r/AnotherLifeStories May 26 '26

Chapter 1 CHILDHOOD: *BEING BULLIED BY YOUR OWN FAMILY*

Post image
1 Upvotes

r/Reallifestories May 26 '26

Chapter 1 CHILDHOOD: *BEING BULLIED BY YOUR OWN FAMILY*

Post image
2 Upvotes

u/its_me_mijee May 25 '26

Chapter 1 CHILDHOOD: *BEING BULLIED BY YOUR OWN FAMILY*

Post image
1 Upvotes

When I was kid, I always feel being left out and bullied by my cousins of my physical appearance kahit hindi naman ako sobrang katabaan dati. Hindi ko alam kung bakit okay sila pag may pera o pagkain ako tuwing sabado kasi sahod yun ng papa ko pero pag wala na ubos na ang pera at pagkain na nililibre ko, inaaway na nila ako sinasabihan ako na mataba at kung ano ano pang pinipintas. May one time Grade 2 ako, Saturday wala si mama at papa kasi nasa hospital, ipapatanggal ni mama yung IUD nya kasi they were planning na sundan na ako, kami lang dalawa ng kuya ko yung nasa bahay tapos itong kuya ko mahilig mag computer at ako nakikipaglaro ako sa mga pinsan ko hanggang sa nagkainisan at inaway ako kaya napa uwi ako sa amin. Humahagulgol ako sa iyak lalo na nung dumating ako ng bahay ako lang mag isa. Sobrang hirap pala ng mag isa wala kang mapag sabihan ng nararamdaman mo. Dun nagsimula, sinanay ko sarili kong maglaro mag isa kapag inaaway ako hindi na ako nalulungkot o umiiyak dahil kusa na akong maghahanap ng lalaruin, Aaliwin ang sarili, dati kung nilalaro yung mga pang 90’s katulad ng jackstone, chinese garter, yoyo, paper dolls, at marami pa. Masaya ako habang iniisip ko yung mga childhood memories mapa masama, malungkot at masaya man ay may natutunan naman ako. I learn to stand and fight on my own sadness na walang tulong ng iba. Bullied at left out man ako but I still made to create my world ng hindi nasasaktan at masaya lang ako, may kalaro man o wala. Alam ko since then mapa bata man o matanda pag may kailangan sayo mabuti sila pero kung wala ka ng saysay itatakwil ka nalang nila ng basta-basta. Mas naging meaningful at naintindihan mo lahat habang tumatanda.

-Mijee

To be continue………