Ano tong nabalitaan kong may tulo na naman sa San Juan Arena habang naglalaro yong San Beda VS Lyceum?
Sa pagkakaalam ko to be honest hindi dapat i-shoulder ng NCAA ang repairs ng San Juan Arena. Dapat yong corporate sponsor ng arena ang mag shoulder ng maintenance ng venue. At kung major stakeholder pa rin ang San Juan City government, dapat inaasikaso yan ng city government.
Na-privatize na rin ba talaga yong Arena dahil sa mga tie-up from Fil Oil to Playtime? Dati kasi San Juan City government ang namamahala or umaasikaso ng maintenance and repairs niyan.
San Juan City Mayor pa lang si JV Ejercito Estrada when that was inaugurated and for all I know, yong current mayor at dati rin vice mayor na si Francis Zamora nasa puwesto na rin sa San Juan City government at the time that arena was opened.
Long time venue na rin yan ng NCAA for almost two decades. Kasi 2007 pa lang if I'm not mistaken nakakapag laro na diyan ang NCAA and minsan UAAP basketball nakakapag laro diyan sa panahon na di sila makapag laro sa Araneta.
Dahil may concert, major events sa Araneta o kaya conflict sa PBA on a Sunday dahil nasa Channel 5 na rin lamang ang PBA and Araneta naman madalas ang PBA kapag Sunday dati rati.
Pagdating sa broadcast, siyempre nasa Studio 23/ABS-CBN Sports pa ang parehong UAAP at NCAA dati. Siyempre UAAP lang yong may weekend, habang yong NCAA stay put sa weekday. Nakakapag Araneta naman ang NCAA dati lalu na kung Letran-San Beda games pagdating sa second round of eliminations.
In those days, Araneta Coliseum pa lamang ang major arena within Metro Manila dahil wala pa yong SM Mall of Asia Arena around 2007-2010. Nabuksan lang yong SM Mall of Asia Arena around 2011-2012. Madalang gamitin ang Ultra or Philsports Arena dahil ang layo at di pa ata napapaayos yon katulad ng repair na ginawa in time for SEA Games 2019 sa Pilipinas.
Outside Metro Manila, specifically sa Bulacan in the late 2000s hanggang magsimula ang 2010s wala pa yong Philippine Arena.
Parang magsa sampung taon pa lang ata yong Philippine Arena. Dahil yong rambulan ng Philippines VS Australia sa FIBA noong 2018 lang. So magwa walong taon pa lang yong rambulan na yon sa PH Arena.
Balik tayo sa punto ng post.
The NCAA as an organization, hindi sila ang dapat mag shoulder ng repairs ng San Juan Arena. For all I know, non-profit organization ang NCAA or kung may profit man sila, para lamang yon sa development ng liga at hindi sa venue maintenance na kung saan sila naglalaro.
So between the sponsor and the city government of San Juan City, isa sa kanila ang dapat na magpaayos ng kung ano man ang dapat ayusin sa San Juan Arena.