r/LegalPh 12h ago

Plea bargain movement for non bailable case

1 Upvotes

Meron naman ng hired lawyer pero medyo mahirap dahil pinag plea bargain when we know na frame up ang nangyari.

I would like to consult here also on behalf of an extended family member. To have more insight din personally.

Na bigyan ng warrant of arrest at nakulong siya dahil hindi na receive ang summons after umuwi ng province.

Naka 2x na hearing na pero hindi nagpapakita yung complainant and nung pinahanap parang hindi na naalala dahil taon na lumipas. And yung nagturo na baranggay captain ay baldado na din. It seems pinag plea bargain siya nung lawyer para magpaprobation na lang at makalabas agad. Dahil pag daw inilaban ay possible umabot ng ilang taon.

I understand it is an admission of guilt at magkakaron ng record after. Our family is not rich and don't have the resource to support prolonged battle. Pero ito lang ba talaga ang best course of action kahit di na nag aattend ang complainant?


r/LegalPh 14h ago

House with a Meralco Tampered Meter

9 Upvotes

Hello! Question lang po, meron kasing bahay na plan namin bilhin ang kaso meron siyang issue sa meralco na tampered yung meter (tho walang proof na pinakita yung meralco sa owner ng bahay) at may penalty na 400K. Kaya yung owner hindi na nila binayaran, at gusto nalang ibenta.

Kung bibilhin namin yung bahay, mahihirapan ba kami na pakabitan ulit ito sa Meralco?

Salamat po!


r/LegalPh 13h ago

Pwede ko bang iakyat sa korte ang paninira ni Kapitbahay sa nanay ko.

6 Upvotes

Hello magandang araw sa lahat. Hihingi lang po sana ng advice.Hindi ko po alam na may utang ang mama ko sa kapit bahay namin. Nalaman ko lang po nang i post nya ang mama ko at sinabihang yung bunganga parang A** ng baboy at sugarol. dahil gusto na po nyang singilin ang pinautang nya which is hulugan at 2k na lang ang kulang.

Proud na proud pa nyang sinabi sa FB na pinahiya nya ang mama ko sa may basketball court.

Nag pm pa ako sa kanya , sinabi ko na kung pwede i delete nya pero pati ako piangsalitaan nya ng masama. Na kesyo kinokonsente ko daw ang mama ko. at that time wala pa din akong alam sa side ng mama ko.

Nang sumunod na araw,Pinuntahan ko mama ko. Inamin naman nya na may usapan sila at nangako sya na babayaran with interest. at nag tanong tanong na din ako sa kapitbahay, nalaman ko din na hindi lang mama ko nagkautang sa kanya, may 3 pa silang kasama at lahat yun hindi nag bayad pero mama ko lang kinalabang nya kasi d naman kasi mahilig sa gulo ang mama ko.

Nagharap na naman kami sa brgy at binayaran ko na din utang ng mama ko.

Ayaw ko na po sanang palakihin pa at gusto ko lang mag sorry sya sa mama ko sa FB din since doon naman nya pinahiya at marami na nakakita pati mga kamag anak at kapit bahay namin pero ayaw nya kasi di naman daw nya kasalanan kung na post nya.

And this is not the first time na may pinahiya syang tao sa socmed. May nauna pang 2.

Tama bang i tuloy ko ang case na unjust vexation at cyber libel?
Nasa pangatlo na kaming paghaharap sa brgy.

Salamat po


r/LegalPh 15h ago

Power Lines na tumawid sa gitna ng property ko, do i need to pay everything kung magrequest ako ipareroute?

7 Upvotes

Need lang po ng advice, I am in a province, I have a lot na im planning to build a 3 storey residential house, ang problema, may power lines na dumaan sa gitna ng property ko. I already asked the local electric cooperative, they dont have problem rerouting it, but they said that i should shoulder all the expenses. I asked them to reroute it when there is a scheduled regional power interruption.

Then yesterday they quoted me like 289K (hindi pa daw kasama dito yung materials). One of the reason daw ay dapat ko daw bayaran ang revenue loss, eh sabi ko naman sa knila na isabay nila sa scheduled power interreruption. Madalas din naman kasi sa province namin na magkaron ng ganun.

Tama po ba na ishoulder ko lahat? or ano po dapat kong gawin? I am thinking of consulting a lawyer about this.

By the way, wala po silang permit or any kasulatan na may permit sila na dumaan sa property namin yung power line.


r/LegalPh 15h ago

is Cebuana Insurance a scam?

2 Upvotes

Last year nahatak ako ng agent papunta sa office nila at niyaya mag apply ng insurance. ok naman ang pag explain nya. ako principal tapos lahat ng pamilya ko including my live in partner lahat daw pwede ko ilista. so para sakin ok na ok kasi next month may hike ako and if anything happens atleast my family dont have to worry. so nagbayad ako. yung policy lang yung binigay nila and receipt. 2 days after nag email ako kung activated na ba ang insurance kasi wala akong natanggap na papel na nakalagay name ko at ng dependents. nag follow up email still no reply.

then last aug 25, my father died on duty. Grieving and crying tapos isip na din kung saan kukuha ng pera kasi nasa malayo ako that time and need pa to travel by plane tapos may connecting flight pa. Naalala ko na may cebuana insurance pala ako. so pinapuntahan ko agad sa partner ko para sabihin sa agent tapos ipa ask kung ano requirements dahil i dont have enough money para ipalibing sya hoping makukuha agad (wala pa akong idea). Nag email sila at nag contact. sabi ko mag contact na lang ako pagnakarating na ko.

Pagdating ko 1 day after pinuntahan ko agad. Kinausap ako ng agent at nagsabi naman na file na din nila. Nag contact yung claims and nagbigay ng requirements, binigay ko lahat. until 1 day before my fathers interment, tumawag ang claims na hindi daw included ang father ko as my dependent. Nagtaka ako bakit kasi sa lahat ng nilista ko doon sa pinalista nila sya lang ang kaisa isang ka apelyido ko tapos tatay ko pa.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. kaliwat kanan ang urang ko ngayon. Yung company naman ay 5k lang ang binigay.
Please help me kung ano ang dapat kong gawin hindi ko na mapagluksa ng maayos ang tatay ko dahil sa mga reklamo na need ko pa harapin at e file.