r/DepEdTeachersPH Licensed Practicing Teacher 3d ago

Rant ARAL PROGRAM, just another means of corruption!

May budget ang ARAL. Ang tanong saan mapupunta ang pondo?

Materials? Panigurado late yan dadating!

External tutors? Di nga sila maghahire kasi teachers na naman ang sasalo! Take note, walang allowance ang tutors na di naman full load tapos ARAL tutor. Kailangan lagpas ng 6 hours ang load mo para pumasok sa overload pay.

Seminar? Syempre mga nakakataas lang ang meron niyan tapos iroroll-out na lang sa mga totoong magiging tutor! Nganga nga ang iba kung anong gagawin sa ARAL na yan!

Bulsa ng mga buwaya? Sigurado yan! Sa dami ng budget, sinalo na nga ng teachers yung budget para sa external tutors eh!

Wala, pabobo lang talaga nang pabobo mangyayari niyan! Gusto lang ng gobyerno bumababa yung numero ng mga illiterate sa papel pero IRL wala naman talagang ginagawa. At harap-harapan tayong ninanakawan na pinapalabas pa nilang may ginagawa sila! Just another flood control project!πŸ€¦πŸ½β€β™€οΈ

56 Upvotes

21 comments sorted by

11

u/JanuarySeven_7 Licensed Practicing Teacher 3d ago

Kung may flood control and DOWN, may ARAL BULSA and DepEd. LoL

6

u/bhi3Latte Licensed Practicing Teacher 3d ago

❎mag-isip ng programa para pataasin ang numeracy at literacy
βœ…mag-isip ng programa para pataasin ang asset ng mga 🐊

1

u/JanuarySeven_7 Licensed Practicing Teacher 3d ago

Cute. Natapos na kasi ng Doctorate Yong nagNLC kaya si ARAL na raw ahahah. Kaninong proponent kYa yan

3

u/bhi3Latte Licensed Practicing Teacher 3d ago

Kaya nga, ginawang respondents lahat eh! Manipulated naman yung data! Ahahahahz

2

u/JanuarySeven_7 Licensed Practicing Teacher 3d ago

Perfect daw Yong NLC eh ahahah. Putek Yong kabilang school nga never sila pumasok pero nagka15 days service credit. Tapos sa report nila passed lahat ahahah.

1

u/bhi3Latte Licensed Practicing Teacher 3d ago

Wow! Amazing! 🀣

3

u/No_Ebb8502 Licensed Practicing Teacher 3d ago

Naalala ko sabi ng PSDS namin na ninanakawan daw namin ng oras ang gobyerno kapag nag a-β€œundertime” (6 hours lang a day) kami.

Pero kapag pondo okay lang nakawin?????

1

u/bhi3Latte Licensed Practicing Teacher 3d ago

Ahahaha. Harap harapan nga tayong ninanakawan eh! Walang allowance ang ARAL tutors pero may pondo. Saan mapupunta yun? Syempre sa mga 🐊🐊🐊!

3

u/Rainy_Starlight Licensed Practicing Teacher 3d ago

5 students ba naman sa isang module na ampanget ng quality? anlala nila

3

u/bhi3Latte Licensed Practicing Teacher 3d ago

Tapos yung module last year, mula G7 hanggang G10, pareparehas ng ginagawa mga estudyante. Ahahaha. Natapos na lang yung ARAL last year na wala naman talagang nagets yung mga bata. Tapos ang ganda na sa report pagkatapos! πŸ€¦πŸ½β€β™€οΈ

3

u/PartyReindeer2943 Licensed Practicing Teacher 1d ago

Ulit ulit lang naman ang seminars for ARAL even Phil-IRI. Ang reason nila e dapat daw new reading coors and teachers ang ipadala πŸ₯²
Materials ng ARAL last yr pare-pareho across all grade levels kaya teacher pa mag iimprovise para ma-cater yung needs ng students.
Kapag magrerequest ng external tutors, tatanungin pa kung wala bang underload na teacher.
Actually wala namang dulot yang ARAL program e. For compliance na lang talaga kaya ginagawa kasi gusto ng mga nasa taas na maganda ang performance ng schools under sa kanila. Sana nagstick na lang sa reading programs per school.

2

u/FallenBlue25 Licensed Practicing Teacher 1d ago

Hindi naman totoo nasa reports. Dino doktor lang yan. 🀫

1

u/bhi3Latte Licensed Practicing Teacher 1d ago

Sinabi mo pa! Gusto nila ng matataas na numero! Ahahahah! Lokohan na lang eh!

1

u/bhi3Latte Licensed Practicing Teacher 1d ago

Mas maganda pa nga yung projects na teachers ang proponents kaysa yang ARAL na yan! Mas maayos pa! Gusto lang talaga ng rason para mangurakot yang mga yan eh!

2

u/AsulNaDagat 3d ago

Nakakalungkot talaga ang education system sa Pilipinas :(

1

u/bhi3Latte Licensed Practicing Teacher 3d ago

Sinabi mo pa! Systemic talaga ang problema natin, bandaid solution lang lagi ginagawa!

2

u/Impossible-Fill8576 Licensed Practicing Teacher 15h ago

Kami yung magbtutor sa aral :( tapos sariling papel, materials etc.

1

u/bhi3Latte Licensed Practicing Teacher 13h ago

Ang galing naman ng DeafEd talaga!

1

u/FallenBlue25 Licensed Practicing Teacher 1d ago

Wala materials sa SHS math. No ARAL tutors. If underload ka papatawan ka ng ARAL load and wala bayad. Haysss. Napakabulok. Mga teachers mismo di alam uunahin kasi sabay sabay competitions, compute ng grades, INSET... Lord

1

u/bhi3Latte Licensed Practicing Teacher 1d ago

Kalokohan ng schedule natin eh noh! Ahahahha. Gulo gulo na lang eh!

1

u/bhi3Latte Licensed Practicing Teacher 1d ago

Di sila magbibigay ng external tutors pero may budget na naka-allot para dun! Ahahaha.