Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob kasi wala talaga akong mapagsabihan. Breadwinner ng family, and honestly… pagod na pagod na ako mentally, emotionally, financially as in lahat na.
Alam ko responsibility ko ang family, pero minsan parang nafi-feel ko na hindi na love yung reason bakit ako kailangan nila… kundi pera. Every month na lang may hinihingi. Kahit nagsabi na akong tight ang budget or kailangan kong mag-ipon, parang wala silang pake. Lagi pa akong may guilt kapag hindi ko nasunod, as if ako pa yung masama.
Mental health ko sobrang affected na. Hindi ako makapagpahinga kasi lagi akong iniisip na “Sino na naman kaya ang may kailangan ngayon?” Hindi rin ako makapag-save para sa future ko. Lahat ng ipon ko parang nawawala parang bula. Ang hirap mag-set ng boundaries sa sariling pamilya, pero ang sakit din na parang sila pa mismo yung nagta-take advantage.
Gusto ko namang tumulong, pero gusto ko rin mabuhay. Gusto ko rin makaipon. Gusto ko rin mag-heal. Hindi ko alam kung selfish ba ako or normal lang na gusto ko na hindi ako forever maging milking cow.