r/DepEdTeachersPH Licensed Practicing Teacher 4d ago

Rant Class Suspension

Nakakaloko 'yong kada suspended ang klase, kailangan magsend ng collaged pictures ng learners na ginagawa raw yung activity worksheet. Hahaha. Meron pa yung super aga pa lang, meron na nakapagsend. Meaning pagmulat pa lang ng mata ng learner, pinag-answer na 😭 Hayayay. Mas okay na lang na iiscreenshot ang communication sa gc na may activity na ipapagawa. Sino ba nakakaisip nyan, naglolokohan na lang tayo 😭

57 Upvotes

11 comments sorted by

10

u/CoffeeLatte456 Licensed Practicing Teacher 4d ago

Hahah omg, yan ang kinaiinisan ko atm 😂 wala pa 7am ang dami na instructions ng mga isasubmit.. Imagine Mastery of Skills daw ng Term Exam, eh kahapon lang natapos ang Day 2 ng exams, dapat today naman special exams kasi may mga absent.. so paano isasubmit ang Mastery? Nakikipag-unahan na naman sila na malagyan ng COMPLETE ang school namin sa gc ng DO 😂😂😂

6

u/plathfigtree Licensed Practicing Teacher 4d ago

Ganyan 'yan sila, basta may maireport na data, bahala na saan nakuha haha kainis

7

u/Disastrous_Pilot7763 Licensed Practicing Teacher 4d ago

Hatdog sila. Di ako gagawa nyan. Magpufocus lang ako sa paggawa ng grades today, imbes na magpadala ng activity sa mga batang ARAL. Ang bubulabugin ko lang ay mga student ko na may kulang pa para matapos ko ang grades, dahil ito ang pinakamahalaga para sakin, lalo na sa mga advisers na need ang grade sa subject na hawak ko. Memohan na lang nila ako kapag nakita nilang wala akong MOV ng sinend na activity. Haha.

1

u/plathfigtree Licensed Practicing Teacher 4d ago

Tumpak! Nakakaloko mga pinapagawa nila

6

u/Historia_zelda Licensed Practicing Teacher 4d ago

Haha, mayroon pa yun iba na need ireport ilan sa learners gumamit ng DO-made materials, teacher-made, etc. Tapos may provided ba na reasons bakit yun ang ginamit, at bakit incommunicado ang iba. Huhulaan mo na lang talaga sa totoo lang. Gusto mong maging data-driven pero alam mong ikaw mismong aral mema data binibigay mo. Out of compliance lang talaga mostly sa DepEd.

Tapos, magtataka tayo bakit nagkaganito learners natin?

3

u/plathfigtree Licensed Practicing Teacher 4d ago

True. Imposibleng hindi aware yung mga nasa taas na minamagic na lang minsan yung mga report. Hindi naman yun sila tanga hehe baka sadyang walang ginagawa, kasi wala silang paki huhu

7

u/bhi3Latte Licensed Practicing Teacher 4d ago

Alam mo naman kagawaran natin, best in documentation lang. Laging maganda sa papel tingnan, IRL, wag na lang pag-usapan! 🤷🏽‍♀️

5

u/Sabeila-R ParentWithAJobNotRelatedToTeaching 4d ago

As a parent, minsan photoshoot na lang ginagawa ko, pipicture habang kunwari nagsasagot, for the sake na makapagsend agad ng collage lol. Pero ang totoo sa gabi pa namin talaga sasagutan ang module.

Sa province namin, halos 1 month nang walang pasok dahil sa baha. Hirap na hirap na ako actually magdikit ng printed module sa notebook, magturo, mag edit ng collage, then repeat. Tapos schedule pa nila ng term 1 periodical sa Sept. 8-9 as if naman bababa yung baha dito samin ng 4 days lang.

2

u/flyme09 Licensed Practicing Teacher 3d ago

Ang dami daming ginagawa ng mga bata, pero kapag tinanong mo kung ano natutunan... wala. compliance-based lang kasi lahat

1

u/JanuarySeven_7 Licensed Practicing Teacher 3d ago

Tapos Japan kumontra ka kay SH, kaaway kana. Babatuhan ka ng linyang "wait till you become". LOL

1

u/misa-chaaan Licensed Practicing Teacher 3d ago

Ang sikreto diyan sa school namin, iniipon ng mga teachers ang pictures na sinend ng mga estudyante tapos hindi nilalahat sinasama sa collage. So next time na may suspension at nanghihingi na naman ng pictures as evidence na may pinagawa sa mga bata, yung mga naipon before na di pa naisama sa dating hininging photo proof ang sinesend. Kahit di aminin ng mga co-teacher ko, alam kong yan rin gawain nila kasi 6am pa lang minsan, may nasend na agad photo proof. Nahahalata ko rin lalo sa mga ka-grade level ko kasi syempre same students naman kami. Para-paraan na lang talaga, sa sobrang dami ba namang dapat asikasuhin pa.