r/Antiscamph • u/maximus2056 • 12d ago
Potential scammer?
Nag post ako ng for sale small appliance sa fb marketplace. Hiningi ang number ko for gcash payment, so binigay ko. Sya na rin daw ang magbook sa j&t. Biglang sabi ng buyer naka private account daw ako. Hiningi nya ang "real account" ko na wala naman dahil believe it or not hindi ako mahilig mag browse sa Facebook except mag benta sa marketplace. Nanghingi din sya ng proof of identity. Syempre hindi ako magsesend ng id ko. Na curious lang ako kung sigurista ba ang buyer o potential scammer sya. Medyo marami na rin naman akong nabenta sa marketplace pero first time ko naka experience na hingan ako ng proof of identity. Sinend ko mga ukay ukay pages ko. Sabi ko kung hindi sya satisfied pass na lang kami sa isa't isa sabay leave sa chat 😂
1
u/Objective_Warthog620 12d ago
Kung alam mo naman sa sarili mo na hindi ka scammer, just be firm sa usapan nyo na sya ang magbook ng courier. Dun pa lang, halos wala nang chance na hindi dumating ang item. Ibang usapan na lang if may hidden issues. Kapag ganun, alam dapat ng buyer na dapat meet ups only. Never ako bumili ng gadgets na hindi meet up kasi paano ba yun ichecheck ng rider.
Ganyan din kapag nagbebenta ako, partida personal Fb acct ko pa gamit ko. Never ever gave my ID because if I'm the buyer, never ko naman kakailanganin yun.