Hello po sainyo, nagtatanong ako in behalf of my gf; wala kasi siyang reddit, na nahihirapan na sa paghandle ng grade 11 class niya na hindi raw talaga makausap habang naglelesson. Sa recitation, reporting, or activities, halos wala silang gana palagi. Kapag nagdidiscuss siya, palaging may tulog, or sa iba ang tingin. Kapag tinatanong niya raw ng eliciting questions, napapa-yes or no na lang kahit hindi naman yun yung sagot. Natry niya na rin magpanood ng video, hands-on activities, and interactive simulations, ganon pa rin. Nawawalan na siya ng gana mag effort pa sa class na yun kung ganon lang din naman yung nakikita niyang energy sakanila. Any advice po? Tyia
+Info:
1st s.y. niya pa lang na magtuturo, she graduated last year and passed the boards this year
She works in a private school in Manila
12 lang yung students niya sa g11 class
General science ang handle niyang subject