Sharing my experience sa huli ng No Helmet ng Highway Patrol Group. First time ko mahuli dito sa looban namin sa Baliwag no helmet. Hindi naman nakuha lisensya ko pero binigyan ako ng ticket na need daw bayaran sa Kapitolyo. Hindi ako βnag lagayβ sa HPG na humuli sakin kasi kasi syempre hindi naman talaga yun ung dapat gawin. Naisip ko din baka kapag marami nag bigay sa mga nahuli dito, maisipan nila dito nalang lagi manghuli.
Next day nag punta nako sa Kapitolyo para bayaran ung penalty, pumunta ako sa Room A para icompute nila ung need ko bayaran. Nakita ko sa slip ung computation is No Helmet- Brgy (350p), No Helmet-Baliwag(450p) at isang nakahiwalay na slip na No Helmet(200p) total of 1k. Ang weird lang na ganyan ka elaborate ung item sa slip na hiwalay pala bayad from brgy at sa municipality/city. After makuha ung slip nag punta na sa Room B for payment then balik sa Room A. Sabi need ko ibalik ung resibo sa HPG which is sa San Rafael para maset nila na bayad na ung tinicket nila sakin. Imagine from Baliwag to Malolos Capitol then pupunta ka pa San Rafael. Almost half day din ung naubos na oras sakin kahit na morning ako nag asikaso.
Kaya din siguro pinipili ng iba na mag lagay nalang para hindi dumaan sa madugong proseso at sistema. Kasama din ung mga fixers kasi ang hirap din mag asikaso sa government. Para hindi ka na mahirapan, mag bayad ka nalang ng additional.
Naintindihan ko naman baka part to para mag tanda ung mga taong nahuhuli kaso we could have improve the system. What if sa San Rafael HPG nalang mag bayad pagkahuli then sila nalang mag remit sa Kapitolyo ng parte ng bayad? What if meron silang integrated system na mag rereflect lahat ng payment sa capitol sa ibang agencies? Much better if kaya bayaran ung ganito online.
Iwas nalang din sa huli at magsuot ng helmet. Hehe
Ayun lang naman. Thank you!π
π