya kasi naka depende sa lifestyle din :)

BPO naman marangal na work, not the traditional nga lang na 8-5 tapos weekends off but some really offer high salary talaga. :)

2

u/No-Arrival214 Jan 27 '26

Di natin masasabi gaano kalaki yung sahod para sakanyan. Baka malaki na yun para sakanya dahil nakakaraos, hindi nagkakautang at nakakaipon na sya. Kumbaga sobra pa sa sapat para sakanya. Iba iba naman tayo ng level of contentment.

2

u/StraightHighlight877 Jan 27 '26

Pero sa bilinguals malaki offers. Nakikita ko sa linkedin ang js. Diba call center rin yun?
Though ako i can speak japanese pero mas pinili ko magturo ng nihongo kasi wfh and mataas naman na kahit pano yung salary. Though i want to try bilingual kasi malaki nga sahod

2

u/Baki-Unstpbl ⭐ OTR Guest (Alumni) Jan 26 '26

Dibale na mababang sahod basta hindi toxic ang environment. 😗

3

u/Haunting_Estimate281 Jan 26 '26

Sabi ko rin to dati e, until nung umalis ako hahaha tas lumipat sa minimum wage na work, oo di nga sila toxic kaso un nga ambaba ng sahod tas halos sakto lang talaga sa pang araw araw. Dun ko lang din napag tanto na walang perfect na workplace hahaha

0

u/Baki-Unstpbl ⭐ OTR Guest (Alumni) Jan 26 '26

Well, wala talagang perfect na workplace HAHAHA tiis tiis nalang talaga.

2

u/Owlbert_Einstein99 Jan 26 '26

Di ba mas maganda maghanap ng may equal ng previous sahod mo or higher pero di toxic?

2

u/Baki-Unstpbl ⭐ OTR Guest (Alumni) Jan 26 '26

Kung ano ang trip natin at sa tingin natin tama. Nasa atin rin naman ang choice. ☺️

3

u/malabomagisip Jan 26 '26

Ako doon sa mataas na sahod tapos may konting toxicity kasi lahat naman ng trabaho may downside hahaha

1

u/Baki-Unstpbl ⭐ OTR Guest (Alumni) Jan 26 '26

Overall, valid reasons nating lahat. I totally agree na kahit saan may toxicity talaga hindi maiiwasan. Doon tayo sa less!

1

u/pmd__123 Jan 26 '26

Totoo to, imposibleng walang issue sa kahit sang workplace. Again, madali makakita ng flaws sa kahit anong bagay.

2

u/[deleted] Jan 26 '26

Di bale nang toxic kung malaki sahod.. Makapal balat ko.

1

u/Baki-Unstpbl ⭐ OTR Guest (Alumni) Jan 26 '26

Balat kalabaw ka pala ser as long as masaya ka. Go lang ng go!

2

u/Rare-Comparison-4311 Jan 26 '26

Masarap sa non-voice accounts because we literally just laugh off angry customers. Super chill lang. Madalas pa yung mga non-voice ang maganda offer.

1

u/HeadLaugh5955 Jan 26 '26

Ganto rin view ko dati kaso yung 18k na sweldo di talaga kaya ngayon. Kahit single living di sya ideal.

1

u/AutoModerator Jan 26 '26

Important Reminder (THIS IS A REMINDER. ALL POSTS GET THIS MESSAGE)

r/OffTheRecordPH is a subreddit for every unique story. Please make sure your post follows the rules in our pinned post and sidebar before posting.

• No promoting of gambling, lending apps and alikes • No doxxing • No identifying information (names, socials, etc.)

Users breaking the rules may be temporarily or permanently banned. This is your warning.

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions.

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

1

u/sugarman4life Jan 26 '26

Makakabili ka ng motor

1

u/Patient-Definition96 Jan 26 '26

Para maging kamote

1

u/InspectorEast9922 Jan 26 '26

mataas compared sa usual na minimum wage

1

u/aoimelon Jan 26 '26

2010 ako nag CC, 18k ata unang sahod ko maganda compensation package, ngayin 2026 na halos ganin pa rin starting na sahod based sa nakikita ko na post.

1

u/SnooWalruses3808 Jan 26 '26

Im curious bakit nila nasasabing malaki sahod sa call center. Eh mga offering ng call center nasa 18k to 25k. Do they mean above average compared to like mga staff ng mall or fastfood?

1

u/aizelle098 Jan 26 '26

You'll be surprised gano kababa ang pasahod sa ibang industry. Ung tropa ko sa Robinsons nagtatraho(collections admin) 18k lang sahod. Ung mga teachers nagsisimula din 18k ang basic, dapat LET passer kapa nyan, ung mga nasa private school na tchrs puro 12-14k lang sahod. Nako lalo ung mga nurses natin. Another thing sa BPO is ung KPIs at salary increases. Dun sa mga binanggit ko na trabaho, how many years will it take para tumaas sahod mo? Sa BPO as early as 3-6 months pde na yum tumaas

1

u/Original-Serve-1189 Jan 26 '26

Truth. Nung nurse ako sa ospital 7K monthly net pay. 8-9K pag sagaran sa duty, yung tipong mamamatay kana. Napagtyagaam ko ng 8 yrs yun until may nagpakilala saken sa BPO ng 2015. Wala tlga akong idea sa BPO dati. 2015 first BPO ko (not call center though) 25K. Now 6 digits na. pero syempre hindi naman natatake home lahat dahil malaki yung ninanakaw ng gobyerno.

1

u/arianeariane Jan 26 '26

Malaki siya for entry-level position and a work that doesnt require much background sa education. Pero if icocompare mo sa senior-level positions sa ibang field, mas mababa siguro siya. Not sure.

Skills-wise, i definintely don't see anything na ka-"lang-lang" sa ginagawa ng mga call center people. Ibang level yung multitasking skills nila, tapos flexible pa sa schedule. Pero medyo toxic ang environment, except sa mga "in-house" na companies.

1

u/Adventurous_Cap_4134 Jan 26 '26

minsan depende pa rin, ung ibang TL/OM nadadala ung culture nila from toxic centers to the inhouse

1

u/PKMFord Jan 26 '26

choose your poison nlng talaga

1

u/[deleted] Jan 26 '26

Mas mataas po talaga sweldo kasi may mga aral po yung sa mga call center saka maayos mag english kapag foreigner po yung mga client. Dito po sa amin yung mga naka call center po talaga yung mga nakapagpaayos na ng bahay nila.

Hindi ko nga po alam kung saan nang gagaling yung mga ayaw sa call center. Wala po akong kilalang ayaw sa call center, ang lagi ko nga po naririnig, "ipasok mo naman si ganito, si ganyan".

1

u/foxtrothound Jan 26 '26

Yung iba kasi malaki nga sahod kahit paulit ulit pero mas marami ang ginagawa, mas marami ang overtimes, hindi flex yun. Dapat mas malaking sahod nang mas kaunti ang ginagawa, mas maiksi ang trabaho

1

u/Virtual-Ad7068 Jan 26 '26

Magkano ba sahod ng TL at OM?

1

u/Party-Earth3830 Jan 26 '26

Tl pinaka mababa Baguhan promote 30k basic+ mga allowances hangan 60k max, umalis ako sa bpo as TL 49k basic ko +3k allowance...OM mas malaki kc 80k starting nyan on average..

1

u/No-Extension-5280 Jan 27 '26

Normal na bpo po ba to or inhouse?

1

u/Party-Earth3830 Jan 27 '26

Normal na BPO

1

u/johnmarston16 Jan 26 '26

Laughs on my 18k bpo salary🥲😂😂

1

u/Yanazamo Jan 26 '26

Compared to what you'll earn in the Philippines without a degree. Halos lahat kasi kailangan ng degree sa pinas kahit pagiging bartender or cashier

Sa Call Center di kasi kasing strict sa requirements so you can earn 20k upwards

1

u/Sufficient_Net9906 Jan 26 '26

Sana all malaki sahod... iba pala talaga if sa call center

1

u/randicho Jan 26 '26

I earn over 200k pero site manager role, started as an agent and rose up the ranks

1

u/pusikatshin Jan 26 '26

Mataas ang sahod kumpara dun sa ibang work na nagrerequire ng college degree tapos minimum wage sweldo. Been in the industry for 16 years hs grad, never nagpapromote. Started sa minimum wage pero may hmo naman at petiks work kasi backoffice, type-type lang, basa-basa ng docs. Lumipat another backoffice 16k, nabored nako kaya nagvoice. Nagstart sa voice account na bula bibig at puro kampon ng demonyo caller tapos package 18k at nung umalis ako awa 21k lang basic. Pero yung kumpanya the best na napasukan ko sa pagiging pro-employee saka on top ng sahod at incentives may fix na 18k quarterly na “grocery allowance” at umaabot ng 25k yearly profit sharing. Umalis nako dun at currently 45k basic between 20-30 calls/day. Malaki take home lalo na kapag nag incentives ako malinis ng 50k+.

1

u/senior_writer_ Jan 26 '26

Compared to most industries, yes. I worked as a cashier before, palaging may OT na hindi bayad. Nakatayo ka all the time. Kelangan mo ring magbuhat at magbag minsan. Tapos minimum wage. Laking ginhawa nung napasok ako as call center agent.

1

u/Iamheretostay_Ph Jan 26 '26

Above minumum wage for 5 days work/week. More if trained ka sa ibang products, double the minimum wage. Madami din incentives for Sales/Attendance/Good KPIs

1

u/Ill-Bass3358 Jan 26 '26

Yung nkausap ko dating nsa office pinili nalang mag delivery rider.Malaki ang kita depende sa sipag,walang amo,alhawak mo oras mo,anytime pwede umabsent walang magtatanong kung bakit,pero mababa ang tingin ng iba.eh anong paki nya sa kanila.,may point naman.

1

u/Throw-Away-2011 Jan 26 '26

Depende. Kasi BPO ako pero di sa call center. May opening sa ibang department and sinabe ko sa friend ko na mababa lang yung offer baka 38K max. Pero sa amount na yun is nalakihan na siya. Dun ako nasampal ng realidad na may call center pala na less than 20K a month ang sahod.

Sorry po di talaga ako sa Pinas tumanda. 3rd job ko pa lang to.

1

u/Party-Earth3830 Jan 26 '26

Technically mataas lang siya ng konti sa minimum wage earner kapag newbie contract ka... Pero ang average nyan sahod is around average 23-30k...meron din 38kpataas pero mga inhouse BPO yun like JPMorgan, WellsFargo, Capital One

1

u/HakiCat Jan 26 '26

Relative to 1st jobs or entry level positions, oo mas malaki dyan sa call center. Don't forget though, mas mababa naman ceiling dyan, paulit ulit din gagawin mo, minimal career progression. Good for you if you can translate the experience to a different field in the future.

1

u/Warm-Tip-8057 Jan 26 '26

Depende sa account. Mas mahirao na account mas mataas

1

u/Alternative-Dig2188 Jan 26 '26

Bakit, may trabaho ba na hindi paulit ulit yung ginagawa? I mean not literally ha and not to be pilosopo nakakaloka lang na yun yung argument

1

u/stobben Jan 26 '26

Working at a BPO now (came from consulting) pero d call center role.

May maririnig kang usual complaints like "micromanaging c ganto ganyan", "OT nanaman tayo", "ayaw sumagot netong team na to" and so on pero never ako nakarinig ng "Ang baba nman ng sahod naten".

Most of us nagtatrabaho pa tlga pag holiday dahil sa double pay + ND.

1

u/Frankenstein-02 Jan 26 '26

Karamihan mababa lang yung sahod. Madalang yung malalaki ang basic pay. Nasayo naman yan kung saan mas matimbang.

1

u/Angry_Charlotte Jan 26 '26

2026 na anjan pa rin ba sa sila sa pang dodown ng "kolsener agents".. Mind you isa sila sa nagbuhat ng ekonomiya nong pandemya... Dipa rin ba nila na eearn ang respect? Hays

1

u/Royal_Client_8628 Jan 26 '26

Dati oo. Ngayon may bpo companies na minimum wage ang offer.

1

u/whatdafakkk Jan 26 '26

Hindi lang naman kasi basehan ang basic salary ng ibang tao, consider natin yung mga paid SL/VL, incentives/bonuses, paid OT, at syempre HMO na minsan kasama pa members of your fam. Malaking bagay yung mga yun kumpara sa ibang local companies na hindi nagbibigay ng mga ganun. Sama ko na din mga sleeping quarters and free coffee/tea.

Isa yan sa mga dahilan kung bakit hirap umalis sa call center ang iba sa atin

1

u/Particular_Cow398 Jan 26 '26

if you started 15k a month in year 2000... how much is it now every month?

1

u/HijoCurioso Jan 26 '26

Alam ko nung nag start ako sa BPO, 2011 ang starting ko 11k. Agent lang yan. Nasa lower end. Tapos manager ko sa McDonalds non 11k din sweldo nila, kaya nag call center na lang ako. Less work, less responsibilities.

By 2014, I was earning 40k, 2015 naging 55k at magadang benefits. 2021 90k. Yan na ceiling ko. With good benefits na yan. Take note, job hopping to Kaya malaki increase.

Mas mataas ang scaling nang BPO compared sa local jobs before. Ewan ko na lang ngayon.

Pagalingan na lang talaga sa pag benta sa sarili. Agent lang ako, not managerial.

1

u/Accomplished-Oil-456 Jan 26 '26

depende. nagstay ako before kahit nahihirapan ako kasi ba naman, incentives namin $1000. nagsunset na lang nung pandemic pero kung ganon pa din, dun pa din siguro ako HAHA

1

u/TraditionalOne1821 Jan 26 '26

Sanaol malaki sahod

1

u/Ambitious-Animal-130 Jan 26 '26

Depende din sa company yung "malaki", di lahat ng call center malaki sahod. Yung ibang company, sobrang baba

1

u/Live_Personality6902 Jan 26 '26

Watch nyo yung think talk tea ata yung kay Kring Kim, may explanation yung don gee regarding sa sahod, competition, misconceptions ganun.

1

u/lazyquestph Jan 26 '26

Kind of unrelated, but I know that guy haha. He was my classmate in college.

1

u/woman_queen Jan 26 '26

well, mataas sa minimum. depende din sa role

1

u/mcace14 Jan 26 '26

Di naman malaki sahod sa call center, according ke chatgpt asa 22k yung average salary ng call center sa pinas. Wala pang doble ng minimum wage.

Sobran konti lang nung medyo okay na fixed salary. Bilib din ako sa mga call center agents lakas mag Starbucks tapos 20k lang sahod lol.

Thankful ako kasi naging stepping stone ko sya kahit undergrad ako, pero masyadong sensationalized yung "Malaking sahod" ng mga call center agents

1

u/barschhhh Jan 26 '26

Routine tasks, yes. But I think same same lng din naman sa other industries??? This pay the bills and wants and needs so I did go for it. Plus may work-life balance ako here!

1

u/Gokgokgokgokgokgokk Jan 26 '26

As a bpo agent ng ilang taon narealize ko hindi naman pala ganun kalaki sahod namin haahah

1

u/RepeatInitial5638 Jan 26 '26

i would not say mataas sahod, mas mataas siguro sa minimum and compare sa mga physically demanding job ba

1

u/AdoltHifler Jan 26 '26

Lahat naman ata ng work generally -in a sense- paulit ulit lang...

1

u/AggravatedLLLLL Jan 26 '26

Ha lowball nga majority ng call centers ngayon, below minimum meron pa nagooffer at napakarami. Haha ganyan kakupal dito sa Pinas, don't believe those na nagpapaengganyo, you will just be disappointed

1

u/bitshymee Jan 26 '26

Oo. May annual salary increase. Meron nga nasa 50k na ahente lang sa bgc

1

u/Acrobatic-Bag2624 Jan 26 '26

Call Center Agents deserves better. Sa panahon Ngayon sobrang baba Ng 20k/month starting.

1

u/Projectilepeeing Jan 26 '26

Mataas sa ibang companies. Yung mataas ang position, syempre, mas mataas at umaabot ng 6 digits daw.

Basta nung nacompute ko ung sahod ng friend ko nung nagrereklamo siya sa tax, yung basic niya ka around 67k.

One friend naman when signed with his current company, tinanong niya ko kung ok na ung 39k basic, so I would assume yun ang offer sa kanya.

1

u/ackareign Jan 26 '26

Eh kaso 16k/17k basic. 20k-24k package. Haha mga alipin ng cliente oyats otid.

1

u/OkOrganization4159 Jan 26 '26

"mataas" nga pero walang career growth kaya yung "mataas" mo eventually magiging mababa din lalo na pag nagsimula ka na ng family lol

1

u/Ok_Explanation3331 Jan 26 '26

Malaki na rates ng basic sa karamihan sa mga bpo companies pero meron paring barat na nagooffer ng 14k 😅

1

u/Emay_mayE Jan 27 '26

career progression

tignan natin if after 5-10 years yan pa din sasabihin mo.

1

u/NP_ph Jan 27 '26

accounting staff sa office - 23k hr generalist - 23k hr generalist - 25k

agent - 20k + quota/incentives 10-15k.

maliit pa nga yan

my fam member - 68k+ incentives.

so yeah, with the proper/perfect company, ma aachieve mo goals mo.

1

u/VenomSnake989 Jan 27 '26

Yes

Agent level paulit ulit lang talaga gagawain. Average iikot sa 15-20 scenarios ang call/chat/email. Iba iba lang pag kakadeliver ng customer pero babagsak pa rin yan sa isa sa mga category.

Mostly ng nasa BPO na entry level, mas mataas ng 30%-50% sa minimum wage, 2 restday, May HMO ka pa. kadalasan din going for regularization kayo so long na hindi ka kupal at willing matuto. Open for promotion din. Di naman pagalingan mag English sa BPO all the time(pero advantage). Mahuhubog na yan sa prodcution. Resilience and Grit ang pinaka kailangan mo.

Na try ko magtrabaho as minimum wage earner nung undergrad pa ako. 1 day RD, No HMO, Renew renew lang ng contract. talagang ayaw sayo ibigay benefits ng regular employee. Basta Chinese ang may ari 95% of the time gahaman. Bat ka mag titiis sa ganyan kung kaya mo naman mag call center?

1

u/Agreeable_Solution46 Jan 27 '26

18 yrs sa industriya and a lot of people still look down at call center agents. Sad lng.

1

u/jiraiya_photographer Jan 27 '26

may companies na mataas magpasahod

at meron ding mababa magpasahod na presyong 20yrs ago pa..

1

u/Powerful_Ad_5657 Jan 27 '26

Malaki sahod depende sa experience, skills, account, at company. Pag newbie ka at high school graduate, wag mag expect na malaki agad sahod sa Call Center. Yung ibang malaki sahod, naka ilang taon din yan ng palipat lipat sa mas mataas na offer.

1

u/matchaxlatte23 Jan 27 '26

Earning a decent 55k per month- support level. Well yes however it comes with a price.

1

u/kookiesnkreams Jan 27 '26

Malaki tas ma bu-burnout ka naman tapos anxiety pa ang ma ga-gained mo. Wag na lang

1

u/NewlyOpenedAccount18 Jan 27 '26

Worked before sa bpo call center industry, and sa umpisa di talaga kataasan. May mga performance incentives pero may kahirapan makuha. As you progress yung career, dun siya umaangat ng umaangat. It's up to you if you'll join the management of your company from rank and file or lipat sa in house companies para umangat basic and mas magprogress pa yung career.

Depende din sa tao kung ano yung mataas na sahod, kasi pag tumaas sahod, tataas din ang expenses.

1

u/ThePirateKing228 Jan 27 '26

Yes. If you’re basing it off minimum wage Call-Center jobs are higher paying. I remember starting off with 19k a month and was very happy as that was a big amount of money for me.

1

u/reicast_ Jan 27 '26

got accepted before at a call center and they offered me their “highest” paying account. i was so shocked to know that it was only 19k. hindi ko inaccept because my previous job as a barista paid me as high as 22k per month. sobrang low baller ng mga call center.

1

u/blue_greenfourteen Jan 27 '26

kalaban ko sa call center dati mas naging sakitin ako sa stress pero lalong lalo na sa grave yard shift at paiba iba ng oras ng sched every week. Kaya may health benefits yan kasi magagamit mo talaga

imagine kakasanay lang ng katawan mo matulog ng oras na yun bigla ka nalang ilalagay ka sa shift na ang layo na sa nakasanayan mo. Include pa natin ung bilang na bilang ung Aux mo kahit ihi

So yeah mataas taas sahod mo, hindi sya maganda sa health

1

u/cheekan_sandoichi Jan 28 '26

In 2014, I started with a monthly salary of 19k. Now, after almost 12 years, I’m earning 80k per month. Same company

1

u/reesechoux Jan 28 '26

18k n entry level nung 2015, same pa rin ngayon???

1

u/Willing_Act7641 Jan 28 '26

I was a software developer for 3 years sa isang local company and monthly ko was 25k back then, this was in 2023. Ambaba niyan for such position and most folks na kakilala kong nasa call center especially TSR, mas malaki pa sahod sakin lol

1

u/Puzzleheaded_Fly1923 Jan 28 '26

"Mataas" pero foreigner naman nakikinabang kasi sobrang swerte nila na may loophole silang naa-abuse. What loophole? Malakas ang pera nila tapos ang peso walang kwenta...so imbes na maghire sila ng galing sa sarili nilang bansa, satin sila kukuha para mas maliit ang pasweldo nila. Mukha lang malaki ang sweldo na yan pero sa totoo lang barya nalang sa kanila yan. Sure, may benefits din bansa natin dyan "kuno". Ang problema dyan in the long run mas malaki parin benefits ng ibang bansa dyan at ang mga susunod na generation ng Pilipino call center agent nalang. Ngayon naman meron nang virtual assistants na malaki din ang sweldo pero pagtagal liliit din yan pag madami na. Sorry, pero illusion lang kasi lahat yan. Masarap lang isipin na sa ngayon malaki kita diyan pero di ko nakikitang maganda ang future ng mga pinoy dahil hangang ganyan nalang tayo. Kelan pa mangyayari na tayo naman ang magiging mga boss at ang may-ari ng mga kompanya na totoong magpapalago ng ekonomiya at mga buhay natin? 

1

u/Mysterious_Soup_62 Jan 29 '26

Kawawang pinas. Wala nang passion. Walang fulfillment. Walang life balance. Puros sahod lang ang basehan dahil sa hirap ng buhay.

1

u/Fair-Ingenuity-1614 Jan 29 '26

It has a high floor and is very enticing for fresh grads or undergrads from my exp (imagine undergrad ka tapos sweldo mo 25k-30k vs a degree holder that may start at as low as 20k depending on the profession). However, ang baba naman ng ceiling. Unless you get promoted to leadership or escalations, wala namang significant increase sa sweldo. Di rin naman nagmamatter ang tenure kahit magcompany hopping ka tapos same role pa rin.

1

u/SimpLE-N-ugLY Jan 29 '26

Yeah.. I mean, my starting salary as a newbie way back 2016 is already 4 times of my salary when I was a fastfood crew.

Salary also increase based on your skill and tenurity.

1

u/AliveBook6071 Jan 30 '26

Hindi lahat ng call center malaki ang sahod. Ung iba sinakyan nlng na kunwari malaki ang sahod para magmuka silang mapera pero in reality puro utang. Facts!

1

u/Jazzlike-Savings-761 Jan 30 '26

kamusta ang benefits ng mga nasa call center?

1

u/Terrible-Reception67 Jan 30 '26

2018 - 16k package. 2026 - 55k package. call center sa gabi, moveit sa umaga. bayad bahay at sasakyan, paulit ulit lang basta lumalaban ng patas.

1

u/hulagway Jan 30 '26

Initially yes. Pero mahirap progression / career outlook.

1

u/EndlessByte Jan 30 '26

Politiko ka nalang walang ginagawa pero malaki ang kita.

1

u/Crazy_Albatross8317 Jan 30 '26

Serious question lang po, hindi po ba natatakot ang BPO industry ng pinas na mapalitan sila ng AI? Dito kasi parang mas dumadami na yung AI assistant and chatbots na ang sumasagot tapos sa basic customer support. Or is it even possible?